CHAPTER 1 : Bittersweet Life Recipe

728 98 48
                                    

ALLEN

Pag-ibig.

Isang mabigat na salita. Salitang punum-puno ng iba’t ibang klaseng emosyon. Salitang maraming pakahulugan. Salitang tayo mismo ang magbibigay saysay.

Pero para sa ‘kin? Ang pag-ibig ang siyang kahinaan ko. Pag-ibig ang siyang nagpaparupok sa buong sistema ng kumplikadong buhay ni Allen Dominic Rodriguez.

Bitter na ba ako sa mundo? O baka naman ang mundo ang bitter sa ‘kin? Mukhang hindi na ako magantihan ng pagpapala kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan.

“Allen, LDR won’t work for us. Kaya sa tingin ko it’s better to just split it up.” That was my first girlfriend. Hindi pa nga nadevelop nang maayos ang relationship namin nakipagbreak na agad. Ni hindi kami tumagal ng dalawang buwan! Lilipat na ng bahay e, kaya ayun, nakipaghiwalay na.

“No, sorry. I have no idea na nililigawan mo na pala ako. Alam mo naman siguro kung gaano ka-strict ang parents ko at kapag nagkataon na nalaman nila ‘to, yari tayo.” Siya naman ang pangalawa. Well, inakala kong magiging pangalawa. Yung mga ka-eskwela ko lang naman ang bumuo ng issue na may kami e. And if you’re asking kung willing naman dapat akong ipaglaban ang nararamdaman ko for her…

“Also, huwag mo na akong banatan na ipaglalaban mo ako. Hindi ‘to telenovela and 16 lang tayo, Allen. And if it helps you move on, sorry but I don’t really like you.” Ayan! Binigyan niya ako ng homily.

Yep. 16 nga lang kami noon. After everything else, naging awkward na kami.

Akala ko talaga siya na ang last na pag-aalayan ko ng karupukan ko. Doon ako nagkamali.

Or lagi naman talaga akong mali?

Love falls out at the most unexpected of time out of all unexpected places… and at the most unexpected of persons. For once in my life, lubha akong nalito sa sarili. Hindi ko alam kung totoo ba yung nararamdaman ko noon o baka pinaglalaruan lang ako ng puso’t isipan ko. Pero hindi. All the fluttering in my stomach felt real at that moment na una niya akong nilapitan.

By looking at those eyes and the thin line that formed those lips, kumpirmado ko sa sarili ko.

I fell in love with Matt Joseff Del Mundo.

Akala ko mali ang lahat pero sa tuwing kausap ko siya, it feels so right. Doon ko napagtanto na silahis ako.

But even so, nalilito pa rin ako. I can’t afford my parents being mad at me kapag nalaman nila ang pagkatao kong ito. Nanatili akong closeta at nanatili rin ako sa pagmamahal ko para kay Matt. Yun nga lang, siya pa ang mas nagpapalito sa akin.

He was sweet. He was caring. Thoughtful din. Family person. Maalaga sa mga nakababata niyang kapatid. Panganay kasi siya at nag-iisang lalaki sa magkakapatid. Pero alam mo kung anong nakakalito sa kaniya? Kung may gusto rin ba talaga siya sa ‘kin.

We tried to hide away the us na binubuo namin pero after a month, kami na ang talk of the town. Lumabas na may relasyon kami—kahit pa hindi ako sigurado kung meron na nga.

He kept on being sweet. Heck, minemessage niya nga ako ng “I love you.” He keeps on sending sweet messages, na parang boyfriend ko talaga. May call sign din. May mga hindi nalalaos na pagbanat. Exchange gifts. Late night talks. In short, pa-fall.

Yung tipong pinupuyat ka gabi-gabi para lang lumandi sa chat pero paggising mo… wala pa ring kayo.

Doon niya ako nililito.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Where stories live. Discover now