Chapter 20

1 1 0
                                    

Veronica's Pov

"Buntis ako!" hindi ko na napigilang hindi sumigaw.

Alam kong nasasaktan ko na si tiffany dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ko, kaya sinabi ko na yung kanina ko pang hindi masabi sabi sa kanya.

I look directly at her eyes.

Kitang kita ko sa mata niya na nagulat siya sa sinabi ko.

"I am pregnant tiffany, and seriously I don't know who's the father of this child inside my tummy." i said while crying, hindi ko na napigil ang mga luha ko at tuluyan na nga itong rumagasa sa mukha ko.

Niyakap ako ni tiffany. She hug me so tight, kaya napangiti ako at mas lalong umiyak.

This woman really loves me.

Ilang minutong walang namutawing ingay sa amin, tanging nakayakap lang kami sa isa't isa at walang kumikibo.

Pero matapos ang ilang segundo ay umalis si tiffany sa pagkakayakap sa akin at pinahid ang mga luha niya sa mukha.

"P..pano?" she ask me curiously.

Ikinwento ko sa kanya lahat.

"Remember when i guest at TWBA, tonight with boy abunda? Inenterview niya ako, yung pagkamatay nung magulang ko at yung lahat ng masasakit na pinagdaanan ko ay muling naungkat. Para bang nanariwa lahat ng sakit nung gabing yun.

Pilit ko na kasing ibinabaon yung mga pangyayaring yun pero dahil nga nasa showbiz ako, I can't hide everything.

After that guesting, napadpad ako sa bar, that was my first time entering a bar for my entire life. Ang plano ko lang nun ay ang uminom, magpakalasing hanggang sa makalimutan kong muli lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay ko.

Hindi ko naaalala lahat ng pangyayari sa bar. Basta ang naaalala ko lang ay yung kumanta ako sa stage. At pagbaba ko ay mayroon akong nakitang lalaking nagtataglay ng kulay asul na mga mata.." tumigil muna akong saglit sa pagsasalita at hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapatingin sa gawi ni knox.

But i know sa sarili ko na imposibleng siya yun, hindi niya magagawa sa akin yun.

Ibinalik ko ang tingin ko kay tiffany at ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Hindi ko alam kung bakit pero parang mas nalasing pa ako sa pagtitig ko sa mga mata niya kaysa sa alak na ininom ko nung gabing yon. Naramdaman kong he kissed me pero hindi ko nagawang mag protesta dahil nalunod na ako nung mga titig niya. Alam kong may nangyari sa amin nung gabing yun.

Nagulat na lang ako nung kinabukasan ay magising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Nagising akong nakahiga sa isang malambot na kama at walang saplot. Nagising na lang ako na it sore down there.

Pinilit kong tumayo nung mga oras na yun, nilibot ko ang buong condo pero wala akong taong nakita. Mag isa lang ako nung magising ako, nakita ko ang damit ko na maayos na nakatiklop sa side table sa may kamang hinigaan ko, at merong notes yung lalaking naka s*x ko.

Binasa ko iyon at naligo na ako. Dumiretso ako sa lamesa at sinunod yung sinabi nung lalaki sa notes. Mukhang marunong magluto ang gagong gumalaw sa akin dahil may pagkain sa lamesa.

Versatile ✅Where stories live. Discover now