CHAPTER FIVE

461 17 0
                                    

Naalimpungatan ako nang gabing iyon ng makarinig nang mga kaluskos at kalampag sa labas ng kwarto ko. Mabilis akong bumangon at hinagilap ang tsinelas ng magpatuloy ang ingay.

Bababa na sana ako ng kama ng matigilan sa malakas na tunog na nanggagaling sa baba.

A gun shot!

Mabilis akong bumangon at kinuha ang baseball bat na nakatago sa may cabinet. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng magpatuloy ang ingay sa labas. Oh god! What the hell is happening!

My hands are shaking while holding the baseball bat. I need to see my brother! Baka napasok na kami ng mga magnanakaw dito.

I tried to open the doorknob pero pinangungunahan ako ng kaba. Napaigtad ako ng marinig ang malakas na mga yabag galing sa labas. I automatically stand up and raised the baseball bat to protect myself. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, marahas na bumukas ang pintuan at iniluwa ang matangkad na lalaki.

Agad kong iwinasiwas ang baseball bat sa gawi ng lalaki pero madali niya itong nasalo at itinapon na mas lalong nagpanginig sakin.

"W-who are you?!" Sigaw ko dito. Hindi ko nakikita ang kaniyang mukha dahil nakasout Ito ng bonet sa mukha.

Agad akong umatras ng lumapit siya sakin. Mabilis kung ibinato dito ang nahawakan kung lamp shade pero madali niya rin itong nailagan.

Inilang hakbang lang nito ang pagitan namin at tinakpan ang ilong ko ng panyo na may kakaibang amoy. I tried to punch him and scratch his face pero malakas ang gamot na pinaamoy niya sakin. Unti-unti kung pinikit ang aking mga mata dahil sa hilo.

I WOKE UP in an unfamiliar room. Mabilis kung nasapo ang aking noo ng makaramdam ako ng hilo ngunit agad rin akong bumangon nang maalala kung nasaan ako.

My heart is pounding so fast when I remember what happened before I lost consciousness

I was abducted! Fuck!

Mabilis kung inilibot ang paningin ko sa kwartong kinalalagyan ko. The bed is king sized bed at tanging lampshade lamang ang nagbibigay liwanag dito.

Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Oh God! Where am I?!

Napaigtad ako ng bumukas ang pintuan. Kahit madilim sa loob ng kwarto ay kitang-kita ko ang matangkad na lalaki na naglalakad papunta sa higaan ko.

Napasinghap ako ng dumako ang paningin niya sakin.

"I'm glad you're awake. How are you feeling?" Napasinghap ako ng marinig siyang magsalita.

He's voice is husky and low. Damn scary!

Mabilis ko itong pinasadahan ng tingin habang nanginginig na sa takot.

"W-who are you?! And where am I?!" Halos pabulong kung saad dito dahil sa takot.

Muntik nang umawang ang bibig ko ng lumapit siya sakin at makita ko ang kaniyang mukha ng malapitan.

Brown hair, pointed nose, full lips and deep mesmerizing eyes. Is this my abductor? Kahit napakakisig nito nagsusumigaw ang kanyang presensya ng panganib na mas lalong nagpanginig sakin.

Sumiksik ako sa head board ng kama ng mas lumapit siya sakin

"You're in my place HONEY." napaawang ang bibig ko ng marinig ko ang sinabi niya. That endearment, isa lang ang tumatawag sakin non.

"Sino ka?!" I flinched when he touch my face. Napakaseryoso ng mukha nito.

"Kilala mo ako Isabella. Matagal mo na akong kilala." Tinabig ko ang kamay nitong nasa pisngi ko na agad na nakapagpa dilim ng mukha nito.

Her obsessed SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon