CHAPTER 32 : Balita sa Radyong Sira

86 26 0
                                    

ALLEN

“Nasaan ka nga pala kaninang hapon?” tanong sa ‘kin ni Hans habang nakaupo siya sa aking kama at nagsusulat ng notes. “Hindi na kita nakita simula tanghali. Noong uwian na lang.”

Hindi ako kaagad nakasagot. Nataranta pa nga ako sa paglalagay ng patatas sa niluluto kong adobo.

Nang hindi pa rin ako umiimik ay bigla na siyang nangulit.

“Hoy. Hoy. Hoy. Hoy. Hoy. Hoy,” paulit-ulit siya sa pagtawag sa ‘kin sa isang pabebeng tono.

“Hoy rin,” balik ko sa kaniya. Doon ko lang din siya nilingon.

“Ganiyan ka na. ‘Di mo na ako pinapansin,” pagnguso niya sabay yakap sa unan. Tinalikuran niya ako na tila nagtatampo.

Susmiyo. Nagpapasuyo na naman ang bata.

I sighed while bearing a playful grin. Tinakpan ko muna ang aking niluluto at pinahinaan nang bahagya ang apoy bago ako dahan-dahang lumapit sa nag-aalborotong si Hans.

“Psst,” tawag ko sa kaniya. Hindi siya lumingon. Naupo ako sa kaniyang likuran. “Ayaw mo ha.”

Walang ano-ano ay dinali ko siya ng sunod-sunod na pangingiliti mula sa tagiliran papunta sa leeg.

“Ah! Ang daya mo. Tama na!” paghuhumiyaw niya sa pagitan ng pagtawa.

“Ikaw ha. Tampo-tampo ka pa ha,” asar ko habang patuloy pa rin siyang kinikiliti. Dinaganan ko siya upang hindi siya makatakas. Nakailang pagulong-gulong kami sa kama hanggang sa magulo na ang kobre nito.

“Tama na!” tawa pa rin niya. “Oo na. Hindi na ako galit. Hindi na ako galit!”

“Kahit pa!” paghalakhak ko, walang patid pa rin sa paglalaro ang mga daliri. Kung saan-saang parte ng katawan niyang may kiliti ito nagdadadampi. Sa tiyan, sa batok, sa leeg, tagiliran, talampakan—saan-saan.

“Tama na po,” habol-hininga niyang pagtawa. Tumigil na ako at lumapasay sa kaniyang tabi, yakap-yakap siya sa aking bisig. Nakailang hagikhik pa siya, tuloy-tuloy ang mabilis na paghinga.

“May pinaasikaso lang sa ‘king importante kaya nawala ako,” bawi ko ng sagot para sa kaniyang katanungan kanina. Ayaw kong malaman niyang pumunta akong FRIHS. Baka kasi kung ano pang isipin niya.

“Pero h’wag kang mag-alala. Hindi na naman ako mawawala sa ‘yo,” habol ko sabay yakap sa kaniya nang mahigpit.

Tumagilid siya paharap sa ‘kin, punum-puno ng paglalaro ang kaniyang mga tingin.

‘Yan na naman ang bungisngis na ‘yan.

“Bolero!” kurot niya sa ilong ko sabay sampal nang pabiro sa aking pisngi.

“Marupok!” banat ko sa kaniya sabay sundot sa malambot niyang pisngi.

Bigla niyang kinagat ang daliri ko bago ko pa man ito mailayo sa kaniya. Hinila ko ito papalapit sa ‘kin dahilan upang magkatapat ang aming mga mukha.

We stared deeply into each other’s eyes. Mas lumapit siya sa ‘kin habang pisil-pisil ang magkabila kong pisngi. Pinanggigilan niya ako nang husto.

I was about to force myself forward nang bigla siyang umimik.

“Yung niluluto mo.”

∞∞∞∞∞

“Kumusta lakad mo kahapon?” lapit sa ‘kin ni Anna nang maupo siya sa katabing silyon. Abala ako sa ginagawang powerpoint para sa presentasiyon sa Lunes. Ito na ang iniwang gawain sa ‘min ng aming guro bago siya umalis para may asikasuhing personal dilemma.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Where stories live. Discover now