Bumalik Ka Na, Sinta

52 1 0
                                    

Hindi ko kailanman ninais na lumihis
Hindi ko kailanman ninais na umalis
Bawat pagmulat ng mga mata ay tinitiis ang nais kumawalang mga tubig
Humihilig na isang araw ay maisipan mo ring bumalik
Umaasa akong ika'y babalik dahil nangako tayo
Nangako tayo sa isa't isa na tayo ay hanggang dulo
Kahit na tayo'y 'di na magkaunawaan
Kahit na tanging solusyon na nasa isip natin ay "sumuko na lamang"
Pero kahit ganoon, sabi natin "tayo' y lalaban"
Kasi hindi dapat basta-bastang nagdedesisyon kapag pagod
Hindi dapat nagdedesisyon kaagad kapag napopoot
Dahil kahit na masaktan natin ang bawat isa, dapat 'di magbago ang ating pagmamahal
At kahit ilang beses ng nagkamali sa sinisinta ay hindi na ulit susugal
Dahil ang pinakamatatag na pagmamahal
ay pagmamahal na nagpapatawad
Dahil 'di lahat ay kayang magpatawad
Pero mahal, 'wag mo akong hayaang mag-isa
Sabay dapat tayong lalaban kay tadhana, 'di ba?
Hindi ako
Mahal, ako ay pagod lamang dala ng ibang bagay
Ngunit 'di ako pagod sa atin, sa ating dalawa
Batid mong hindi ako ganoon
At mahal kita mula noon hanggang ngayon
Noong sinabi kong "ayaw ko na"
Nais kong sabihin na "kumapit ka pa"
Pero bakit, bakit ka pumayag
Ang hinihiling ko lang naman mula sa 'yo ay salitang "patawad"
Dahil ilang beses kong ginawa iyon kahit wala man akong narinig mula sa 'yo
Ilang beses ako kumapit sa salitang "tayo"
Bumalik ka na sa akin, sinta
Upang makabawi ako sa lahat ng mga nagawa
Bumalik ka na, mahal, hihintayin kita

Unspoken Poetry Where stories live. Discover now