23: Ang Pagpapaalam..... Ng isang Kaibigan.

3.4K 44 4
                                    

Chapter 23

KATH's POV

On the way na ko papunta sa park kung saan ko imi-meet yung sinasabi ko. May importante daw kasing sasabihin sakin.

Hindi ko na ipinaalam kay DJ kasi baka pigilan nya ako. Alam nyo namang kinaiinisan niya yung taong yun.

Andito na pala ako sa park. Sabi nya, sa may playground nalang kami magkita to be specific. Naka-blue sweat shirt daw siya eh.

Hanap

Hanap

Hanap...

Ayun!!!

Nilapitan ko yung taong nakaupo sa may bench ng playground. Nakatalikod siya.

"Hello. Did I arrive late?". Sabi ko sakanya.

"Oh. Hi Kath. No, it's okay. Kararating ko din lang naman". Sagot niya.

"Why on Earth at ngayon ka lang nagpakita sakin Quen?"

"Long story. Family problem eh".

"Hmm, sige. I won't interferre. Pero kung gusto mong i-share, I'm here to listen"

"Di ka parin talaga nagbabago Kath. Napakabait mo parin. Kaya mas lalo akong naiinlove sayo eh". Nabigla ako nang hinawakan nya yung kamay kong nakapatong sa lap ko.

"Quen, stop! May boyfriend na ko". Pagpipigil ko sa kanya.

"Hehe. I know Kath. Hindi kita pinapunta rito para agawin sa kanya. I'm just here to say goodbye".

"H-ha? B-bakit? San ka pupunta?"

"Gaya nga ng sinabi ko, family reason".

"Bat mo kailangang umalis? Iiwan mo na kaming barkada mo dito?"

"Kath, ayoko man pero kelangan eh. Basta, thankful ako kasi nakilala ko kayo. Especially ikaw"

Tinignan ko sya.

"With you guys, hindi ko naramdaman na nag-iisa ako. Kahit bago ako sa barkada, ipinaramdam nyo sakin na I belong. Basta Kath, ikaw na bahalang mag-explain sa barkada kung bat ako nawala nalang bigla. Yun ay kung mapapansin nila.."

"Quen...."

"Alagaan mo ang sarili mo Kath. Alam ko din namang you're safe sa piling ni DJ. And my love for you? Hindi ko parin yun igi-give up. Sabihin mo sakin kung sinaktan ka niya ha. Andito ako, handang saluhin ka"

hinawakan niya ng mahigpit yung mga kamay ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Quen, mag-iingat ka rin kung san ka man pupunta. Wala akong mabibigay na remembrance sayo para maalala mo man lang ako".

"Your presence and our friendship are enough. Ipaka-tatago ko yun Kath. So, pano? I gotta go. Inaantay na ako nina mommy eh".

"Wait lang...". Pinigilan ko siya at pinaupo ulit.

"Picture tayo. Mamimiss kita eh". Sabi ko sa kanya.

And after that, tuluyan na siyang nagpaalam sakin.

Hayyy. nabawasan nnaman ang barkada. Si Julia kaya? Hindi pa siya nagpapakita ah. Nananahimik siya.

Tumunog uli yung phone ko. Nag-iisip ako eh. Umeksena ba naman.

From: QUEN.

    MAG-IINGAT ka Kath. Promise me that! Goodbye.

Opo. Mag-iingat ako. Pero bakit ganun?!

Bakit sobra nalang yung pagpapaalala nyang mag-iingat ako?

---------------------------------------

Bakit kaya ano? Hmmmmm...

Sorry sa chapter na to kung pure KathQuen siya....

VOTE

COMMENT

BE A FAN.

Love Knows No End (Completed)Where stories live. Discover now