12

260 15 5
                                    

Tin's P. O. V

Ang cute mo naman bata hehehe, bakit parang kahawig mo si... Jah?

Anak ba siya ni Jah??

"UWAHHHHHHH!!!!" iyak nang isang baby kaya naman napabalikwas ako sa higaan ko

Minulat ko ang mata ko

"Sorry Love nagising kita 'kala ko kasi tulog na talaga si Baby sige na tulog ka na lang ulit love" sabi ni Jah habang hinihele ang baby

"Love ako na diyan maaga pa ang alis natin bukas papadedehin ko lang siya at tsaka nakatulog naman na ako" sabi ko at tumayo tsaka kinuha si baby. Si Jah naman humiga na sa kama namin

After kong mapadede at mapatulog ang anak namin humiga na rin ako sa tabi ni Jah

So panaginip lang lahat 'yun? Walang totoo sa panaginip ko bukod sa nagkatuluyan kami.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo Love" tanong ni Jah mahahalata mo sa boses niya na antok na antok na siya

Ang naaalala ko kasi may sinat ako kaninang umaga kaya pinagpahinga muna ako ni Jah at siya muna ang nagbantay at nag-alaga sa baby namin

"Ang weird kasi nung panaginip ko" sagot ko

"Anong panaginip?" tanong niya at niyakap ako

"Tayong dalawa college pa tayo nun tas love story siya pero hindi natin Love story. Ang layo niya sobra sa love story natin" sabi ko at napangisi si Jah

"Gusto ko ring mapanaginipan yan Tin tulog na tayo? Good night Love" sabi niya at hinalikan ako sa noo

"Good night din Love" sabi ko

Maaga rin kami bukas kasi aattend kami nang binyag ni Senesha anak ni Sej.

Parang totoong-totoo talaga ang lahat 'yung kilig egit na legit 'yung kwento rin kung paano nagkakilala si Addie at Sej, malayo sa real love story rin nila

☆ Time Skips ☆

"Love 'yung bote ni baby nasa kotse" sabi ni Jah

"Di mo kinuha?" tanong ko nginitian niya lang ako at sinamaan ko naman siya nang tingin

"Kukunin ko na love" tumakbo siya papunta sa kotse

"Senesha" bati ko kay Senesha

Buhat siya ni Sej ngayon

"Hello ninang" sabi ni Sej na pinaliit ang boses

"Nako magkakaroon na nang kalaro si Rian" sabi ko kay Sej

"Oo nga Tin. Mga baby paglaki niyo walang mag-aaway ah" biro ni Sej sa mga bata

"Ito na ang mahiwagang bote ni Rian love. Akin na muna si baby" sabi niya at kinuha si baby sa akin

Kaya binigay ko naman si baby sa kanya nag-uusap naman silang dalawa ni Sej

Pinuntahan ko si Addie

"Kumusta? mukhang nanghihina ka pa" biro ko kay Addie

"Ok naman na ako 2 month naman na nung nanganak ako. Jusq hihirit pa 'tong si Sejun akala naman niya dali-dali umiri" sabi niya kunwaring nagpunas nang pawis

"Kaya nga HAHAHAH easyhan lang kamo dapat 'pag 5 years old na si Senesha tsaka siya humirit ulit" suggest ko na may halong biro

"Kita niyo 'yung walis?" singit sa usapan ni Marielle

A love story but, not our love story || SB19 JUSTINWhere stories live. Discover now