09

145 13 2
                                    

Jah's P. O. V

Nakasandal ako sa unan na nilagay ko kanina sakit kasi nitong kahoy na sandalan HAHAHAHA kaya nilagyan ko ng unan para smooth chinachat ko si Paulo kung anong balita

Narinig kong bumukas pinto ng banyo kaya napatingin ako

Pinupunasan niya 'yung buhok niya ng tuwalya malamang.

"Ano tinitingin-tingin mo?" mataray nitong tanong

"Wala" sabay iwas ko nang tingin ano nga bang nagustuhan ko dito? Napaka taray haystt

"Jah na---" naputol ang sasabihin ni Tin nang biglang nawalan ng kuryente pero agad namang bumalik

Tin's P. O. V

WAHHHH!!! Nawawalan ng kuryente

Agad kong sinampay 'yung mga nabasa kong gamit at humiga na sa kama

At kung iniisip niyo na katabi ko si Jah sa pagtulog ang sagot diyan NO CHOICE simpleng Motel lang ang napuntahan namin at walang extra na kama tsaka wala namang mangyayari 'diba?

Biglang kumulog at kumidlat sumabay naman na nawalan ulit ng kuryente.

"Putspaaaa!!!" agad akong napayakap sa kanya

"Tin takot ka rin pala sa dilim?" tanong niya na

"Hindi ah masyado kang judgemental WAHHH" lumayo ako pero bigla ulit akong napakayap nang kumulog at kumidlat ulit. Nakakahiya baka kasi isipin niya na nanantsing lang ako

"Confirm" sabi niya

"Obvious naman kasi 'diba? J-Jah puwede ganito muna hanggang sa bumalik 'yung kuryente ah" nakakabiglang pangyayari 'to

"Ah O-oo" awkward pero kasi ano eh talagang ganito takot talaga, 'di ko alam kung bakit?

Jah's P.O.V

Mas lalong humigpit yakap ni Tin nung kumulog at kumidlat. Ang cute

Ako naman 'di makatulog

Oo nga pala takot din 'to sa multo

*knock knock*

"Jah 'wag mong bubuksan 'yan" pabulong niyang utos

"Bakit naman malay mo isa sa employee 'yan ta's may sasabihin na importante" sabi ko

"Eh basta 'wag! Baka multo 'yan wala kayang kuryente kaya sino ba naman maglalakas loob na kumatok nang ganitong oras. Sabihin mo nga sa akin ha! tsaka paano kapag killer 'yan" may point siya pero OK na sana talaga kaso bakit may killer sa dulo? sige 'wag na lang tumaas balahibo ko sa sinabi niya

"Sige na nga" biglang tumahimik pagkasabi niya nun

☆ Time Skips ☆

Naramdaman kong lumuwag 'yung yakap niya siguro tulog na 'to tumila na rin kunti 'yung ulan pero ang kidlat hindi pa ganoon din ang kulog

Inaantok na rin ako kaya matutulog na ako

☆☆☆

Nagising ako dahil sa tumama na sinag nang araw sa mukha ko at napansin ko ring wala na si Tin sa tabi ko marahil ay naliligo na siya dahil may naririnig akong humming mula sa banyo.

Napangiti ako

"Maligo ka na Jah" sabi niya at hinagisan ako ng tuwalya

Sinalo ko naman 'yun magaling ata 'to sumalo kaso 'pag ako humagis walang sumasalo tsk...

A love story but, not our love story || SB19 JUSTINWhere stories live. Discover now