Chapter Four

2 2 0
                                    

ADRIANA'S POV


"Yes, he's my bestfriend's boyfriend. Why?" Nagtanong pa rin ako dahil baka hindi naman sya yung talagang ka date ko.

"Uhm.. im your date" sabi nya at ngumiti. Napakagwapo naman nito! Lamang na lamang ang kagwapuhan nito sa kagwapuhan ni trev! "Manong you can go now. Ako na po ang maghahatid sa kanya pauwi" Sabi nya at tinapik ang balikat ni manong.

Halata naman kay manong na tuwang tuwa sya.  Tinignan din muna ako ni manong na parang nanghihingi ng permission so i nod. Besides sinabi naman ng ka date ko na ihahatid nya raw ako. At kilala naman daw nya itong lalaking ka date ko. Kaya pumayag na ko.

Pumasok na kami sa resto at kahit alam na nilang alam ko na kung saan ang pwesto namin ay they lead us the way pa rin.

It is a chilly night dahil sa hangin dito sa rooftop. Tinignan ko ang lalaking ka date ko. He looked so good in his light blue polo, he looked so great. Sobrang gwapo.

"You look so great. Im Caelan Drayce Guerero. You are?" Inilahad nito ang kamay nya. Sino ako para tanggihan? Tinanggap ko yon.

"Im Adriana Meriel Villafuerte. Im sorry na napilitan ka pa dahil sa kagagawan ng mga kaibigan natin" i think dapat na mag thankyou ako kay brix at Mira. Saglit na tumahimik ang paligid at wala ni isang nagsasalita. Ang awkward. Wala akong maisip na topic. Di ko alam kung pano uumpisahan.

"Maam? Sir? Here's our menu" kung di dahil sa waiter ay baka hanggang mamaya hindi na kami mag usap. Sinilip ko sya at nasa menu ang tingin nya.

"What's your's? " Tinignan ko uliy sya pero still nasa menu pa rin ang tingin nya

"

Uh, Grilled Norwegian Salmon Fillet, French Onion Soup, and Caramel Macchiato" binaba ko na ang menu at tinignan sya. Ulit. Binaba nya na rin ang hawak nya at sinabing ganun na rin ang order nya.

Tinignan nya ako at ngumiti. Feeling ko nag iinit ang mukha ko.

"I would love talking to you pero nahihiya ako" he smiled at nagkamot ng batok.

"I am too. Di ko nga alam kung ano ang sasabihin ko para lang umpisahan to" i laughed. Hindi halata sa kanya na marunong sya mahiya.

"But seriously, sayo lang ata ako nahiya" im sure na pula na ang mukha ko dahil sa sinabi nya. I dont know what to react.

Dumatin na ang order namin at nag umpisa nang kumain. He said that sa edad nyang 22 years old ay sya na ang nag mamanage ng business nila because his father is in coma. Hindi kayang i manage ng mama nya but tinutulungan sya nito.

He's very talkative. Nawala na siguro yung hiya nya sakin. I like this version of Caelan. Parang sa ilang oras pa lang naming magkakilala ay close na kami.

Shinare ko sa kanya yung nangyari samin ni trev. Na pagtapos ng ilang taon naming pinagsamahan ay biglaan nalang yung nakipag break sakin without any reason.

"Without any reason? You should punch him very hard for that" sabi nya habang humihigop ng kape.

"You think i can do that? I love him until now. Kahit nga ata gumanti hindi ko kaya" sabi ko habang natatawa.

Totoo. I still love him kahit na masyadong masakit yung dinulot nya sakin. Hindi naman kasi ata agad agad nag fefade ang feelings. Lalo na kung mahal na mahal mo yung tao.

"I can do that. Tell me kung kailan susuntukin ko talaga sya for you" natawa nalang ako sa kanya dahil parang seryosong seryoso sya. Ni hindi nya nga kilala yung tao.

Its already 12 in the midnight kaya naisipan na naming umuwi. As he promised ay ihahatid nya talaga ako. Di naman ako tatanggi dahil baka nagpapahinga na si manong dun sa bahay nila.

Pinagbuksan nya ako ng pinto para makasakay sa sasakyan nya. Sa sobrang gentle man nya ay kinikilig na ko. Kahit sinong babae ang itrato ng ganon ay kikiligin.

"Kinakabahan ka ba? O nahihiya nanaman? Dont worry di ko naman hahayaang may mangyaring masama sayo" sabi nya at tumawa. Bakit ba ninenerbyos ako? Dahil ba ang gwapo ng magiging driver ko ngayon? "Kung inaantok ka matulog ka lang. I already texted kuya isko. Alam ko na ang adress ng bahay nyo" sabi nya at tinignan ako saglit.

I smiled and nod. Inaantok na rin ako kanina pa pero pinipigilan ko lang dahil nahihiya ako sa kanya. Tsaka hindi nya alam ang adress namin. And now i have his permission so i can sleep. Di ko na kayang pigilan ang pag baba ng talukap ng mata ko.

"Hey Adriana, get up we're here" naramdaman kong may nayugyog sakin. Minulat ko ang mata ko at tinignan ang paligid. We're here na pala.

"Uhmm, sorry tinulugan kita"

"No worries" and he flashes he's attractive smile. Kung ganyang ngiti ang makikita ko lagi ay for sure na lahat ng panty ko ay loose thread na.

Lumabas sya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse nya at inalalayan akong bumaba. Why so gentleman? Argggg.

"Sana nag enjoy ka" sabi nya at nagkamot ng batok. Nahihiya pa sya. So cute!

"Na enjoy ko naman" and he looks at me na parang gulat na gulat "bat gulat na gulat?" I laugh. Ang daldal nya kaya, panong di ako mag eenjoy?

"Uh see you again next time?"

"Sure! Anytime" ngumiti ulit sya at tumango.

"Can i get your number?" I nodded and we exchange numbers.

Nag paalam na sya at umalis na. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay at dun nag tumili ng tumili.

Omygosh!

Kinikilig pa rin ako kahit na wala naman syang ginawa para kiligin ako.

Abot tenga ang ngiti ko habang papasok sa kwarto. Hanggang sa pagligo ata ay nakangiti pa rin ako. Buti nalang pala hindi ako tumanggi kay Mira at Brix.

Nahirapan pa ko matulog kasi natulog ako sa kotse ni Caelan. Mauulit kaya iyon? Itetext nya kaya ulit ako?

Ilang saglit pa ay nakatulog na ulit ako. Ng nakangiti.

***

Hope you enjoy this Chapter ✨

Dont forget to like and comment here❤️ Thankyou!❤️ Godbless :>

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blind Date (ON-GOING)Where stories live. Discover now