Chapter 7: Crush

107 11 0
                                    

7: Crush

NASABI KO na kay Yari nang tumawag siya na may bago akong cellphone pero 'yong simple lang. Sabi niya, ang mahalaga may phone ako na puwede makapag-search at Facebook. Tinuruan niya ako gumawa at nakagawa na 'ko. Hindi ko nga naiintindihan ang Facebook na 'yan. Wala akong ganiyan noong grade 7 kaya ti-ne-text ako ng classmates ko if may practice or magkikita ng weekend for project or performance purposes. Alam ko may lalabas pang mga mas high tech sa hinaharap pero kuntento na 'ko sa kung ano'ng meron ako ngayon.

Nag-cha-chat kami ni Yari ngayon. Browser ang gamit ko at pinagtitiyagaan ko ang bagal ng signal sa lugar namin.

"Mukhang may nag-e-enjoy ngayon sa bago niyang cellphone."

"Oo na. Ikaw na kasi ang mayaman at na-e-experience ang pinaka-latest."

"Simple palang 'to. May mas maganda pa sa future. Abang ka na lang."

"Abang? Loka. Wala ngang pambili. Buti nga meron pa 'to."

"Ibang usapan lang, a. May nagiging crush ka ba riyan?"

Napaisip ako. 'Yong second honors kasi namin, ang cute-cute niya- pogi na nga lang din tapos ang talino rin niya. "Si Rainato Rene Pearson."

"Wow. Sino 'yan? May honors ba?"

"Oo, second honors namin."

"Kung magkaka-crush ka ng babae, sino?"

"Hala, siya. Seryoso ka? Nagkakagusto lang ako sa lalaki."

"Crush lang naman. Kailan ba naging masama ang paghanga?"

Napaisip ako. Humahanga ako sa personality ni Mariam pero biglang sumagi ang image ni Yari sa 'kin. "Ikaw siguro." Natawa ako bigla sa ni-send ko. Na-i-imagine ko bigla kasi na magkarelasyon kami. Kadiri ka, Miah!

"Same, here. I mean, ikaw rin ang magiging crush ko kapag babae."

"Sus. Na-pressure ka lang."

"No."

"May mga Kristiyano rin ba riyan?" pag-iiba ko ng usapan. Naiilang ako sa usapang crush na babae.

"Meron, mga kaklase. I don't mind them. Napapa-debate lang ako. Hindi naman nila ako pinapatulan."

"Matalino ka kasi kaya ganoon! Mamaw! Pahawa ng talino mo."

"Walang instant na talino, Miah. I work on it. I invest time for it. Hindi iyon kagaya ng disease na puwede ihawa."

Napakusilap ako sa kawalan. Ang seryoso. "Ikaw na kasi ang matalino."

"I believe, lahat ng tao ay may kanya-kanyang talino. Kaya ikaw, matalino ka rin. Sa tingin mo ba pipiliin kitang maging crush na babae kung hindi ka matalino?"

"Ay. So kung bobo ako, ayaw mo sa 'kin?" Grabe ito, e.

"Naiiba ka sa kanila. Hindi ka nanghuhusga. I view it as intelligence. Basta marunong mag-respect at hindi nag-ko-conclude agad."

"Ma-ta-touch na ba 'ko niyan?" Hindi naman niya sinagot kung sakaling bobo ako, magiging crush niya ba 'ko.

"Aba, dapat."

The Living Bible (Completed)Where stories live. Discover now