Chapter Five

369 5 0
                                    

Annee's POV

Kinabukasan

Inagahan ko ang paggising at naghanda sa pag-alis. Sinugurado ko na naoff ang gas at ang kuryente para iwas sunog.  Nilock ko rin ang lahat ng pintuan at bintana para walang makapasok na magnanakaw sa bahay. May gold bars pa naman ako sa kabinet. Charooot lang wala akong gold bars hindi ako mayaman. Mayaman lang sa boobs at butt pero hindi mayaman sa pera.  Assuming toda max here. Anyways bumiyahe na ako papuntang airport para hindi matraffic. Dito pa naman sa Manila ang bagal umusad ng traffic. Parang lovelife ko ang bagal.

Makalipas ang dalawang oras nakaabot na ako airport. Peste ang traffic na yun. Ang hassle buti nalang inagahan ko pag-alis ko.

May binigay na instruction ang mga staff sa resort kung pano ako sasakay at ano ang sasakyan kong private plane.

Salamat sa diyos. Nakasakay na ako sa private jet. Napakagara ng loob parang yung mga nakita ko sa pelikula. Akala ko hindi ko mararanasan na makasakay nito. Sino ba naman ang siniwerte kundi ako. Malas man sa lovelife pero siniwerte ngayon. Mga hampaslupa maiingit kayo. Haha charoot lang di ako matapobre.

Charr ang sosyal naman may stewardess maganda pang nagsiserve sa akin. Feeling reyna ang lola niyo. Feeling maganda na rin ako dahil may nagsiserve sa kin na magandang stewardess. Makalipas ang ilang minuto ay lumipad na ang eroplanong sinasakyan ko. 50 mins ang flight time patungo sa San Vicente Airport. Pakatapos 30 mins na road travel at saka naman 25 mins sea travel. Mahaba-habang biyahe ito mabuti pa umidlip ako.

"Ma'am we have arrived in our destination"

Naalimungatan ako  ang magandang stewardess pala. Siya ang gumising sakin. Nagpasalamat ako at bumababa na sa jet buhat ang mga bagahe ko. May pa red carpet pang nalalaman.

Pagbaba ko may naghihintay na sasakyan sakin. Mukhang mamahalin at ang gara pa. Katakot naman sumakay baka magasgasan ko. May driver din naghihintay sakin. Nakasuit pa sosyal na sosyal ang dating. Feeling royal blood na ako. Jusko huwag naman ganito baka masanay ako at hanap hanapin ko.

Sabi ng driver 30 mins ang biyahe kaya okay lang sakin. Nagsimula na ang biyahe inaliw ko sarili ko sa pagtingin sa dinadaan namin. Napakaganda ng palawan. Marami puno at halatang inaalagaan nila ang kapaligiran. Hindi pa siya maunlad tulad ng Manila pero nakakatuwa na may pag-aalaga sila sa environment.

Makalipas ang tatlongpo't minuto dumating rin kami. Sasakay ako ng banka. Ewan kung bangka ito pero yate yata. Sorry naman never pa akong nakakita at nakasakay ng yate. Napakasosyal din tingnan ang yate. Moderno ang itsura saka masasabi mo na mahal. Pumasok na ako at dinala ang bagahe ko. Nagsimula na rin bumiyahe ang sasakyan.

Napaganda ng dagat. Ang linaw-linaw. Napakalinis tingnan. Walang basura na nakalutaw di pareho ng manila bay kung saan naglilitawan ang basura. Mabuti nalang at inaaksyonan na ng pamahalaan iyon.

Hindi ko namalayan nasa gitna na kami ng dagat. Wait parang may tumatalon talon. Namangha ako sa aking nakikita na dolphin pala ang nagtatalon  sa dagat. Mga 8 dolphin ang nakita ko. Gustong-gusto ko nakakakita noong bata pa ako ng dolphin hiniling ko pa kay tatay pero dahil namatay si tatay ay hindi na tupad ang hiling ko at naghirap kami. Sakto lang ang pera ni mama pang-araw araw.  Ngayon na sa harapan ko na ito. Sobrang saya ko.

Makalipas ang 25 minutes sa wakas nakarating namin ang isla. Napanga-nga ako sa nakita napakaganda ng isla. Maputing-maputi ang mga buhangin walang kasing katulad. Kitang kita ko na ang mga villa ay napakaganda at moderno ang desenyo. For sort lahat ng mga nakikita ko ay sosyal. I can see the luxurious life in this private resort.

May sumalubong namang staff sakin at hinatid ako sa kwarto. Namangha ako sa kwarto na binigay sakin. Ang gra tingnan. Nilibot ko ang villa ko. May indoor pool. At infinity pool sa harap. Kitang kita ang beach at ang magandang paglubog ng araw kaysarap tingnan. Hinatid din ang paghapunan ko infairness masarap at mukhang mahal ang pagkain. Sinabihan ako ng staff magpahinga raw muna ako dahil pagod ako sa biyahe. Pagkatapos kumain humiga na ako sa kama at hindi napigilang makatulog sa antok at pagod.

Bakit Single pa ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon