Chapter 1

5 0 0
                                    

               "I've decided to sell this property since hindi naman ako maglalagi dito, and besides I don't hav a life here.." habang ginagala ni Mira ang paningin sa loob ng mansyon. At the back of her mind ay ang mga alaala ng kanyang abuelo at abuela habang naglalaro sila sa hagdan, sa sala, mga tawanan sa mahabang lamesa. Ngunit may mapait na ngiti na sumilay sa kanyang mga labi na lahat ng iyon ay alaala na lamang. Lumaki siya sa mga magulang ng kanyang ina, hindi sang - ayon sa relasyon ng kanyang ina at ama ang mga magulang neto sapagkat hindi kasali sa kilalang angkan ang kanyang ama. Sa huli naghiwalay ang mga magulang niya, at sa kasamaang - palad namatay sa panganganak ang kanyang ina.

               "Ngunit paanu na po kaming mga tauhan dito sa hacienda ma'am?" tinig ng tauhan nila ang nakapagpablik sa kanyang katinuan.

               "To be fair with you, ang mansyon lamang ang ibebenta ko, ang sakahan, bakahan, at ang abot ng haciendang ito ay pantay - pantay na ibabahagi sa pamilyang simula pa noon ay naglingkod sa pamilya namin. You will serve what you deserve.." may halong lungkot sa tinig ni Mira. Gusto niya ng talikuran ang lugar na ito, kung saan nagbigay din ng masakit na pangyayari ang naganap dito. Napapikit siya sa alaalang ito, dito walang awang pinatay ang kanyang abuelo at abuela, ipinamana sa kanya ang lahat ng ari - arian kaya siya napauwi ng bansa, dumating siya sa bansa na nakakabaong na ang mga mahal. Pinadala siya sa ibang bansa para duon mag - aral ng interior design. Hindi na nakauwi pagkagraduate dahil kinuha na siya ng malaking kompanya. Hindi niya matanggap ang nangyari at parang masisiraan siya ng bait sa nalaman. She resigned at nagdecide na umuwi na ng bansa. Mahalaga sa kanya ang property na ito since dito siya hinubog ng panahon. Masakit sa kanya ang nangyari ngunit mas masakit kung uuwian niya ito at maalala ang ginawa ng mga mahihinang klaseng nilalang sa kanyang mga minamahal. Mahihina ang tawag niya sa pumaslang sa kanyang lolo at lola dahil alam nilang di kaya ng mga ito ipagtanggol ang mga sarili nila kaya pinagsamantalahan ng mga ito ang kahinaan ng dalawa. " So this is goodbye everyone, if you need anything don't hesitate to call me, sa abot ng maitutulong, tutulong pa din ako, kahit hindi na ako ang amo niyo. My secretary will provide you the documents as soon as it is fix." May lungkot na nilisan ni Mira ang lugar.

               "Pare, i need to find a place may alam ka bang for sale?" kausap ni Steve ang partner niya na si Renz.  Bago lang sila sa lugar na ito, may bagong assignment sila kaya sila nandito sa lugar na ito. 

               "Pare, di naman tayo magtatagal, why buy a house to stay? Aren't you comfortable in my place? Naiingayan ka ba sa bunganga ni misis?" may halong biro na tanong ni Rhenz.

               " No Pare, it's just that parang gusto ko ang lugar na ito, tahimik, malayo sa ingay ng lungsod, matutuwa si Eliza sa ganitong lugar." Mukha pang nangangarap na tumingin sa malayo si Steve.

              " Naku, kelan ba babalik dito sa bansa si Eliza Pare? it's been 2 years na the last time we saw her, hhmmm sabihin mo baka makakita ka na dito ng bago," may halong pagbibiro sa tinig ng kaibigan.

               " That's impossible to happen, you know how much i adore and love my fiance' it won't happen. I have a gem in my hand Pare, i can't just slip it away, we've been together for 8 years, mabuo lang ang pangarap naming dalawa, yayayain ko na siya magpakasal Pare.." and that eneded their conversation. He can't have another girl, he promised at paninindigan niya yun.

               Nakaupo sa kanyang opisina, pinag -iisipan ni Mira kung tama ang gagawin. It has been 6 months pa lang ng mawala ang lahat sa kanya. Kinapa ang sarili, anu nga bang natitira sa kanya ngayon? Oo nakakaluwag siya sa buhay, pero hindi kayang takpan ng kahit anu ang sakit na nararamdaman niya. Muling tumulo ang mga luha ng maalala ang kalunos - lunos na naganap sa kanyang mga lolo at lola. Ayon sa police report, may tawag na natanggap ang fire station at pulis na may sunog sa hacienda ng mga Huarez. Agad naman naapula ang sunog sa kwarto ng mga ito, na nagsimula sa higaan ng mga ito, sinigurado ng mga kawatan na walang maiiwang bakas ng mga kamay nila ang ginawang krimen. Pagkatapos paslangin ay sinunog ng mga ito ang katawan ng mga matatanda.Walang mag - aakala sa mangyayari dahil mabait at walang inaagrabyado ang mga ito. Kilalang pilantropo ang kanyang abuelo ganun din ang abuela. Nasanay na iilan lang ang kasama sa bahay dahil sila mismo ay gumagalaw sa bahay. Nahuli naman ang may gawa na pawang mga taga bayan. Nasubaybayan ang galaw ng mga matatanda kaya pinagplanuhan nila ang pag - akyat.

