ZO2。

466 98 44
                                    


SEHUN

Tsaka nung sumapit na ang umaga, nagulat nalang siya na na nagising siyang nalaman niyang magkayakap kami sa isa't isa. Ang awkward lang 'non.

Tsaka nagtataka din siya na kung bakit kasama niya ako at tabi kaming dalawa sa iisang kama. Hindi niya naaalalang lasing siya kagabi. Wala siyang may maalala.

Dahil nga nagtatanong siya kung bakit, sinabi ko sa kanya ang totoong nangyari kagabi kung bakit siya nagkakaganyan. Tsaka naman siya nagulat. Tsaka hindi niya daw talaga naaalala ang lahat. Pero nagpasalamat siya sa akin dahil nandito daw ako lagi para sa kanya.

Tsaka sinabi ko din sa kanya na nung lasing siya.. nung sinabi niya ding gusto niya ako. Tsaka naman siya nabigla dahil hindi niya akalain na nasabi niya iyon sa akin nung gabi na iyon, na gusto niya ako. Ang awkward kaya. Pero kailangan ko yung sabihin sa kanya. Wala talaga siyang maalala eh.

"T-totoo? Sinabi kong gusto k-kita? Kagabi?"

"Yes.. you said you like me.. too."

"A-ah.. kasi sorry ha. Pagpasensyahan mo na ako kagabi. Wala akong maalala eh. Lasing lang ako. Kaya nasabi kong gus--"

"Pero pag lasing ang isang tao Lisa, doon siya nakakaamin ng totoong nararamdaman niya."

"No.. no. Lasing lang--"

"So are you saying that you don't like me?"

"Y-yes. S-sorry."

Dahil yung time na yan.. nasaktan ako ng sobra. Naisip ko baka trip trip niya lang talaga yun. Dahil nga baka nababaliw lang ang isang tao.. kapag lasing. Ni hindi ko ngang matanggap na ako lang yung nagkakagusto sa aming dalawa. But.. she said she likes me. Matagal na. Hindi niya ba maaalala? Or.. baka hindi niya lang talaga ako gusto.

Papaalis na sana ako ng time na yan.. iiwan ko na sana siya para umalis. Pero tumigil lang yung mundo ko nung nagsalita siya.

"I don't like you.. because I love you Sehun."

Nung narinig ko yun galing mismo sa kanya, mabilis akong lumapit sa kanya at yinakap siya ng sobrang mahigpit. Nung narinig ko yung mga salitang iyon, feeling ko mahal ko na agad siya.

'Tong gustong nararamdaman ko? Patutunguhan din naman yun ng pagmamahal eh. Di'ba?

"I love you too Lisa. I love you too so damn much."

"Ba't ang saya saya mo yata ha?"

"Of course. I think I'm the luckiest person here at world."

"Why?"

"Because you love me."

"Matagal na. Akala ko talaga, ako lang yung nagmamahal sating dalawa eh."

"No, we love each other. That's it."

"Umiiyak na naman ako eh. I just.. can't believe that.. you and I.. have same feelings together."

"Yeah.. because we're meant to be. You know that?"

"YAAAAAHHH! I love you sobra sobra talaga Sehun!"

"I love you too sobra sobra infinity miles, Lisa. So.. can I court you?"

"Ha? Talaga? Liligawan mo na ako?"

"Yes. Kahit mahal na natin ang isa't isa, gusto kong ipadama sa'yo kung gaano kita kamahal at maging best boyfriend mo sa buhay mo."

"Oo Sehun! Magpapaligaw ako sa'yo Sehun! Gusto ko ding makaranas kung paano nililigawan."

Nang dahil doon, niligawan ko nga si Lisa. Tatlong buwan ko siyang niligawan. Sobrang effort ako lagi sa kanya. Dinadalhan nang kung ano ano na mga nagugustuhan niya. Hinahatid-sundo ko din siya syempre. Tsaka sa school, sinusurpresa ko pa siya sa maraming tao. Kakantahan or sasayawan ko siya sa maraming tao. Masaya naman kami sa isa't isa. Pero may mga araw din na nagtatampuhan kami pero madali lang naman kami nagkakabatian na dalawa.

