In my world

0 0 0
                                    


I was checking my facebook when someone message me.

"Hi (with smile emoticon)" stanger

"Hello?" I replied plainly

"Nakakahiya man pero, can you be my friend? Bagong account ko kasi to e atsaka parang wala namang may gustong makipagkaibigan sa akin HAHAHAH" he replied.

"Baka naman kasi tinatakot mo?" I joke

"Hindi ah! Hahahah hindi lang siguro ako ganun ka importante hahahaha" 'bat ba panay HAHAHA 'to? Tsk.

"Ganun? ang advance mo naman masyado para isipin na hindi ka importante. Baka naman eksaktong may ginagawa lang kaya hindi nagkakapagreply sayo?" Hindi naman masyadong halata na marami akong time 'no? Tss.

"Sana nga HAHAHAHA salamat kasi nagrereply ka at hindi ka busy hahaha" happy?

"No problema hehe. Maya-maya pa naman yung gagawin ko" I replied. 'bat ba sinasabi ko 'to sakanya? Hahaha

"Ay ganun? Anong gagawin mo mamaya?"   sabi ni echusero.

At dahil nga nagtatanong siya, sinasagot ko nalang. Hays. Napatagal yung pag-uusap namin kasi hindi maubusan ng tanong yung kausap ko tapos ito naman ako sinasagot siya. Tch.

Pero I can't deny the fact na napapangiti niya ako.

3 months had passed

We became friends(?) Halos araw-araw siya lang yung chatmate ko. Kahit may mga nagchachat sakin especially my classmates, pero nawawala yung atensyon ko sakanila kasi kinukuha NIYA lahat. He became my buddy. May mga problema ako sa buhay na sakanya ko sinasabi. Ganun din naman siya sa akin. He was part of my MORNING, my LUNCH and my DINNER. Hindi ko na nga napapansin na lumilipas na pala ang isang araw. May mga minsan din naman na hindi kami nagkakausap lalo na kapag nagiging busy sa school pero bumabawi naman kami kapag nagkakaroon ng pagkakataon.

Until one day,
He confessed his feelings for me at dahil nga our feeling is mutual, umamin na rin ako sakanya.

Hindi naman sa lahat ng araw maganda at maayos yung pag-uusap namin. Minsan nag-aaway pa kami sa chat kesyo matagal magreply at palaging busy pero hindi naman natatapos ang araw na nagkakabati rin kami.

Hanggang sa dumating yung araw na kinakatakutan ko.

"Kumusta na ding ko? Hihihi mukhang palagi kanang nabubusy ah? Baka makalimutan mo na ako niyan ah? (may sad emoticon pa 'yan) " message ko sakanya nang makitang kong active siya.

"Hi mi (heart emoticon) okay lang naman ako. Pasensya na busy lang talaga masyado" I don't if it was just me o talagang matamlay yung reply niya?

I ignored that feeling. Nakipagkwentuhan pa rin ako sakanya kahit paunti-unti na yung chat niya. Hanggang sa hindi na ulit siya nagreply.

I kept on waiting. Pero wala SIYA sa mga inaasahan kong magrereply. Lumipas ang ilang minuto, oras at araw pero hindi na ulit SIYA nagparamdam.

And then realization hit me. Ang tanga tanga ko naman. Oo nga pala. Sa MUNDO kong 'to, walang tumatagal, walang na nanatili. 'asan nga ulit ako? Ah Oo, nasa RPW kung saan lahat ng makikita at mababasa mo ay maaring hindi totoo. Lahat ng mga nakakausap mo ay maaaring malayo sa katotohanang mundo. That reality is painful. That reality sucks. Ang sakit sakit naman ng ganito. Siguro ganun rin SIYA? siguro RP'er din siya? O baka naman nakahanap na siya ng TOTOONG tao na magmamahal sakanya sa TOTOONG MUNDO.

One shot storiesWhere stories live. Discover now