PANAGINIP KO'y IKAW

11 1 0
                                    

Posible palang makaramdam tayo ng lungkot at kapighatian sa hindi mawaring kadahilanan. Iyong tipong gusto mo na lamang umiyak para mabawasan ang lahat ng sakit at pangungulilang nararamdaman. Ngunit, kahit gaano man kadaming luha ang pumatak mula sa mga mata mo ay hindi pa rin mababawasan ang sakit na nananatili sa puso mo.

"Tulala ka na naman armina..." puna ni sabel, ang matalik kong kaibigan.

Tiningnan ko siya. "Anong gagawin mo kung kailangan mo nang pakawalan ang isang tao?" Wala sa sariling tanong ko.

Napatitig naman siya sa 'kin. "Tungkol na naman ba ito sa binatang bampira na sinasabi mong minsan ay nagpapakita sa mga panaginip mo?" Tanong niya.

Napayuko ako. "Araw araw na siyang nasa panaginip ko. Mas luminaw na rin ang mukha niya." Nanginig ang boses ko. "Nagmamakaawa siya sa 'kin sabel." Sabi ko.

"Nagmamakaawa?" Nagtatakang tanong niya.

Tumango ako at nangingilid ang mga luhang nag-angat ng tingin sa kaniya. "Nagmamakaawa siyang palayain ko na siya."

"Hindi ko maintindihan...." Nalilitong sabi niya.

Napasinghap ako. "Kahit ako sabel. Hindi ko rin maintindihan ang nais niyang iparating." O ayoko lang talagang aminin sa sarili ko ang katotohanan.

Nakatayo ako sa gitna ng gubat at pilit lumilinga sa paligid. Nandito na naman ako. Sa lugar kung saan madalas ko siyang nakakatagpo.

Lumingon ako sa likuran ng makarinig ako ng impit na sigaw. Sa pag-aakalang siya iyon ay mabilis akong tumakbo papunta sa bahaging iyon ng gubat. Nahintakutan ako at nangingilid ang mga luha sa takot na nararamdaman. Hindi ko man alam kung saan nanggagaling ang takot na ito ay sigurado akong may kinalaman na naman ito sa kaniya.

Napahinto ako sa pagtakbo ng makita ko siya. Napangiti pa ako pero agad din naman iyong nabura nang makita ko ang kaniyang itsura. Napatakip ako ng bibig at tuluyan nang tumulo ang aking mga luha.

Ibang iba ang itsura niya ngayon kesa noong napapanaginipan ko siya. Wala na ang malinis at maayos niyang itsura. Ang dating makinis niyang mukha at puting damit ay nabalutan na nang dugo. Napaatras ako nang bigla siyang tumingin ng diretso sa aking mga mata.

Nakakapang-lambot ang uri ng tingin niya. Napalunok ako. "A-Anong ginawa mo?" Nanginginig kong tanong sa kaniya sabay baling sa walang buhay niyang biktima.

"Ginagawa ko lamang ang iyong gusto." Diretsang sagot niya.

Nagulat ako. Wala akong sinabing pumatay siya ng tao! Hindi ko ginustong maging halimaw siya! "Hindi ko ginustong pumatay ka at uminom ng dugo ng tao!" Sabi ko.

"Pero gusto mo akong manatili rito, hindi ba?" May bahid ng lungkot ang mga matang sabi niya.

Napatitig ako sa kaniya. "G-Gusto ko lang ay makasama ka." Kahit hindi kita gaanong kilala, gusto ko pa ring makasama ka. Kahit hindi ko alam kung bakit tayo nagtatagpo rito ay masaya pa rin akong makita ka.

"Pero hindi ito ang mundo ko armina." Sabi niya. "Hindi ako bagay rito. Gusto ko nang umuwi at balikan ang babaeng mahal ko, kaya pakawalan mo na ako."

Napayuko ako. "M-May kasintahan ka na?" Nasapo ko ang puso ko sa hapdi at bigat na nararamdaman.

"Wala pero may mahal na akong iba." Punong puno ng emosyong wika niya.

Napatitig ako sa kaniya at napahagulgol. "Ayokong mawala ka. Ayokong mag-isa." Maiiwan ba akong mag-isa?

"Hindi ka magiging masaya hanggat hindi mo ako pinapakawalan. Hindi mo ako alipin armina pero dahil malaki ang pagnanais ng puso mong ikulong ako rito ay hindi na ako makalabas sa panaginip na ikaw rin ang nag-simula." Sabi niya pa.

Someone within meWhere stories live. Discover now