Bawat araw na nagdadaan, mas lalo ko lang siyang minamahal.

Hanggang sa sinagot niya ako sa araw ng birthday niya, I was so happy that time. Dahil? Officially girlfriend ko na siya and officially boyfriend niya ako. Nakakaganda lang sa loob. Isa pa, mahal naman talaga namin ang isa't isa.

Tsaka hindi ko akalain na one year na kami ngayon. Pero aabot pa kami hanggang sa pagtanda namin. Tandaan niyo yan. Naks.

"Ngiti ngiti mo dyan pre! Anong iniisip mo?"

Napaharap naman ako kay Chanyeol hyung. Tsaka lang siya ningitian at napailing nalang ako. "May naaalala lang pre."

"Ano naman iyon?" natatawa niyang tanong.

"Kung paano kami nagiging malapit ni Lisa sa isa't isa." sagot ko.

"Sus. Dati hindi ka naman ganyan pre eh. Kalokohan lang alam mo noon. Sa totoo lang? Baliw ka eh. Hanggang naman ngayon." natatawa niyang kwento. Baliw siya dyan. Gwapo ko kaya.

"Grabe ka pre ha."

"Pero ngayon, pumapag-ibig ka na." nang-aasar niyang sambit sa akin.

"Oo naman pre. Kaya ikaw, gumalaw galaw ka na. Baka naman gusto mong umulit." natatawa kong sambit at natawa na din siya. Yung parang wala lang siyang nakaraan noon?

"Ayaw ko na pre. Bahala ka."

Kung naiiisip niyo, oo. Nakamove-on na si Chanyeol hyung kay Rosè. Sobrang tagal niyang kinalimutan si Rosè dahil parang hindi niya talaga yun kinaya. Pero pasalamat naman ngayon at ayos na siya. Tsaka move-on na siya sa past.

Isa pa, wala na talaga siyang pakialam kay Rosè at parang hindi niya na 'to kilala. Ayos ah.

"Pero ikaw pre ha.. wag ka dalawang magdadalawang isip na iiwanan mo si Lisa ha? Napakaswerte mo na sa babae na yan. Mahal na mahal ka niyan." paalala niya sa akin.

Natawa naman ako, "Mahal na mahal ko din naman. Baliw ka ba pre? Syempre hinding hindi ko gagawin yan 'no. Mahal na mahal ko yung babae na yun. Ano? Yung panliligaw ko sa kanya ng tatlong buwan, sasayangin ko lang? Hinding hindi papasok yan sa isip ko na gagawin ko yan dahil mahal na mahal ko yang babae na yan. Kung gagawin ko man yun, parang ipinaglalaruan ko lang siya at parang gumawa na ako ng malaking kasalanan."

"Isa pa pre, akin na siya. Hinding hindi ko siya iiwanan dahil magkakasama pa kami hanggang sa pagtanda namin. At alam kong ganun din siya sa akin." seryoso kong sambit. "Ganon namin kamahal ang isa't isa pre."

"Sige. Sabi mo yan ha. Suporta ako sa inyo ni Lisa." nakangiting sambit ni Chanyeol hyung.

"Salamat pre ha!" pasigaw kong sambit sa kanya.

Pagkatapos 'non, naririnig ko yung phone ko. Kinuha ko naman yun at tinignan kung sino yung tumatawag. Tsaka napangiti nalang ako bigla nang nalaman kong si Lisa ang tumatawag sa akin. Hmm. Makakausap ko na naman siya. Namimiss ko kasi siya eh. Two days ko lang ng hindi nakikita. Because she needs to study. But shit. I'm missing her so damn much and it really kills me.

"Grabe ngiti natin ah. Si Lisa yan 'no?" tanong ni Chanyeol hyung.

"Oo pre. Siya nga." nakangiti kong sagot. "Usap lang kaming dalawa pre ha." paalam ko at napatango naman siya

Medyo naman ako lumayo. Tsaka ko naman sinagot ang tawag ni Lisa. Maririnig ko na naman ang boses niya. Damn. I miss her.. so much.

zebbiana | sehunWhere stories live. Discover now