Chapter 8: The Spirits

29 3 1
                                    

Arc's POV

Pagkadating namin sa lumang templo ay agad kaming sinalubong ng tatlong nilalang. Ang isa ay isang lalaking kalbo na ang suot lang ay ang kulay berdeng pang-ilalim at dahil topless siya, makikita agad ang kulay berdeng tattoo sa kanyang katawan. Kung tutuusin ay para siyang monghe na palaging nakapaa.

Ang isa naman ay isang babaeng nakasuot ng damit na para bang kimono na kulay berde. Ang balat at buhok ng babaeng ito ay nagkukulay berde rin maging ang kanyang mga mata at para siyang gawa sa usok na nagliliwanag.

 Ang balat at buhok ng babaeng ito ay nagkukulay berde rin maging ang kanyang mga mata at para siyang gawa sa usok na nagliliwanag

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

At ang nakatutuwa pa rito, 'yung isa naman ay isang mabalahibong matabang pusang nakalutang sa hangin. Isang pusang kulay berde na para bang multo na pinalilibutan ng kulay berdeng enerhiya. In short, isang magic cat. Cute.

"Bakit ka dinala ng iyong mga paa ulit dito Demon?" tanong ng babae

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Bakit ka dinala ng iyong mga paa ulit dito Demon?" tanong ng babae.

"Nanganganib kayo ngayon. Nanganganib ang Spirit Jewelsphere..." sagot ni Demon.

"Ano ang ibig mong sabihin?" pagtataka ng lalaki.

"Si Galaxtar, nakasisiguro kaming balak niyang kunin ang Jewelsphere na nasa inyo ngayon..." sagot ni Mr. Dalistro.

"Galaxtar?" nagulat ako nung biglang nagsalita ang pusa at bigla rin akong napatingin kay Mr. Theodore na napatingin din naman sa akin.

"Ang kaibigan ko ay isang Griffin Arc, hindi na ako nabigla..." bulong niya sa'kin.

"Siya ang kapatid ni Hellius..." sagot ni Demon sa pusa.

"Kung kukunin niya ang singsing dapat muna siyang makapasok sa Spirit World..." sabi ng lalaking kalbo.

Spirit World? Things are getting crazier and crazier each time.

"Demon kakaiba ang iyong suot ngayon..." sabi nung pusa.

"Ah bigay ito sa amin ni Arc..." sagot ni Demon sabay tingin sa akin.

"Um, hi?!" nagdadalawang-isip kong pagkakasabi sa pusa.

"Ikinagagalak kong makilala ka..." sabi ng pusa sa'kin. I can't believed I just made a conversation with a cat. Kung nandito lang siguro si Wendy, matutuwa 'yun.

CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)Where stories live. Discover now