Chapter Ten

474 20 0
                                    


WEDDING DAY.

Danica looked at herself in the whole body mirror. Photographers and videographers are giving her instructions where to look at, where to put her hands, what to do, and such things just for them to be able to create a good shots for the wedding. In fairness, hindi pa nagsisimula ang kasal, napapagod na siya. Ganon pala ang weddings ngayon, bukod sa magastos, maraming arte.

But Danica set aside the tiredness that she was feeling that day. It was her wedding. Above tiredness, fear, and confusion that she felt all at the same time, excitement was on the top.

Her phone rang. Her father was calling. Umuwi pa mula Middle East ang kanyang ama't ina para sa wedding day niya. "Yes, Pa?"

"Mauuna na kami ng Mama mo sa simbahan ha. Be pretty always, anak."

"Sige po, Pa. Ingat po kayo. Love you."

"I love you too, anak."

She ended the call and continued being the bride-to-be. Hershey, the photographer, instructed Ciella, Richael, and the rest of female band members of Karisma Band to gather around her and make some scene. Pakiramdam ni Danica, she was more than a queen on that day. Pero nang maalala niya ang sad part ng love story nila ni Cielo ay nalungkot siya. Pero hindi niya yon pinahalata sa mga kasama. Masasabi kaya ngayon ni Cielo na mahal siya nito bago man lang sila mag-I do? I have to do something.

"Nica..." Ciella called her.

"Bakit?" tanong niya.

"Sabi ni Hershey, itaas mo daw bouquet mo. Wala sa sarili lang ang peg?" hirit nito.

Huh? Sinabi ba ni Hershey yon? Siguro sa lalim ng iniisip niya ay hindi na niya narinig na sinabi yon ng photographer. "Sorry, nagde-day dream lang di ko narinig." Nakangiting sagot niya. The cute photographer just smiled. He was actually a chef who loves taking photos. But when he married his wife, Kisses, who was the wedding coordinator that Cielo hired for their wedding, Hershey suddenly worked with his wife and it seemed like he was contented on what he had now.

Kakainggit talaga ang mga taong may maayos na love story at ayos na marriage. Iyong sa amin kaya?

"Tulala na naman ang lola. Lagot na," Richael commented.

"Hershey, pwede bang few minutes iwanan nyo muna kami?" Dana requested to the photographer.

Hershey just nodded and his team went out of the room. Kunot-noong binalingan niya ang mga ito. "Anong problema nyo?" tanong niya.

"Wala ka namang planong umatras sa kasal di ba?" tanong ni Limien.

"Wala ka naman balak na sayangin ang pag-aura namin sa mga bonggang gowns na itey, di ba?" dagdag ni Richael.

"And tell me na wala ka talagang balak sayangin ang bonggang air brush make up ko," Ciella added.

Tinawanan lang niya ang mga ito. "Kayo talaga ang paranoia nyo matindi. Hindi ako aatras sa kasal ano." She wickedly grinned. "Iniisip ko lang naman kung saan magandang itali siya mamaya after the wedding. Iyong tipong kapag itinali ko siya magmamakaawa siya sa aking pakawalan ko siya. Or better, iyong tipong mapapasigaw na lang siya ng I love you nang paulit-ulit hanggang sa ma-satisfy ako at pakawalan ko na siya." Binalingan niya uli ang mga ito. "May suggestion ba kayo?" Muntik na siyang matawa sa mga mukha ng mga ito. They were all in poker face.

"Nakakaloka ka! Ang sakit mo sa baby hair!" hirit ni Christella.

"Mas nakakaloka kayo. Saan ba nanggaling ang idea na tatakasan ko ang kasal?" She winked. "Excited kaya akong alipinin ang lalaking yon para makabawi-bawi din naman ako."

Bukas Na Lang Kita Babastedin (Published Under Psicom Publishing, Inc.)Where stories live. Discover now