Scenario #11

15 1 0
                                    

*insert Canon Rock Ver.

Caller tone ko sa trabahong pinasok ko. Medyo maingay pero mas maganda na yan para magising ang diwa kong kulang sa tulog.

Pasakay pa lang ako ng elevator papuntang parking ng tumunog ito kaya madali akong tumalikod para puntahan ang tumawag sa akin sa telepono. Mabilis akong nakarating sa kwarto nang isa sa mga pasyente ko at mabilis na tinugunan ang kailangan nito.

Isa akong third year resident ng General Surgery Department dito sa ospital na ito. Kaya naman medyo sanay na ako sa ganitong senaryo sa araw araw. Minsan sa sobrang dami ng pasyenteng kailangang asikasuhin eh nakakalimutan ko nang kumain. Buti na lang at mababait ang mga doktor at nurse sa department na napili ko.

"Dr. Kang, stable na po ang pasyente, pasensya na po sa pagtawag ko sa inyo, nasa OR pa po kasi si Dr. Lee." paumanhin nang bagong resident na tumawag sakin.

"Okay lang." sabi ko at naghanda na ulit para umuwi, pero bago pa yon eh dumaan muna ako sa OR para tingnan kung tapos na ang operasyon at nang mainform ko si Dr. Lee, ang aking registrar sa aming department, sa nangyari sa pasyente kanina.

Buti na lang at pagkadating ko eh tapos na at mabilis lang din akong nakauwi pagkatapos sabihin ang nangyari.

Pagkauwi ko ay bumungad sa akin ang aking ina na mukhang kabado dahil sa tagal ng pagkakauwi ko.

Simula kasi nang kumalat na may umaaligid na mandurukot dito sa lunsod namin, eh lagi nang kinakabahan ang nanay ko pag nauwi ako ng gabing gabi.

"Ma, ano ba, may sasakyan ako paano ako madudukot."

"Anak naman kasi, bakit ngayon ka lang?"

"Ma, ano bang pinasok kong trabaho?"

"Doktor"

"O kaya nga ma, doktor ako, alangan naman pabayaan ko ang mga pasyente ko."

"Eh nak, baka pwede mo naman kasing sabihin na medyo delikado na sa lugar natin kaya mas maganda kung aagahan mo ang uwi mo."

"Ma sinusubukan ko naman pong umuwi nang maaga pero di talaga kaya."

"Anak naman eh"

"Ma, what if magcondo muna ako tu-"

"Stop that nonsense, Seulgi Kang. Mas delikado yan di ka ba nakikinig sa balita."

"Luh si mama parang di alam na marunong ako sa martial arts HiYah!" sabay gaya sa pose nang mga player sa tekken.

"Seulgi Kang, di ka lilipat nang bahay, pababantayan na lang kita."

"Ayoko nga, mapagkamalan pang boyfriend ko yan ma. No, thanks."

"O sya magahanap ka na lang ng boyfriend, mag-entertain ka nang kahit na isa lang sa mga manliligaw mo."

"Ma, ayoko balak ko pong magmadre."

"Heh, madre madre ka jan, di kita papayagang gayahin ang mga pinsan mo."

"Luh si mama, sumbong kita kay papa ."

" Sumbong mo, kala mo naman kakampihan ka nun ngayon."

"Sa kanya kaya nanggaling na magmadre na lang ako."

Napalingon tuloy si mama kay papa at humanda nang sugurin, kaya kumaripas si papa ng takbo paakyat  ng kwarto nila ni mama. Sumunod na rin ako paakyat para pumunta sa kwarto ko at natulog.


--


Nasa loob ako ngayon ng operating room para mag-assist sa operasyon ni Dr. Lee. Mga limang oras din ang tinagal ng operasyon. Pagkalabas namin eh nagkayayaan na agad ang mga kasama ko sa cafeteria ng ospital kaya sumunod na rin ako. Habang kumakain eh masayang nagkwekwentuhan ang mga kasama ko habang nakafocus ako sa pagkain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Close To MeWhere stories live. Discover now