CHAPTER 3

22 2 0
                                    

"---we are both graduates from that school"

I KNEW IT! SABI KO NA NGA BA! KANINA KO PA 'TO INIISIP!

Kaya both of them are sure and excited about me getting into that school is because they BOTH are from that exact same school. Sabagay, kung ako din naman yung parent, 'di rin naman ako papayag na pabayaan lang yung anak kong magtransfer sa ibang school unless alam ko kung anong school 'yon.

"Well then, I guess I'll try my best to enjoy my life there ma. If you had fun learning there, maybe I will too, diba?"

"Just don't forget to have fun anak. 'Wag kang puro aral lang. Sayang yung pagpunta mo doon."

"Of course ma."

Mahinahon kung magsalita si mama kaya naman kahit yung pinakakinakatakutan mo pang bagay ang kahaharapin mo, fear will just fade 'pag kasama mo siya. We continued eating until our bags are full then after washing the dishes, we went straight up to our rooms para makapagpahinga na ako bukas.

Tomorrow will surely be a big day for me.

I close my eyes to the thought na bukas, ibang bed na yung tutulugan ko.

-----

"Ma, nandito na ba yung mga toothbrush at toothpaste ko? Pati yung extra nalagay mo na rin ba?"

"Yes yes. Eh yung vitamins mo nadala mo na ba?"

Both of us are panicking our bodies as we hurried up para makaabot sa bus. The new school messaged mom earlier na may bus daw na susundo sakin para ihatid sa port kung saan may private airplane na maghihintay. It will then take us to the school mismo para mabilis ang pagdating.

As I finished packing everything sa dalawang maleta ko, I hugged mom. Hindi naman masyadong matagal bago yung next naming pagkikita pero I will surely miss her.

Umupo muna ako saglit while waiting for the bus and checked my phone kung nagreply ba yung mga kaibigan ko.

To: Yana_0145, http.nick

Uy, this might be my last dm sainyo. Char. Pero I will be leaving for a while. See you soon mga unggoy! :))))

seen 9:32 pm

Haaayyy! Sa lahat nalang ata ng mga anti-social na nakilala ko, sila na ata yung pinakamagaling. They deserve an award for seening me. Ang galing eh no.

Maya-maya lamang, the bus arrived sa harap mismo ng bahay namin. At first, 'di pa sana ako maniniwala kasi sobrang gara tignan nung bus pero nang makita ko yung logo ng bagong school ko, I was sure na ito na nga yon.

I hugged mom goodbye and run towards the bus.

I am so careful in putting my first step on this bus, baka magasgasan pa tapos pababayarin pa ako. The driver greeted me with a smile on her face. As I walked to the center, I realized that something's not right in here.

Akala ko ba 5 lang kami in total kasama ako? Bakit there are over 30 students ang nakaupo dito sa loob? Does that mean na 'di lang school namin ang pinagpilian ng students?

As I walked down the aisle, I recognized someone na nakupo sa bandang gitna. She was playing with her phone kaya doon na ako tumabi sa kanya.

"Josh, right?"

She greeted me as I lay my back on the seat. She also offered her hand para makipaghand shake sana.

Pano niya nalaman yung pangalan ko? Saan ko nga ba siya nakita? Hmmmm, wait, let me think first.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MACMILLIAN UNIVERSITYWhere stories live. Discover now