57. 행복했던 날들이었다 Days Gone By

14 5 4
                                        



DAYS GONE BY


"As I look at the evening sunset. The day I was so relieved that I met you, feels like such a long time ago. Now the sunset is just the beginning of the night . . ."


*****


Umuppo ako sa bench ng eskinita habang naghintay na may dumaang bus. Ilang sandali, may dumaan rin kaya dali-dali akong sumakay. Mabuti nalang at ako lang ang pasahero kung hindi ay ewan ko nalang.

Nag-alinlangan ako nung una kung saan ako uupo dahil sa dami ng pasahero na sumasakay. Nagpasya nalang ako na umupo sa dulo at mabuti nalang may bakante pang naiwan, kaso may nakaupo nang lalaki na natutulog sa may bandang bintana nito.

Doon ako umupo sa tabi ng lalaki habang dahan-dahan nilapag ang bag ko sakin kandungan para hindi magising ng wala sa oras itong katabi ko. Napalingon ako bigla sa bintana dahil may napansin akong karatola sa eskinita.

"This way to Inangtala Integrated School . . ." Bulong ko.

Biglang bumusina and driver ng bus sabay tumigil sa pag-andar ang sasakyan. Lumingon samin ang driver at isa-isang tinitingnan kaming mga pasahero. Nang mapalingon sakin pwesto ang driver, sinenyasan niya ako na gigisingin ko raw ang katabi ko.

Agad ko naman sinunod at kinablit ang katabi ko. "K-kuya, gising na." Tawag ko sa kanya.

Ginawa ko 'yan ng ilang beses bago tuluyang gumising siya. Nag-inat pa siya ng katawan at humikab na parang bata, 'di halata sa postura niya na highschooler pala. Paglingon niya sa bintana, dali-dali siyang napatayo sabay nagmadaling umalis ng bus.

Napailing nalang ako sa inasta ni Kuya at akmang lumipat sa inuupuan ni Kuya nang may nakita akong phone na iphone 11 pro. Wala sa sariling kinuha ko ito sabay kumaripas ng takbo palabas din ng bus.

"M-manong, pakibukas po. May naiwan kasi ang cellphone ni Kuya." Agad naman binuksan ni manong driver kaya nakalabas rin ako.

Pagkalabas ko, nandun parin ang lalaki kaya nakahinga ako ng maluwag. "K-kuya ang cellphone mo!" Sigaw ko habang hindi pa tuluyang nakatapak ang paa ko sa eskinita.

Parang tangang napalingon sakin ang lalaki. Biglang umihip ng malakas ang hangin kaya parehong natangay ang hibla ng mga buhok namin. Paglingon niya sa pwesto ko, nanlaki ang mga mata ko dahil isa palang teacher ang kaharap ko ngayon.

Hindi kumibo si Kuya bagkus ay kalmado niyang sinagot ng sigaw ko. "Sa' yo na 'yan." Tumalikod siya at tumakbo ng mabilis. Nilagpasan niya ang karatola at maligayang nakipagbati ang iilang estudyante na makasalubong niya.

Hindi ko alam kung anong maging reaksyon ko. Nanatiling tulala ako habang nasa palad parin ang cellphone niya. Umandar na muli ang sasakyan at tuluyang umalis sa eskinita.

Hindi ko namalayang limang taon na pala ito nagyari pero heto ako ngayon nakatayo sa tabi ng karatola habang hinintay na lumabas ang anak ko kung saan doon din nagta-trabaho ang may-ari ng ginagamit kong cellphone.


-- The End --


"They were happy days. It was like a dream. There's no more now. They have to remain as the past . . ."

- (Days Gone By, DAY6)

The Book of UsWhere stories live. Discover now