CHAPTER EIGHT

583 24 26
                                    

Hello sa nagbabasa nito! Sorry for the late update😊 happy reading!

CHAPTER 8

Matapos ang nakakahiyang tagpong iyon ay ginawa ko ang lahat para hindi na iyon maulit pa. Hindi ko namalayan ang paglipas ng araw at mag-iisang buwan na pala ako dito.

Mula sa tapat ng bintana ay tanaw ko ang magagandang halaman sa ibaba, napakaganda ring pagmasdan ang papalubog na araw.

Sa paglipas ng mga araw ay wala akong ibang ginagawa kundi ang tumingin sa magandang kapaligiran sa mansyon. It's very beautiful, yet it feels so gloomy.

Nasa ganoon akong katayuan ng maramdaman kung may mga bisig na pumulupot sa bewang ko.

His familiar mix mint and spicy scent filled my nose. Mabilis na dumoble ang tibok ng puso ko dahil sa maiinit na labing dumampi sa batok ko. Ang mumunting kuryente na dumaloy sa aking sistema ang halos pumugto sa aking hininga.

"You're in deep thought. Hindi mo na napansin ang pagpasok ko." mahina at halos paos niyang sabi bago niya ako iniikot paharap sa kanya.

Kaagad dumarekta ang paningin ko sa mga mata niyang nakakapanlambot sa pagtitig. Maayos ang kanyang buhok habang may mabilis na paggalaw sa mga panga na nakatitig saakin.

"What are you doing here?" pinigilan kung manginig ang boses ko dahil sa paghaplos niya sa bewang ko.


Natagpuan ko nalang din na nakalagay na ang kamay ko sa matipuno niyang dibdib. Nakapatong lang ito at walang lakas na itulak siya palayo.

"I didn't see you downstairs." gumalaw ang isa niyang kamay para haplusin ako sa mukha.

Ang mga daliri niya ay mas nagpadepina sa mga mumunting kuryente na nararamdaman ko. Pinigilan kong mapakagat labi dahil dito.

"I ask someone to prepare for our breakfast." his voice was soft. I wasn't able to say a word when he pulled me closer, planting soft kisses on my lips while his hands moved again and roamed down in my back.

Humigpit ang hawak ko sa damit niya dahil sa biglang intensidad ng halik niya. Dapat itinulak ko na siya dahil alam ko ang magiging kapalit nito pero hindi ko ginawa.

Mas nangingibabaw ang kagustuhan ng katawan kong pumikit at salubungin ang halik niya sakin.

You're really doomed, Isabella. This is trouble.

My mind went dizzy when he cursed under his breath before he deepens the kiss. Alam kong nalukot ko na ang damit kung saan ako nakahawak lalo na ng bumaba ang halik niya.

He broke away for a second only to trace soft kisses down the side of my face.

"Isabella." he whispered my name. "How can you make me crazy by just kissing you?" I was still breathing heavily as he guided his lips to mine, again. He kissed me like he wanted this so much.

Hindi ko alam kung matatagalan ko pang manatili sa katinuan dahil sa mga halik na ginagawa niya. Basta ang tanging alam ko lang ang kasiyahan basta ganito siya kalapit, at tuwing hinahalikan niya ako.

Suddenly, I pulled away when I heard knocks. Kaagad akong natauhan at umakyat sa mukha ko ang init na nararamdaman ko kanina.

"Master?" napalunok ako ng marinig ang boses ng katulong sa labas.

Gumalaw ako para sana lumayo ng kaunti sakanya pero naging maagap siya. Hinigit niya ako pabalik para yumakap sa bewang ko.

Napatingin ako sa kanya at kaagad namang nagtama ang paningin namin. Malalim pa ang pagtitig niya saakin kaya hindi ko matagalan ang pagtingin dito. Naramdaman ko ang buntung hininga niya ng tumingin ako sa pintuan.

Her obsessed SuitorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora