Chapter 39

8 2 0
                                    

Aimee's Pov

Flashback...

"Pasingit ako." nakangusong pakiusap ko sa lalaking nasa unahan ko, wala siyang nagawa kundi ang tapikin ang nasa unahan niya at isenyas ako.

Napangiti ako nang pasingitin nila ako, ngayon ay nasa pang-apat na ako sa mga pwedeng umorder. Nilibot ko ang paningin ko sa mga pagkaing nakahain sa malawak at mahabang mesa. Gutom na talaga ako dahil hindi ako nakapag-breakfast.

Natigilan ako nang may nahagip ang paningin ko, isang lalaki na nakaitim na coat ang kausap ngayon ng isa sa mga kahera. May ibinulong ito sa babae kung ano iyon ay hindi ko alam, nang makaalis ang babae ay napatingin sakin ang lalaki.

Sandali siyang natigilan at kumunot ang noo habang tinititigan ako, pakiramdam ko ay pamilyar ito sakin. Agad niya ring inalis sakin ang paningin nang muling bumalik ang babae na kausap niya at bigyan ito ng papel at panulat.

Naramdaman kong itinulak ako ng lalaki sa likod ko dahil umalis na ang nasa unahan ng pila, ngayon ay nasa pangatlo na ako. Sinundan ko ng tingin ang lalaki kanina at mas lalong nanlaki ang mata ko nang lumapit ito sa isang babae na nakaitim din na jacket, nakasumbrero at nakafacemask pa, prente itong nakatayo sa entrance ng canteen.

Straight ang buhok nito, nasa bulsa ng jacket ang mga kamay at panaka-nakang nililingon ang bawat estudyanteng dumaraan sa harap nila na parang may hinahanap. Tinanggal nito ang suot na sumbrero at inayos ang buhok niyang nagulo. Literal na napanganga ako nang marealize kung sino ang babaeng iyon.

Umalis ako sa pila at binalak sanang lapitan sila pero dumating si Director Lee at masaya silang inalalayan patungo sa kung saan. Hindi ako pwedeng magkamali, sigurado ako sa kung sino ang babaeng nakita ko sa harapan ko mismo.

End of flashback...

"Sa tingin ko alam ko kung nasaan siya."

Muling humarap sakin si Nicole matapos kong sabihin iyon, alam ko naman ang taong gusto niyang hanapin. Nakakunot na namana ang noo niya sakin, alam ko ring tutulo na ang luha niya anumang oras. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya, napaiwas ako ng tingin at sinigurong walang ibang makakarinig sa sasabihin ko.

"Nasa opisina siya ngayon ni Director Lee." marahan ko siyang itinulak palayo para mapuntahan na niya ang kailangan niyang puntahan. "Puntahan mo siya, kausapin mo at alamin lahat ng gusto mong malaman." naguluhan siya sa sinabi ko pero wala akong pakialam. "Humingi ka ng tulong sa kaniya para kay Tau, siguruhin mong matutulungan niya ang kapatid niya. Pero... pero sa oras na malaman mo ang lahat, sana walang magbago." iyon lang at iniwan ko na siya.

Alam kong naguguluhan siya pero alam ko ring magiging malinaw din ang lahat sa oras na malaman na niya ang totoo. Natatakot din ako... natatakot din akong malaman niya ang lahat, ang totoong nangyari kay Ash at kay Tau. Natatakot ako na baka magbago na ang pakikitungo niya samin sa oras na iyon.

Nicole's Pov

Pinanood kong maglakad palayo si Aimee, hindi ko alam kung ano ang pumipigil sakin na habulin siya. Mabigat sa dibdib ko na makita siya sa ganoong kalagayan, habang naglalakad siya palayo ay palihim niyang pinupunasan ang luha sa pisngi niya na hindi ko alam ang pinagmumulan.

May kung ano sa dibdib ko na nagpipigil sa sarili na puntahan ang dapat kong puntahan pero ganoon pa man, ito nalang ang natitira kong pag-asa. Si Zahara nalang ang makakatulong ngayon kay Tau, kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang pagkatiwalaan ang naging desisyon ni Tito Eduardo. Alam kong may binabalak siya kay Tau.

Alam ko iyon at sigurado akong hindi magiging maganda ang buhay ni Tau sa lugar na ito.

Tahimik kong nilakad ang mahaba at makitid na hallway patungo sa Director's office kung nasaan si Zahara, nasa malayo pa lang ay ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko. Hindi ako sigurado kung ano ang kahihinatnan kung makikita ko na si Zahara ngayon matapos ang dalawang buwan niyang pagkawala.

My Girlfriend is a GANSTERWhere stories live. Discover now