Chapter 2

36 3 0
                                    

~• Chapter 2 - First Day •~
-

"Emellie?" rinig ko.

"hm?" sabi ko habang papikit pikit pa. Tinanggal ko yung earphones ko sa tenga ko at pinatay yung phone ko na kanina ko pa hawak.


"Nasa school na tayo." sabi ni manong Ben.


"A-ah, sige po. Thank you." sabi ko at akmang baba na. Tumango ito,  bumaba ako't isinara ko na ang pinto ng kotse at umalis na ito.


"Asan na sila Iris? Masyado ba akong maaga?" bulong ko sa sarili, tinignan ko ang wristwatch ko. 6:30 na pero wala pa rin sila, napagtanto ko na lagi pala silang late.


Pumasok ako sa luob ng gintong gate ng school at nakita ang mga estudyanteng masaya nag sasama-sama. Isinuksok ko ang earphones sa tenga ko at nag hintay sa tabi ng gate. Maya maya ay may naramdaman akong yumakap sa likod ko.


"Emiee~." sabi ni Allia habang mahigpit na nakayakap sa'kin. Muntik ko na siyang masiko dahil sa gulat. Tinanggal ko yung earphones ko at humarap sakaniya.


"Allia! wag mong gawin yan ulit, muntik na kitang masiko." sabi ko habang nakatingin ng seryoso sakaniya.


"Ako lang naman ang gumagawa niyan sa iyo." kunot nuo niyang sabi sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.


Nakita kong kasama niya na si Iris at wala pa rin si Samantha kaya habang nag hihintay kay Samantha ay naririnig ko na ang mga bulungan ng mga estudyante dito.


"Ang ganda nila." - Girl1.

"Bago na namang magaganda ang pumasok sa school." - Girl2.

"Kaka-glow up ko lang may bago na naman?" - Girl1.

"Damn!" - boy1.

"Hey, beautiful!" - boy2.


"Ang tagal ni Samantha." sabi ni Iris na halatang naiinip na habang may pahawi pa ng buhok.


"Hintay lang." sabi ko habang nakangiti. Napansin kong tumingin si Allia sa 'kin, tinaasan ko siya ng kaliwang kilay bilang sagot ko.


"Bakit hindi mo matry mag contact lens?" tanong ni Allia habang nakangiti. 


"Ayoko, takot ako." sagot ko habang nakangiti sakaniya. Na gulat ako nang dahan dahan niyang inialis ang salamin ko.


"Bagay naman sa 'yo walang glasses." sabi niya sabay thumbs up.


Kunot nuo ko siyang tinignan. "Kakasabi ko lang na takot ako eh." maypagka irita na sagot ko sabay kinuha yung salamin at sinuot. Tinawanan niya lang ako sabay akbay sa'kin.


"Guys!" sigaw ni Samantha. Lumingon kami at nginitian siya. Habang siya ay papalapit, halos lahat ng estudyante napapatingin sa taglay na kagandahan nito. Mas lalong dumami ang nakatingin nang mag simula kaming mag lakad papunta sakaniya.

Damn, This Love Ain't Simple! (on-going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora