CHAPTER 25

385 21 10
                                    

Raina's Pov

Kinakabahan ako.

Tumatambol ang kabog ng puso ko.

Huli na to.

Ilang minuto lang ay nakarating na din ang dalawa sa bahay ni Oliver.

Ryan: Ate, nandito na po tayo.

Wow ang laki ng bahay nila, doble pa sa bahay na nasa tagaytay.

Ryan: Sigurado kaba Ate sa gagawin mo?

Raina: Sigurado na ako.

Lumabas si Raina sa kotse.

At kinalampag ang bahay nila Oliver.

Raina: Oliver! Oliverrr!

Oliver: Si Raina ba yun??

Raina: Oliver! Oliver!

Oliver: Raina!? Anong ginagawa mo dito? Wag kang maingay baka marinig ka nila.

Raina: Halikana! Sumama kana sakin.

Oliver: Hindi pa pwede Raina, hindi pa sa ngayon.

Raina: Tumakas kana! Magpakalayo layo na tayo.

Oliver: Hindi pa pwede Raina.

Raina: Oliver, mahal mo ko diba?

Oliver: Mahal kita pero---

Mariing hinalikan ni Raina si Oliver.

Dad ni Oliver: Miski ba naman dito sa bahay namin mageeskandalo ka ha!

Oliver: Dad wag mong pagtaasan ng boses si Raina!

DO: At talagang ipagtatanggol mo pa yang babaeng yan!

Raina: Nagmamahalan po kami.

DO: Wala akong pake kung nagmamahalan kayo o ano pa man! Ano ba Oliver! Palayasin mo na ang babaeng yan.

Oliver: Raina, umuwi kana. Ryan iuwi mo na to.

Raina: Sumama kana sakin.

Oliver: Raina, napag-usapan na natin yan pwede ba?

Raina: Sasama kaba sakin o hindi?!

Oliver: Raina pleasee--

Tinalikudan ni Oliver si Raina.

Oliver: Please umalis kana.

Raina: Akala ko ba Mahal mo ko?

Oliver: Umalis kana!

Raina: Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka sumasama.

Oliver: Umalis kana! Umalis kana! Mahal kita pero hindi kita kailangan.

Raina: Kailangan mo ko--- Kailangan mo pa ako. Alam ko yun, alam ko yun.

Oliver: Hindi kita kailangan, si Isay ang kailangan ko umalis kana. Umalis kana!

DO: Nagdesisyon na ang anak ko! Baka gusto mong ipakaladkad pa kita sa guard ng subdivision namin!

Raina: Oliver, alam kong mahal ko. At ako yung kailangan mo ko. Oliver please, makinig ka naman sakin. Kahit ngayon lang Oliver. Maging masaya ka naman. Ipaglaban mo naman kung anong gusto mo. At alam kong ako yun.

DO: Oliver! Pumasok kana dito, walang kwenta ang babaeng yan!

Oliver: Umalis kana! Umalis kana! Wa-wala kang kwe-kwenta para sakin.

I'M HOPELESSLY ADDICTED TO YOU [COMPLETED]Where stories live. Discover now