Chapter 2

65 11 0
                                    

Chapter 2

"We go, we go high
We are SLC,
Hey, hey, SLC!"

Humikab ako habang pinapanood sila Lauren at Clarisse na nagpapractice para sa darating na school rally. Si Chaos ang katabi ko na syempre,  katulad ko, tahimik lang din palagi.

School rally happens every year as the opening remark of sports festival. Doon shino-show off lahat ng athletes. Nagkakaroon din ng cheerdance competition. Ginaganap karaniwan ang school rally sa streets ng kung sinong school ang host para sa taon.

Magaganap na ito next month kaya nagsisimula na ang paghahanda ng mga athletes pati na rin ng cheering squad. This is the biggest event of each school every year. Lahat ng kaibigan ko ay mga athletes at kasali sa cheer dance. Ako lang ang walang hilig sa aming samahan doon.

"Nov..." tawag sa akin bigla ni Reagan. Tiningala ko sya. "Screening na daw. Kaylangan lahat ng journalist," he added kaya tamad na tumango ako saka kinuha na ang aking bag.

"Journ Room lang ako," tinapik ko si Chaos. He nodded slowly at inilapit sakanya ang gamit ng dalawa naming kaibigan. "Text me when you're going." I added. Again, he just nodded.

Iniwan ko na si Chaos mag isa doon para sya ang magbantay sa aming mga kaibigan at sumunod naman ako kay Reagan.

Habang magkasabay kami ni Reagan na naglalakad sa hallway ay nililibot ko ang aking paningin sa buong field kung saan nakalagay ang soccer field. Nandoon na rin ang ilang soccer player at nag uumpisa na mag practice.

"Ang daming sasali sa screening ngayon. Baka mahirapan tayo pumili," saad ni Reagan kaya sakanya ako bumaling at tumango.

"Pagbigyan dapat lahat ng may potensyal. Napag aaralan naman ang lahat," sagot ko at tumango sya saka tumingin sa soccer field kaya doon din ako napatingin.

"You know the guy in grey shirt?" he smirks kaya nangunot ang noo ko. Kinailangan ko pang ipaningkit ang aking mata para luminaw sa aking paningin ang kanyang tinuturo.

Holy shamoly!

Biglang lumingon sa gawi namin ang lalaking tinutukoy ni Reagan.

Oo, si Titus iyon! Naka grey na tshirt ito at naka short na kagaya ng soccer players! Pati sapatos ay kagaya ng ibang players! What?

"Titus Abraham," salita ulit ni Reagan nang hindi ako naka imik saka ito nagpatuloy sa paglalakad.

Sumunod naman ako sakanya saka uli nilingon si Titus na nakaapak sa bola at nakangising nakatingin sa amin. "The Journ team is still hoping for him to join the photography." ngumiwi ito.

"Sya? Sino ba yon?" habol ko kay Reagan. Pumasok na kami sa building at nag umpisang akyatin ang hagdan papunta sa fifth floor.

"Transferred student. Hindi mo kilala? Mula first day ay nandito na yan, ah?" taka nyang sagot.

"Eh?"

"Oo nga. Yan yata ang papalit kay Cliff pagdating sa chicks! Napakalakas ng hatak kaya pati ibang school ay excited na para sa debut nya sa soccer team."

"Bakit hindi ito nababanggit sa room?"

"Why so curious, Nov? Baka isa ka na din sa nabihag?" tanong nya at ngumisi saka binuksan ang pintuan ng aming room.

Mula sa labas ay mahaba na ang pila para sa screening.

"It's just that it slipped on my paper!" depensa ko kaya tumango ito at pumunta sa kanyang desk at may kinuhang folder doon. Ibinigay nya sa akin iyon.

"I forgot na inilipat ka na nga pala as one of the chief of staff," umiling si Reagan. "If you're curious enough and want to get some scoop on him, you can get the infos there," tinuro nya ang papel.

Itim Na Ulap Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon