Still You

0 0 0
                                    

(At ako'y nagbabalik!! Hahahaha chour hope you like this one^_^)

"I never loved you. I'm sorry"

"P-pe..p-pero *sobs* m-matagal na t-tayo *sobs* h-h-hindi..hindi mo ba talaga ako m-minahal M-Max?"

Kanina pa walang tigil sa pag-agos ang luha ko. M-Masakit. Sobra sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. B-Bakit niya nasasabi 'yan saakin gayong halos dalawang t-taon na kaming magkasama?

"I'm done with this sh*t Shannel! HINDI MO BA NAIINTINDIHAN??? AYOKO NA!!" bulyaw niya saakin at tuluyan nang umalis.

Naiwan akong natigilan.


-----

2 taon na pala ang lumipas.

Pero hanggang ngayon, sa mismong lugar na ito, sariwa pa rin sa alala ko ang nangyari saamin.

Iniwan niya 'kong punong-puno ng maraming katanungan. Naiwan akong blanko at gulong-gulo ang isip. May mali ba akong nagawa? W-wala akong ibang minamahal kundi SIYA lang.

Pinahid 'ko nalamang ang luhang kumawala sa mata ko. Hanggang ngayon, masakit pa rin pala.

"SHAAAAN! Myghaad nandito kalang pala! Kung saan-saan kita hinanap bruha ka! " napatingin ako sa taong tumawag saakin. Hays.

"Bakit na naman ba Stefi?" iritang kong sagot sakanya. She's my long-time bestfriend.

"ABAT! Ikaw pa ang may ganang magalit ngayon? Tumigil-tigil ka diyan Shannel Ross kung ayaw mong masapak kita! How many times do I have to tell you na stop being so drama queen??" She's always like that. Lalo na kapag nakikita niya akong nagmumukmok.

She was there sa mga panahong halos hindi na 'ko makakain. Iyak lang nang iyak sa sarili kong kwarto hanggang sa makatulog. Nasaksihan niya kung gaano kalaki ang ipinagbago ko sa sarili. Naging mailap ako sa mga tao. I don't know what happened. Natakot na akong magtiwala muli sa ibang tao. May mga sumubok na manligaw ngunit walang sinuman ang nagtagumpay. Walang sinuman ang pumalit sa pwesto NIYA:'(

"TSS. Anyway Shanny, I was looking for you kasi, pupunta tayo sa party ng pinsan ko and," sabay taas pa ng kamay niya sa harap ng mukha ko " I WILL NOT TAKE THAT AS A NO NO kaya we gotta go na before the party starts"

Nabasa niyo naman diba? Nabasa niyo kung gaano ka demanding 'tong bestfriend ko kaya wala na 'kong magawa nung hatakin na niya yung kamay ko at nagsimula nang maglakad. Tch.

7:30PM

So ayun nga, nandito kami ngayon sa bahay ng pinsan niya. Kilala naman na ako nang pamilya niya since halos araw-araw kaming magkasama kaya okay lang na pumunta ako dito without having invitation card.

Tinignan ko ang kabuuan ng lugar. Silver and gold ang theme ng party at halata namang pinaghandaan talaga. Maraming mayayaman ang imbitado at sa itsura palang nito, masasabi mo na talagang mga elegante. Nahiya tuloy ako sa suot kung dress.

*IIINNNNGGGGGG*

Napatingin ako sa harapan ng biglang umingay yung mic. ansakit na tenga put*k.

"Good evening ladies and gentlemen! Hindi ko na patatagalin 'tong sasabihin ko dahil alam kong nagugutom na kayong lahat at pati rin naman ako," narinig kong nagtawanan ang mga tao sa paligid kaya nakitawa na rin ako "I would like to take this opportunity to announce that... my daughter, Amelia Juaqin and




... Maximus Wu is getting married. And this party will serve as their engagement party! CHEERS FOR THE SUCCESS!"

P-Parang nabingi 'ata ako sa narinig ko? S-Si Max? I-Ikakasal na? Paano? Bakit? A-At sa pinsan ng bestfriend ko?

Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero isa lang ang alam ko, nagsisimula ng lumabo ang mga mata ko dahil sa luha ko. A-Anong nangyari?

"Narinig mo na pala" automatic na tumigil ang mga paa ko sa narinig

"M-Max" ang taong matagal ko ng hindi nakikita at nakakausap, nasa harapan ko na. Ngunit...

"I-I'm sorry Shannel" sabi niya ng hindi nakatingin saakin

"I-Ito ba ang d-dahilan Max?" sabi ko habang pinapahid ang luha kong patuloy pa rin sa pagtulo

"S-Shan-"

"P-Please... PLEASE ANSWER ME HONESTLY!," hindi ko na mapigilang mapasigaw dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko "2 taon akong naghirap Max! 2 taon kong inisip k-kung bakit *sobs* m-mo ako i-i-iniwan... sa e-ere *sobs* Halos mabali-"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nung bigla ako nitong yakapin ng mahigpit

"F-Forgive me Shannel. P-Please forgive me," nagsimula na rin siyang umiyak "A-Alam kong mangyayari 'to. Alam kong ipagkakasundo nila ako sa ibang babae kaya...kaya tinigil ko na, habang mas maaga pa. H-Hindi ko ito ginusto Shannel! God knows how much I love you, how much I cared for you! Two years ago sinabi nila saakin na ikakasal ako sa anak ng bestfriend nila. N-Ni hindi ko alam na si Amelia 'yon! I love you so much Shannel...hanggang ngayon, ikaw pa rin ang m-mahal ko.. at hinding hindi na magbabago 'yun"

I-I was shocked upon hearing those words... After all this years.. m-mahal niya pa rin ako. P-Pero malabo nang magkaroon ulit ng KAMI..

"S-Salamat... kung ganun...T-Thank you for saving me from greater.. pain.. I-I do love you.. until now.. ikaw at ikaw pa rin. Hindi ko alam kung hanggang kailan itong nararamdaman ko sayo M-Max.. hindi ko alam kung may mamahalin pa ulit akong ibang lalaki.. but.. sa ngayon.. it's still you... My first love.. My first kiss and..My everything.." after kong sabihin 'yun at tumalikod na 'ko at nagsimula nang umalis. Ngayon, sisimulan ko nang kalimutan ka. Yung totoo. The moment I turned by back on you, was the moment that I promised to myself na..hanggang dito nalang talaga tayo..at ikaw ay parti nalamang ng alala ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One shot storiesWhere stories live. Discover now