Chapter 22

27 2 0
                                    

Chapter 22 (Sleep tight, Jullian)

ZAHARA's POV

Halos tatlong oras lang ang naging tulog ko kagabi dahil panay ang punta ko sa kwarto nila Jullian upang bantayan siya. Nagigising ako bigla kahit sa pinakamaliit na kaluskos sa paligid ko.

Maaga rin akong gumising kanina upang hintaying makalabas ng kwarto si Jullian. Dahil sa sobrang antok ko ay sinadya kong pumwesto at sumandal sa pinto para magising agad ako kung bubukas na ito.

Natapos ang ensayo nila at oras na para simulan ang event. Nakaupo na ngayon si Jullian sa pinakaharap na upuan kasama ang mga kateam-mates niya samantalang ako at si Tau ay nakaupo sa bandang itaas nila Jullian.

Panay ang anunsyo ni Sven sa mikropono, siya ang napili para maging MC. Marami siyang inanunsyo patungkol sa skedyul at pagkakasunod ng mga mangyayari sa event. Hindi ko inaasahan na magkakaroon pa pala ng performance ang bawat klase.

Si Henon ang pambato ng klase, hindi na ako nagulat pa nang kantahan niya kaming lahat pero ang nakakagulat lang ay ang pinili niyang kanta ay ang pinakamalungkot na kanta na narinig ko.

She's always on my mind
From the time I wake up 'til I close my eyes
She's everywhere I go
She's all I know 🎶🎶🎵
And though she's so far away
It just keeps gettin' stronger, every day
And even now she's gone
I'm still holding on
So tell me where do I start
'Cause it's breakin' my heart
Don't want to let her go 🎶🎶🎵

"Grabe, sobrang lamig ng boses niya." dinig kong sabi ng babae sa likod ko, hindi ko pa rin maalis ang titig ko kay Henon. "Tingnan mo girl, tumatayo yung mga balahibo ko." dagdag pa nito.

Maybe my love will come back some day
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows
And all I can do is hope and pray
'Cause heaven knows 🎶🎶🎵

Sobrang gandang pagmasdan ni Henon habang nakapikit at kumakanta, para siyang isang anghel na bumaba sa langit para lang kantahan ang mga tao. Ramdam ko rin ang pagtayo ng mga balahibo ko sa buong katawan dahil sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Sa hindi inaasahan ay dumilat siya, nagpalinga-linga ang kaniyang mga mata, animo'y may hinahanap. Sa ilang sandali lang ay huminto ang kaniyang mga mata at nagtama ang paningin namin. Nabigla ako at bahagyang napalunok, sakin ba siya nakatingin? Kumunot ang noo ko nang makitang napakalungkot ng mga mata niya.

Ganoon pa rin ang mata, kagaya ng dati. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit ngayon ko lang nakita ang emosyon na iyon. Paano niyang naitago iyon sakin sa loob ng mahabang panahon na nagkakasama kami.

My friends keep tellin' me
That if you really love her
You've gotta set her free
And if she returns in kind
I'll know she's mine
So tell me where do I start
'Cause it's breakin' my heart
Don't want to let her go 🎶🎶🎵

Maybe my love will come back some day
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows 🎶🎶🎵
And all I can do is hope and pray
'Cause heaven knows

Muli siyang pumikit at nakakunot ang noong ipinagpatuloy ang pagkanta. Kumabog ang dibdib ko ng ilahad niya ang kamay niya sa direksyon ko, nakapikit pa rin siya pero pakiramdam ko ay kinukuryente pa rin ako ng mga titig niya.

My Girlfriend is a GANSTERWhere stories live. Discover now