               "Ma'am? There is interested po sa post niyo tungkol sa mansyon sa San Joaquin. He is asking for the info, for the pictures po i will send them the info through their emails, i'll update you again.." mahabang pahayag ng kanyang secretary.

              "Yes you may, san mapunta sa tamang tao ang bahay na to.." may bahid ng kalungkutan ang tinig ni Mira. Hopeful na sana mapunta sa magandang kamay ang bahay at alagaan ito.

               "Par, dinig ko binibenta na ang mansyon ng mga Huarez sa San Joaquin.." ngumunguya nguya pang kuwento  ni Rhenz.

                "Really? That place is good, gusto ko yun, sino nagbebenta? I thought wala na silang kamag - anak living here?" nacurious na tanong ni Steve.

               " Apo daw nila, duon naiwan ang lahat ng ari - arian, swerte nun Par, galing ng New York, duon daw kasi nag - aral. Gusto mo yun Pare? Hahaha baka multuhin kayo dun."

               " Do you really believe in that Pare? haha malikhain din pala ang utak mo minsan."

               "Ikaw bahala pare, alam ko namang kaya mong bilhin ang mansyon na yun, it's up to you, just invite us sa blessing." Halong pag - aalinlangan ang mababanaag sa desisyon ng kaibigan.

              " No worries Pare, wala naman akong ibang pamilya kundi kayo lang.." buo na ang desisyon na bibilhin ang bahay na ito. Steve set a meeting sa may-ari ng lupa, he wanted that place. It will be there love nest, sigurado siyang magugustahan ng kasintahan ang lugar. Wala pa man ay nakikinita na niya ang mapupulang labi ng kasintahan na nakangiti.

               ".. Ma'am nagset na po ng meeting ang buyer sa mansyon, gusto daw po kayong makausap as soon as possible daw po.." paalala ng sekretarya ni Mira.
".. Call Atty. Reyes, tell him to see me this lunch time, i need an advice before selling my grandparent's properties. I need to be fair sa mga tauhan sa hacienda.. " bilin ni Mira sa kanyang sekretarya. Nahahati man ang puso sa gagawin pero gusto niyang magkaroon ng kalayaan sa nararamdamang kalungkutan tuwing naaalala niya ang mga tinuring na mga magulang. Kaya sa paraang naisip sa palagay niya ay mabibigyan ng katahimikan ang kanyang kalooban. Hinanda na niya ang sarili niya para makipagkita sa abugado ng kanyang pamilya.

               ".. I strongly advice para mapanatili mo kung ano man ang pinaghirapan ng mga lolo at lola mo na hati - hatiin ang lupa sa mga tauhan niyo pero kahit papano magbigay sila kahit maliit na porsyento galing sa kanilang ani in that way, hindi lang relasyon mo sa mga tao niyo ang mapapanatili mo ang lupang pinaman ng lolo at lola mo, kung nabubuhay pa ang mga ito, hindi nila gugustuhin na mawala ang lahat ng pinaghirapan nila.. " may halong lungkot din sa tinig ng abugado. May punto nga naman ito, mahigit dalawampu't limang taon na sa serbisyo niya bilang abugado ng pamilya si Atty. Reyes. Pinagkakatiwalaan ito ng lolo at lola sa lahat ng legal documents na meron ang pamilya. Kaya labis din ang lungkot nito ng mabalitaang wala na ang mga taong pinagsisilbihan nito.

               ".. Samahan mo ako Uncle pag pumunta ako ng hacienda, gusto kung maipaliwanag sa mga tauhan namin ang lahat, gusto ko ng fair agreement, pero ibebenta ko ang mansyon at kinatitirikan nito, hindi ko na talaga kayang makita ang lugar na yun.." bumabalik na naman ang kirot sa kanyang dibdib. Hanggang ngayon di pa rin niya kaya tuwing naaalala ang nangyari, tila may tumatarak sa kanyang dibdib sa tuwing naalala ang mga tao na kahit kelan ay hindi na niya makikita.
                 
               ".. Don't worry i'll prepare the necessary documents needed for this transaction, and please next time huwag kang padalos dalos ng desisyon mo, it might affect your future too, matatapon lang lahat ng pinaghirapan ng lolo at lola mo para sayo, we are all in pain amd in the process of healing, and it will take time, but don't let this affect your future.." paalala ng butihing abugado sa kanya.

              ".. Thank you, Uncle. I'll do that next time, i know i am being careless for what i have decided, and yes, tama po kayo, hindi magiging masaya sila Abuelo at Abuela.. "sa kanyang balintataw ay nakikinita ang mga lolo at lola na nakangiti sa kanya. Napapikit na lamang siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cadavre De Mon AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon