Chapter 1: Nightmare

382 10 1
                                    

MABILIS NA napadilat ang aking mga mata dahil sa malakas na pag-ingay ng kampana na umalingawngaw sa buong sulok ng kaharian. Mula sa kinahihigaan kong kama ay bumalikwas ako ng bangon.

Tinungo ko ang malaking salamin at inayos muna ang hitsura bago tuluyang lumabas sa sariling silid.

“May rebelde na namang nahuli,” bungad sa akin ni Elena nang makarating ako sa pasilyo, isa sa mga tagapagsilbi ng kahariang ito.

Saang sulok ng imperyo sila natagpuan?” walang pag-aalinlangan kong tanong.

“Sa kagubatan ng Ursua Zetharius,” napataas ang aking kilay. Sabi ko na nga ba. Marami pang nagtatagong mga rebeldeng nilalang sa imperyong iyon.

Nasaan sila?”

Nasa piitan, Binibini.”

Tuluyan akong lumisan sa pasilyo at tinungo ang piitan kung saan matatagpuan sa pinakailalim na bahagi ng kastilyong ito.

Papalapit pa lamang ako sa pintuan nang harangin ako ng dalawang kawal na nagbabantay rito.

“What are you doing?!” kunot noo kong tanong sa mga ito.

Pasensya na Binbining Reco pero hindi kayo pwedeng bumisita dito sa piitan. Pinapagbawalan po kayo ng kamahalan,” napabuga ako ng hangin sa sinabi ng isang kawal. Ano na naman kaya ang dahilan ng kamahalan?

Hindi na ako nagpaalam pa. Diretso na akong tumalikod, tinahak ang daan pabalik sa aking dinaanan.

I just found myself walking towards the King’s throne. Lumuhod ako sa harapan nito nang sinalubong ng kanyang seryosong mga mata ang aking pagdating.

“Greetings to you, your highness,” sabay angat ko sa aking mga mata. His presence is shouting authority and the eyes that he have is giving me creeps.

“Is there something you would like to ask?” napalunok ako sa paraan ng kanyang pagtitig.

“About the new prisoner,” diretsa kong sagot bago tumayo mula sa pagkakaluhod sa kanyang harapan.

Awtomatikong kumurba sa kanyang labi ang kakaibang ngisi, “You’re interested with them, don’t you?”

Sa pagkakataong ito, ako naman ang napangisi sa kanyang turan, “I’m always interested with them, King Valdemar. But it made me wonder why you forbid me not to see them.”

Napapikit lamang ako bigla nang iangat niya ang aking ibaba. Ang pinakaayaw ko ay ang hinahawakan ako ng walang pahintulot. I’d rather stabbed my own than being touched by someone. Kung hindi lang siya ang tinitingala kong hari ay matagal na siyang nakahandusay sa sahig.

“Because I made a big surprise for you, Reco Bianca,” its not just a simple statement that he said because my lips automatically curved into slight ‘v’, “You will love it I swear.”

Curse' Rebellion(On GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon