Special Chapter

22 3 1
                                    

Demon's POV

Nandito ako ngayon sa Genesix mansion. Nandito silang lahat pati na rin si Ivion kasama ang kanyang kasintahan at si mama.

Nasa pangalawang palapag kami ngayon at mayroon kaming kaunting handaan para sa kaarawan ni Blackhole.

Nakatayo kami ngayon ni Azumi habang inaagbayan ko siya. Tumatawa at nakikisabay sa kanilang lahat.

Hawak-hawak namin ang tig-iisang baso ng inumin at sa malaking bilog na mesa na nasa gitna ay makikita ang napakadaming pagkain na iniluto ni mama.

"Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung totoong nawala ka na. Nawala ka, doon pa sa mga oras na wala ako..." sabi ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang pinkish cheeks.

Lumakad kami habang patuloy akong nakaakbay sa kanya at papunta kami sa rooftop.

"Saan ka ba kasi nagpunta?" pagtataka niya. Biglaan kasi ang lahat ng nangyari. Walang hiya talaga 'yung tatay kong iyon.

"Nagbakasyon..." sagot ko. Hindi naman sa, ayaw kong sabihin sa kanya ang totoo, sadyang hindi pa oras para malaman niya. Makahahanap din ako ng pagkakataon para sabihin sa kanila ang lahat.

"Ows?" alam kong hindi niya tatanggapin ang sagot ko. Alam kong matalino siya para paniwalaan agad 'yun.

Nakarating na nga kami sa rooftop at tanaw namin ngayon ang ganda ng Downtown area. Halos lahat ng gusali rito ay nasa apat o tatlong palapag lang, kaya naman kitang-kita namin ang ganda ng mga butuin.

Sa paliggid namin makikita ang mga nakasampay na mga kulay puting tela na nilabhan niya kanina. Nililipad ito ng hangin kaya para itong sumasayaw. Dahil ito agad kong may naamoy galing sa nga telang ito. Ito 'yung gustong-gusto ko sa kanya, ang kanyang napakabangong amoy.

Dahil siguro sa kanyang mga bulaklak o may ginamit lang siyang fabric conditioner. Ewan.

Mula rito sa kinatatayuan namin, kitang-kita namin ang mga nagtataasang skyscraper sa pinakasentro ng syudad. Ang liwanag ng parteng iyon.

"Demon..." sa tono ng kanyang pananalita agad kong nakuha na may seryosong bagay siyang sasabihin.

"Oh ano 'yun?" agad ko siyang sinagot. Nakangiti akong nakatingin sa kanya na para bang baliw. Naka-focus lang ako sa kanyang mga labi na ngayon ay gustung-gusto ko nang halikan.

"Mahal na mahal kita..." sabi niya. Sus akala ko kung ano na talaga ang sasabihin niya.

"Akala ko pa naman may sasabibin kang iba..." sabi ko at huminga ng malalim. "Syempre, mahal na mahal din kita. Ikaw ang buhay ko. Nung araw na una tayong nagkita, alam na alam ko nang ikaw ang una at huling babaeng aking mamahalin, besides my mom..." sabi ko.

Hindi na ako nakatiis pa at hinalikan ko na nga siya na sabay pa sa pagputok ng fireworks. Oo nga pala, new year ngayon.

Nakangiti ako habang nakatitig sa kanyang mga mata na isinasalamin ang magandang kulay na nililikha ng fireworks.

"Well, happy new year..." bungad ni Ivion kasama si Elise. Hawak-kamay pa silang dumating.

"Pwede naman siguro kaming makaisturbo 'di ba?" --

"Well, naisturbo niyo na kami..." sabi ko sabay tawa. "Happy new year, 'vion..." sabi ko sa kanya at kami ay nagkamayan. Hindi ko inaasahang maging magkaibigan kami. Magkaiba ang aming mundo o pinagmulan. We have different histories at halos hindi maganda.

"Maligayang bagong taon!" sigaw ni Greenwizard na nandito na rin kasama sina Mama, Blackhole, Sandsurfer, Mindfreeze at Speedfire. Masaya akong makitang may ngiting naukit sa kanilang mga mukha.

Hindi ko naasahang dadating si Mr. Deathcold kasama si Irra.

"Maligayang kaarawan Blackhole at maligayang bagong taon sa inyong lahat..." sabi niya.

"Mr. Deathcold, nandito ka..." natuwa ako dahil nandito siya. Hindi ko alam pero magaan talaga ang loob ko sa kanya, siguro dala na rin ito nung nasilayan ko ang kanyang nakaraan gamit ang kapangyarihan ng singsing.

"Pasensya na kung nahuli kami Demon..." sabi ni Irra na may dalang pagkain.

"Sagot ko na ang alak!" pabidang sigaw ni Mr. Deathcold na medyo lasing na. Kaya siguro medyo nahuli sila ng dating dahil nag-inuman muna sila. Huh.

"'Yuuuunnn!" sigaw nilang lahat. Aba'y tuwang-tuwa ah?

Masaya kaming nakatingala habang pinapanood ang magandang palabas ng fireworks display. Sa bawat putok nito'y iba ang aking nakikita, para bang isang bumubukang bulalak, na nangangahulugang isang bagong simula.

***********************

CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)Where stories live. Discover now