Chapter Two

22 9 2
                                    

ADRIANA'S POV

"So kumusta na kayo? Wala na talaga?" Mira said while eating ice cream here in my room.


"Yep. Sabi nya he's breaking up with me kaya wala na talaga" kinuha ko ang ice cream sa kamay nya at sumubo rin. Masarap din pala ang matcha flavor na ice cream.

"Pumayag ka? I thought na patay na patay ka sa lalaking yon? Remember? Yung sa camping natin nung Grade 10 tayo? Ikaw ang nag bayad nang pang camping nya" and suddenly i remember na puro katangahan nga pinapakita ko sa lalaking yon.

"Oo nga no?" Patango tango kong sabi habang subo pa rin ang spoon.

"Masakit?" Di ko alam kung kaibigan ko ba talaga to o ano e. Tanungin ba naman yan?

"Malamang! Ikaw isipin mo. Tumawag sayo isang beses si brix tapos he said na pumunta ka sa coffee shop. Then bago ka pumunta don is bongga yung ayos mo. Tapos pag dating mo don -" ginaya ko yung boses ng laaking yon  "im breaking up with you' sige. Masakit? Sige isipin mo. Masakit?"

Parang nag isip din naman si mira dahil unti unti nang kumunot ang noo nya. Kung sya nasa kalagayan ko baka ganito rin sya.

"Oo nga masakit nga" pagsangayon nya habang sunod sunod ang subo sa ice cream.

Hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung mga nangyari kanina. Napahiya na ako dun sa lalaking may bright smile napahiya pa din sa coffee shop dahil sa kagagawan ni trev.

"Pero alam mo sis? May solusyon dyan oara madali kang maka move on" ano nanaman kayang kalokohan ang nasa isip nito?

"Osige ano yon?" Sabi ko at tumingin sa kanya.

"Try to date another guy" literal na nabitawan ko ang phone na hawak ko dahil sa sinabi nya.  Parang napaka dali naman non para sa kanya.

"Baliw ka ba? Ayoko" kinuha ko ulit ang phone ko dahil hindi ako interesado sa idea nya.

"Friend dali na! Ako ang maghahanap para sayo" bakit ba ang kulit ng babaeng to?

"Im not interested. Tsaka teka nga! Bat ba pinipilit moko? For sure isa yan sa mga lalake mo no?"sabi ko na pinanlalakihan sya ng mata.

"Maka lalake naman to. Wala akong lalake no! Parang napaka harot naman ng dating ko non. Tsaka its for your own good naman no! Para maka move on ka na rin don sa lalaking yon"

I know her point. Iniisip nya lang kapakanan ko. Since we were a kid mag bestfriend na kami. I remember noong nasa grade school kami. Sya yung nag yaya sakin na makipag laro but i refuse it. Akala ko kase katulad sya nung mga batang hihingian lang ako ng gusto nila. But im wrong. Simula non hindi na kami mapag hiwalay. Kapag may nang aaway sa akin she's always there for me. And i am too.

"Sis thankyou ha? Kase you always there for me. Kapag nag aaway kami dati ni trev, ikaw yung laging nanjan. Loveyou" mukha naman syang na touch sa sinabi ko dahil parang naiiyak yung mukha nya.

"Sus yun lang e. What bestfriend's are for diba? Kaya pumayag ka na. Please?" Akala ko nakalimutan nya na yung sa date date nya na yon. Hindi pa pala.

"Sige na sige na. Siguraduhin mo lang na maayos yan ha. Sinasabi ko sayo Mira"

"Yes friend! I promised! Promised!" Tuwang tuwang sabi nya at nagmamadaling kinuha ang phone nya "omyghad tatawagan ko si brix for this. Omygod" what?

"Wait. So pin-"

"Yes pinlano namin to ni brix. Alam na namin na nagloloko sayo si trev. Nagsuntukan pa silang dalawa nung nagkausap sila. And then trevor said that gusto nya nang makipag break sayo" ouch.

"Kailan pa yan?" Tumigil sya na parang nag iisip.

"Last month" so last month pa pala nya gustong makipag break?  Sana matagal nya na ginawa para di na masyadong masakit ngayon.

May tiwala naman ako kay Mira. Pero ano nalang sasabihin ng ibang tao? Sabihin nila kaka break palang may ka date na agad na bago. Tsaka baka magalit sina mommy.

"Iniisip mo nanaman sasabihin ng ibang tao no?" Tinignan nya ko at inilagay sa side table ang ice cream na kanina nya pa kinakain. Which is ubos na. "Alam mo sis, kung ganyan ka ng ganyan e wala talagang tatagal sayo. Bat kailangan mo pa isipin yung sasabihin  ng ibang tao sayo? Bakit? Tinulungan ka ba nila sa paglaki mo? Duhh"

May point sya. Hmm

"Sige payag na talaga ako"

"Final na yan sis ha? Sasabihin ko na talaga to kay brix. Wala nang bawian"

Nginitian ko nalang sya at pumunta sa cr para mag tooth brush.

Sunod sunod atang kamalasan ang nagyayari sa araw na to. Nakakapagod. Saglit kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Magustuhan kaya ako nung lalaking ipapadate sakin ni Mira?

Mag wowork kaya?

•••

A/N:Short update hehe.

VOTE and COMMENT if you like this Chapter! THANKYOU❤️









Blind Date (ON-GOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora