Chapter 12

40 4 0
                                    

Kita ko sa mata ng mga estudyante ang excitement nila para sa gaganaping Valentine's Ball, nagniningning ang kanilang mga mata dahil matutupad na ang isa sa masayang araw ng isang buhay estudyante. Dito kasi namin mararanasan na maging isang pinakagwapo at pinakamaganda kahit isang gabi lang. Nandito 'yong kulitan, sayawan at ang pinakahihintay ng lahat, ang masayaw nila ang kanilang special someone.

Napapitlag ako ng maramdaman ko ang mainit na hangin mula sa bibig ni Mar.

"Mar ano ba," reklamo ko, saka sinuri ang paligid. Tila wala namang nakakita sa ginawa niya. "Nandito sila, oh," paalala ko pa.

"Eh, ano ngayon?"

"Nababaliw ka na ba? Eh, kung maging laman tayo ng balita rito sa campus?" kinakabahan kong balik.

Bumuntong-hininga na lang si Mar at lumingon sa labas ng bintana ng classroom. Kita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya na tila naiinis.

Hindi pa lang talaga ako handa na malaman ng iba ang relasyon namin ni Mar. Natatakot ako para sa kaniya, sa reputasyon niya at baka pati ang pamilya niya madamay. Okay na siguro muna 'yong ganito.

Kinapa ko mula sa ilalim ang kamay niya at bahagya iyong pinisil. Humarap siya at ginawaran ko ng seryosong ngiti.

Mayamaya pa'y dumating na si Mr. Cruz, ang adviser namin. Dumeretso siya sa table sa unahan at tiningnan kaming lahat.

"Y'all look so excited, huh?" anito habang nakangiti. Excited namang sumagot ang ilan sa mga kaklase ko. "I'm excited too pero bago ang lahat may mahalaga akong sasabihin sa inyo."

Nagkaroon ng bulong-bulungan, lahat sila na-curious kung ano 'yon.

"Tungkol ho saan, Sir?" tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"Quiet, please," saway ni Mr. Cruz na agad namang nanahimik ang lahat. "Magkakaroon kayo ng bagong classmate. He is from Thailand and he choose to study here in our school," pahayag nito na ikinagulat ng lahat. "He just need to take some subjects here for him to graduate."

Nagkaroon na naman ng bulong-bulungan. Tumingin ako sa gawi ni Ken at tahimik lang ito na tila hindi interesado kung sino ang bagong magiging classmate namin. Bakit parang may lungkot na namumutawi sa mga mata nito?

Mayamaya pa'y naagaw ang atensyon ng lahat ng pumasok ang isang magandang babae. Nagtaka ang marami at nagkaroon na naman ng mga bulungan. Bakit babae ang lumabas eh sabi ni Sir 'He'? Hindi ko alam pero pamilyar ang mukha nito, nakita ko na ba ito before?

"Nandito na ang bago niyong kaklase, class." Bumaling siya sa magandang babae o tama sigurong sabihing magandang lalaki. "Introduce yourself to your new classmates," utos nito.

Ngumiti ang magandang lalaki kay Sir, saka humarap sa amin. Tila nahihiya pa itong magsalita. Kapagkuwa'y ngumiti ito. "Hi," simula nito. Inayos pa nito ang ilang ligaw na buhok at inipit 'yon sa likod ng tainga. "Nice meeting you guys. Ahm...Ako nga pala si Malia Sanchez, 17 years of age and I'm from Thailand. I'll be your new classmate and I'm hoping na sana maging kaibigan ko kayong lahat kahit sa kaunting panahon lang," pakilala–speech nito.

Nagulat naman kaming lahat dahil marunong pala itong magtagalog. Sinuri ko lalaking Malia ang pangalan at inisip kung saan ko ito nakita. Pamilyar kasi talaga ang mukha ni

"Kilala mo ba siya, Jan?" pukaw sa akin ni Mar ng makita ang pagkunot noo ko.

Nag-isip muli ako. "Parang nakita ko na siya before, pamilyar 'yong mukha niya, eh," paliwanag ko.

"He's from Thailand kaya paanong nakita mo na siya before?"

Kumibit-balikat ako. "Oo nga, eh pero pamilyar talaga siya o baka kamukha lang niya." Ngumuso ako at muling humarap sa magandang lalaki na mukhang babae.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now