Tagong Pagmamahal

187 4 0
                                    

Paano ko nga ba sa 'yo masasambitan
Mga katagang kay tagal ko nang nais na pakawalan
May araw rin kayang ako ay matatanaw kahit malayo
At lihim kong paghanga ay' di na kailangang itago
Kahit kailan ay 'di ko sinubukang sabihin ang mga kataga
Ngunit laking duda ko na sa kilos ko'y iyong nahahalata
Nais kong lumayo upang' di ko na masabi pa sa iyo
Ngunit may bahagi sa puso ko na nagsasabing "dapat malaman mo"
Umaasa ako na kapag malaman mo ay may pag-asa na magkatugma pala ang mga salitang 'di natin mabitawan
At sa tagal ng ating pagkakaibigan ay matagal na tayong nagkukunwari sa pagkakaroon ng pag-iibigan
Ano pa' t 'di naman masamang umasa 'di ba dahil matagal ko na itong ginagawa
Ngunit hihintayin ko pa ba na ako' y maubos na parang kandila hanggang sa ako ay sabihan mo ng "tama na"
At kung sabihan mo ako ng "tama na", ang puso ko kaya'y titigil na
Siguro'y 'di ko na dapat lagyan ng gulo sa pagitan nating dalawa
Marahil ay tama ngang hindi na banggitin ang mga salita dahil hindi na ito mahalaga
Hindi na ito mahalaga dahil masisira lamang nito ang mga nakasulat sa ating pahina
Maligaya naman ang mga nakakintal sa mga kabanata
Ililihim ko na lamang tulad ng matagal ko ng gawain
Ang maging lilo sa iba at sa sarili kong damdamin
'Di na dapat pang hukayin ang ibinaon na katotohanan
Sapagkat ang katotohananang ito' y maraming masusugatan

Unspoken Poetry Where stories live. Discover now