Scenario #6

30 4 0
                                    

"Seul, sure kang papayag ka sa fixed marriage na yan, atigurl 25 ka pa lang, di ka pa naman lalagpas nang kalendaryo baka magsisi ka jan."

"Wends ayos lang, ipapakilala pa lang naman kami sa isa't isa tsaka wala pang official announcement, depende pa kung bet namin ang isa't isa, walang sapilitan naman daw sabi ni papa."

"Sabagay mas mahal ka naman ng tatay mo, bakit nga pala bigla kang ipapakilala, mayaman naman kayo imposibleng may utang ang tatay mo sa iba diba."

"Wends, actually di ko rin alam, pero nasabi na nila sakin dati na pag-25 na ako at wala pa akong pinakilala sa kanila na future husband ko eh may ipapakilala sila sakin, eh sakto wala akong jowa so G na agad, wala namang mawawala sakin."

"Eh pano kung mafall ka tapos yung pinakilala sayo fboy pala diba." pananakot ni Wendy sakin, napaisip tuloy ako.

"Hephep, stop na sa pananakot Wends,  para ka namang di pa nakakamove on sa ex mo eh, masyadong kang bitter, parang nilahat mo na ang lalake sa buong mundo nung sinaktan ka ng ex mo. Magkikilanlan pa lang sila wala pang sinabi si tito na ikakasal na sya, mayghad Wendy ang OA ha." sabat bigla ni ate Irene na kanina pa tahimik na nagbabasa sa gilid, eh mukhang naingayan na kay Wendy kaya nagsalita na siya.

"Oo na, basta Seul wag marupok ha, pag gwapo minsan gago, based from experience." payo ni Wendy

"Para namang di mo pa kilala si Seul, Wends, sa tagal nating magkaibigan, may isang lalake na bang nagpakabog sa dibdib niyan, diba wala ay teka meron pala, yung batang lagi nyang dinodrawing dati." sabay lingon sakin ni ate Irene. Namula naman ako ng maalala ang first love ko.

"Seul, don't tell me siya pa rin, ano ka pedo."sabay takip ni Wendy sa bibig nya

"Alam nyo ang OA ha, pedo agad anong tingin nyo sakin gusto ko lang appearance nya, ang eewan nyo talaga, baka nga sobrang gwapo na nun ngayon." pangangatwiran ko sa kanila

"Alam mo teh kung gwapo na yun ngayon, sure ako na may jowa na yun or fiance, kasi diba base sa kwento mo elite din sya, tingnan mo si Joy Park yung junior natin nung college, ikakasal na, kabahan ka na  hahahahah." pananakot sa kin ni Wendy.

"Wends tama na sa pananakot, imbis na nakakapagbeauty rest yan ngayon
baka mahaggard pa yan bukas."

"Ate Irene, buti ka pa, nung isang araw pa ako pinapakaba niyan ni Wends eh, palibhasa di maganda breakup nila ng ex nya, bleeeeh." lingon ko sa kanya kaya binato nya ako ng unan.

"Seul tama na yan, matulog ka na ng maaga baka kami pa sisihin ni Tita kapag pumanget ka bukas ." sabay naman silang tumawa.

Kita mo tong mga to, lakas makaaya ng sleepover sa bahay namin tapos anlakas din mangtrip sakin, akala mo mga di anak ng elites.

" Hoy bakla ka, gising na, kakain na daw tayo sabi ni tita." sigaw sakin ni Wendy sabay yugyog sa balikat ko

" Seul gising na, para di ka badtrip pag nagkita kayo ng fiance mo at isisi mo pa sa kanyang gutom ka, tara na." napabangon ako ng sabihin yun ni ate Irene, tama naman siya  baka nga masisi ko yung imemeet ko mamaya kasi kulang ang kain ko.

Ayoko namang magmukhang hindi nageffort , sayang din ang chance kasi di naman na ako umaasang makikita ang first love ko at baka nga may lovelife na rin sya ayoko nang makagulo.

Natapos ang agahan na puro kwentuhan, lalo na at nanjan si Wendy na hindi ata nauubusan ng kwento. Sila mama at papa naman tuwang tuwa sa mga kwento nya, di naman sa pagmamayabang pero mayaman kami, mataas ang katungkulan nya sa kaharian ng bansa namin, pero sobrang humble nila kaya masasabi kong napalaki kami ng tama nila kuya, lalo na't hindi kami inispoiled masyado ng mga magulang namin na kaibahan sa madalas na perception sa mga mayayaman, kaya nga di uso breakfast in bed sa bahay na to at wal kaming kanya kanyang nanny dahil ayaw nilang lumaki kaming nakaasa sa mga kasambahay.

Close To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon