Chapter 37

164 8 11
                                    

Hindi tulad ng inaasahan ko, hindi na muling tumawag si Tobias sa akin. I waited for an hour or so staring at my laptop but there's no call from him. He must have had a long day to even bother calling me at this hour.

And I can totally understand that! I need to or else I will lose him again if I let my wild thoughts eat me.

Kinabukasan, kahit na hindi naging maganda ang unang gabi ko rito ay pilit ko na lamang iyong itinapon sa isang tabi nang bumungad sa akin ang kakaibang tanawin ng Iseltwald. Sa ibaba ng kabundukan ay ang kulay asul na lawa. Idagdag pa ang mga nagtatayugang mga bulaklak sa gilid. Para bang nasa paraiso ako.

Nagtungo ako sa balcony dala-dala ang tasa ng kape. Hindi rin masamang uminom ng bawal. Nakatulong din ito sa malamig na simoy ng hangin.

"Good Morning, Ma'am." Bigla akong napatayo nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Muntik pa akong mapaso dahil painom na sana ako ng kape nang mangyari iyon.

Yumuko si Cian Park sa akin pagkatapos ay nahihiyang ngumiti sa akin. Nilapag ko ang tasa ng kape ko sa mesa at inayos ang sarili ko. Sinenyasan ko si Cian Park na pumasok dahil naroon lang siya sa labas nakatayo.

"You're early,"

Tumango siya. "I figured you should get ready for your trip. The weather's quite gloomy so it's best to head over to Sigriswil first."

Now that I think about it, I don't think I can do it. Napag-alaman kong masyadong mataas ang tulay na iyon kumpara sa mga normal na tulay para kayanin ng mahina kong puso. Baka wala pa sa kalagitnaan ay magyaya na akong bumalik.

I wrinkled my nose and smiled at Cian Park shyly. Kinuha ko ang kape ko na lumalamig na at hinigop iyon. Nakatingin lamang siya sa akin habang ginagawa ko iyon.

"You know, I'm afraid of heights. We can just go to Lake Brienz instead or in some museums---"

"And it's not wrong to face your fears sometimes."

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sabihing hindi na kami tutuloy ngunit naiwan iyon sa ere nang tumaas ang dalawa niyang kilay at nilagay niya ang kaniyang mga braso sa kaniyang likuran, parang batang naghihintay na payagan siya ng magulang niya na maglaro sa labas pagkatapos matulog sa tanghali. Napailing na lamang ako saka natawa. Okay, I surrender.

Pumasok na ako sa loob para maligo at mag-ayos. Kinuha ko ang kulay blue kong longsleeve shirt at maong pants. Isinuot ko na rin ang beige coat na ngayon ko lang nakita. Siguro ay galing kay Clementine ito. Dahil biglaan lang ang trip na ito, hindi ko na nagawa pang tingnan ang mga damit kong inimpake ni Mama at Clementine kaya naman nakakunot lamang ang noo ko habang hinahalungkat ang maleta ko.

Minsan hindi rin masamang maging fashionista. Siguro ay bibisitahin ko si Sheena o Guia para komunsulta sa fashion sense nila. Isang linggo lang naman ang itatagal ko sa Switzerland. Ano ngayon kung pangit ang fashion sense ko? Hindi naman ako kilala ng mga tao rito at ang magandang balita, hindi ko na sila makikita sa susunod na linggo. Kaya ayos lang 'yan.

Pagkatapos kong ayusin ang beret hat ko ay isinuot ko na ang itim kong boots. Naka-ilang balik na ako sa harapan nang salamin para tingnan ang itsura ko. Para sa akin ay ayos naman, hindi ko lang alam sa iba. Mas maganda sana kung dress ang mga pinabaon nila sa akin pero wala na akong magagawa dahil nandito na. Makakapagreklamo pa ba ako?

"Mr. Park?" Pagtawag ko sa kaniya. Nakasungaw ang ulo ko sa labas ng pinto, hindi pa pinapakita sa kaniya ang buong ayos ko. Nilingon niya ako nang may halong pagtataka kung bakit ganito ang inaasta ko. "Let's go."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay lakad-takbo akong pumunta sa kotse niya ngunit napilitan din akong maghintay dahil nasa kaniya ang susi nito. Nakatayo lamang ako sa labas ng backseat, nakahawak sa knob habang kinakagat ang pang-ibabang labi, nagdadasal na sana ay makaramdam siya at buksan niya na ang kotse. Nabuhayan ako nang loob nang tumunog ang sasakyan niya kaya dali-dali ko iyong binuksan at pumasok na sa loob.

Hiraeth (Dauntless Series #1)Where stories live. Discover now