Chapter 2

117K 7.3K 1K
                                    

Hola, angels! I know, this update is so late! Huhu. I am sorry. Once that I've finished Prince Series 4, I'll focus on this story. Thank you! Isa pa, hindi ko rin ito gustong isulat na may kasabay. I am so attached with Gazellian Series, and I really wanted to live with their story alone while writing it. So... just wait a bit. lol. Thank you! 


Chapter 2

Pagbisita

"I can see you, Goddess of the Moon! Come with me, grandfather king wants to meet you!"

Tila ang mga natutulog na diwata sa bawat sulok ng palasyo ng Parsua Sartorias ay sabay-sabay umawit na may dalang mahika. Ang kanilang tinig na maiwawangis sa himig ng mga sirena mula sa kalmadong dagat na ang dala'y hipnotismong hindi lang dulot ay paglalamlam ng mga mata, kundi pintig ng pusong tila sumasayaw sa kanilang bawat nota.

Ang mga salitang nagmula sa munting prinsesa at ang kanyang ngiting kay tamis tingnan ay tila parte ng nakalulunod na salamangka na maging ang isang diyosang katulad ko ay magagawang maisailalim.

Ang eleganteng pasilyo ng palasyo ng Parsua Sartorias ay tila humaba ngunit sa kabila nito'y nanatiling maliwanag dahil sa maladiyamanteng ilaw na nagsabit.

Inilahad ni Divina ang kanyang munting kamay sa akin.

"He is waiting for you!"

Ilang minuto kong tinitigan ang maliit na kamay ng munting prinsesa. Nagawa pa niyang marahang itagilid ang kanyang ulo at may nanghahabang nguso habang hinihintay niya kamay ko.

"Don't be afraid! Aunt Naha met him too! He's nice and kind!"

Nangangatal kong inangat ang kamay ko habang unti-unti ko iyong inilapit kay Divina. Tumamis ang kanyang ngiti nang nagdaop ang aming mga kamay.

"Let's go!"

Nang sandaling tumakbo siya habang hawak niya ang kamay ko ay sumunod na rin ako sa pagtakbo. At kasabay ng mga yabag namin ay ang pagsunud-sunod ng pagpatay ng mga ilaw na siyang dinaraanan namin. Sinubukan kong lumingon pabalik ngunit pawang kadiliman na lamang ang nakasunod sa amin ni Divina.

Kapwa na namin buhat ni Divina ang aming saya hanggang sa makarating kami sa harap ng isang malaking pintuan.

"We're here..." bulong niya sa akin habang nakalagay iyong hintuturo niya sa labi niya. "I'll surprise him..."

Dahan-dahan na sanang bubuksan ni Divina ang pintuan na parang sanay na may kalaro sa likuran niyon nang bigla iyong nabuksan ng sabay na hindi man lang nahawawakan ng kanyang kamay.

Agad ngumuso ang munting bata at napapadyak siya na parang naiinis. Nauna siyang pumasok sa akin sa silid.

"I should surprise you, grandfather king! But you opened the door! Gugulatin ka pa ni Divina! Sutil ka rin katulad ni Papa! Si Haring Dastan... lagi nagugulat sa akin!"

Hindi ko magawang humakbang habang tulalang pinapanuod si Divina na nakapamaywang sa harap ng estatwa ni Haring Thaddeus Gazellian.

Alam kong estatwa lamang iyon pero ang presensiya ng hari'y tila inilagay roon dahil ramdam ko ang nag-uumapaw niyang kapanyarihan.

"M-Mahal na Hari..." halos hindi ko magawang mausal ang pangalan niya.

Narinig ko na ang tungkol sa lugar na ito, ngunit hindi ko akalain na ganito kalakas ang mararamdaman ko. Parang may apoy na unti-unting sumisindi sa dibdib ko na naumang oras ay magliliyab at tutupok sa akin.

"Promise me! Sutil sutil ka na rin like Papa. Divina always play with you when you're sad..."

Ilang beses kong hinaplos ang mga braso ko para pigilan ang paninindig ng mga balahibo ko sa mga naririnig mula kay Divina. Nakikipag-usap siya sa estatwang hari na tila buhay iyon at humihinga.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Where stories live. Discover now