Chapter 15

33 5 0
                                    

Hindi ako pakali habang naghihintay sa emergency room ng hospital kung saan nandoon si Malia. Nanginginig ang mga kamay ko habang palakad-lakad sa harap ng silid.

"Jan please calm yourself, Malia will be okay," pagpapagaan ni Mar sa loob ko. Habang si Ken kanina pang tahimik.

Lumapit sa akin si Mar at hinawakan ang magkabila kong balikat. "You need to calm down, Jan."

Hinarap ko siya. "I don't know how to calm down right now, Mar. Nag-aalala ako kay Malia. Baka–"

"Shhh! Hindi mapapahamak si Malia, she'll be okay," putol ni Mar sa sasabihin ko.

"I'm so sorry Jan, kasalanan ko."

Napalingon ako kay Ken na nagsalita. Bahagya itong nakayuko at halata pa rin dito ang guilt. Sinisisi kasi nito ang sarili dahil sa nangyari.

"I'm supposed to be in that room, Jan. Ako dapat 'yong nandoon at ginagamot ng mga Doctor," patuloy nito.

Nasapo ko ang aking noo. Lumapit ako kay Ken at hinawakan ang balikat nito. "Hindi mo kasalanan, Ken. Walang may gustong mangyari 'to," pagpapagaan ko sa loob niya.

Walang dapat na sisihin kung 'di ang lalaking pumalo ng bote kay Malia na para sana kay Ken. Masyadong mabilis ang nangyari kanina kaya nagulat kaming lahat.

"Damn!" napamura na lang si Ken dahil sa inis at galit.

Mayamaya pa'y bumukas na ang emergency room at iniluwa mula roon ang doctor na nag-asikaso kay Malia. Sabay-sabay namin itong sinalubong.

"Kamusta po ang pinsan ko?" agad kong tanong habang nasa tabi ko sila Ken at Mar.

Ngumiti ang lalaking doctor. "He's fine now. Mabuti na lang at hindi masyadong naapektuhan ang ulo niya. He's still unconscious but he's fine now. Nagtamo lang siya ng sugat sa ulo," paliwanag nito.

Napangiti ako at nakahinga ng maluwag sa sinabi ng doctor.

"Thank you, Doc," sabi naman ni Ken.

"Sige, mauna na ako," paalam ng doctor, saka umalis na palayo.

Lahat kami nakahinga na ng maluwag dahil sa sinabi ng doctor. Nabawasan na ang kaba at takot ko, ang natitira na lang ay takot at kaba sa magulang namin ni Malia, paniguradong papagalitan kami ng mga 'yon.

Dahil sa tuwa at relief na nadama ko, niyakap ko si Mar ng mahigpit. Nang bumitaw naman ako sa kaniya, humarap ako kay Ken. "She's fine now, Ken kaya huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Alam ko kung gising si Malia, hindi ka no'n sinisisi. Ginawa niya 'yon dahil gusto niya hindi para sisihin mo ang sarili mo." Ngumiti ako sa kaniya. "Thank you," aniya ko pa.

Kinaumagahan, maaga akong pumasok sa school kahit halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa amin sa bar nang nagdaang gabi.

Tama siguro sila na every first time is unforgettable. Hindi ko inaasahan na ganoon ang mangyayari na dapat mag-e-enjoy lang kami. Napahamak pa si Malia at nadamay pa ang mga magulang namin.

Naging panatag na ang loob ko ng magising si Malia kagabi at mabuti na ang kalagayan niya. Pinagpasalamat ko na hindi siya nalagay sa critical na kondisyon. Naayos na rin ng mga magulang namin ang nangyari gulo. Nagka-aregluhan na ang dalawang panig.

Humikab ako nang makaupo ako sa bakanteng upuan at isinubsob ang ulo sa ibabaw ng arm chair ng bangko. Hindi ko na hinanap si Mar dahil alam kong late na naman 'yon, lalo na't puyat iyon pero mukhang mali ako.

"Are you still sleepy?"

Mabilis akong umayos ng upo at humarap sa kaniya, nagtataka. Tiningnan ko ang wrist watch ko. "You're not late, huh," 'di makapaniwalang sabi.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now