CHAPTER 6

7 1 0
                                    

YNAH POV

halos lahat kami takot na takot sa mga nangyayari?anong nangyari

"ok students calm down, kami na ang bahala sa katawan ni mydel, okay?kayo, magenjoy kayo sa vacation niyo!!" si sir jaz ang nagasikaso saamin ngayon at sa katawan ni mydel na ngayon sinusugod sa hospital "sir, nahabol po ba ng mga pulis yung bumaril?!"
tanong ko

"wala pang balita, pero sige na, sumakay na kayo sa bus at magpatuloy sa bakasyon!!"

"paano po yung imbestigasyon?!" tanong ko
"kami na ang bahala, sige na, kailangan niyo ng umalis!!"

naguguluhan man, pero sumakay na ulit kami sa bus

"naniniwala din ba kayo sa sinabi ni mydel na inutusan lang siya?!"  tanong ni ford, umiling naman ang lahat ng kaklase namin

"paano ako maniniwala kung isinisi niya ang kasalanan niya sa kaibigan ko!!" sabi ni sharine at nagheadset, tumingin naman ako dun sa driver
"manong  ayos lang po ba kayo?!" tanong ko, naambush na kami kanina, pero hindi man lang siya chineck ng mga doctor na dumating "ayos lang naman ako hija, salamat sa pag-alala!!" nginitian ko lang naman siya bago ako bumalik sa upuan ko

*****************

magteten oclock ng gabi ng makarating kami dito sa pupuntahan, at teka ano to?kagubatan?nakakatakot naman..

"ahhh,manong?san po kami tutuloy dito kung dito niyo kami ibinababa?!" tanong ni ryza

"ahhh, pasensya na iha kung di ko na kayo maihahatid dun dahil wala ng way papunta sa tutuluyan niyo, pero sabi ng principal niyo na straight lang daw kayo at makakakita kayo ng bahay dun daw kayo tutuloy!!"

"hindi niyo po ba kami sasamahan,kung alam niyo naman po pala yung way?!" tanong ni rhian

"hindi daw eh,pero wag daw kayong mag-alala may sasalubong naman sainyo,sabi ng principal niyo!"

"ganun po ba, salamat po, ingat nalang po kayo!!" magalang na paalam ni ryza, napatingin naman saamin yung driver

"kayo ang mag-ingat, para bang may mali akong nararamdaman!!" sabi niya bago siya ulit magmaneho, ang weird ahahahaha

"oh?asan yung driver?!" tanong ni vienna

"hindi daw siya makakasama pero tuloy lang daw natin yung way tapos ayon may bahay daw tayong makikita at dun daw tayo maninirahan!!"

"ang weird naman ng panlasa ni madame, kagubatan?bundok na ata to eh!!" sabi ni jirah, tama naman eh, anlaki ng expectation ko kung saan kami magbabakasyon pero dito?mapapamura ka nalang "isa pa, alam niyang gabi tayo makakarating tapos ni wala man lang titingin na matanda saatin!!"

"don't worry ariana, sabi nung driver, may sasalubong naman daw saatin dun sa bahay!!"

"kahit na!!"

"tama na yan, tara na para makapagpahinga na tayo!!" yaya ni ryza kaya kanya kanya na kaming buhat sa mga dala namin, hindi man lang sinabi ni madame na putik dadaanan namin, ede sana pala nagback pack lang ako at hindi maleta, nakakainis.

"oiii,hurt, himala antahimik mo ngayon, dapat ngayon nagrereklamo ka na!!"
agad kaming napatingin kay hurt ng sabihin yun ni xander, oo nga noh  dapat eto ang unang magrereklamo o sila vienna "guys, kasi ano eh, napaniginipan ko to!!"

"luh, anong klaseng panaginip?!" tanong ni reyven

"ano daw, si moira sabi niya magbabayad tayong lahat~~~"

"ang corny naman niya!paano siya magbabayad eh patay na nga siya ahahahahahahah!!" agad kong sinamaan ng tingin si nicole ng sabihin niya yun  tinaasan pa ako ng kilay neto, sussss. akala naman niya nakakatakot na siya sa pag ganyan niya?psh.

"oh ano daw nangyari?!" tanong ni ben

"hindi ko alam, pero puro dugo, dugo ang nakita ko at mas lalo akong kinakabahan ngayon dahil yung location nung panaginip ko  parang ganito!!" halos tumindig yung balahibo ko nung sabihin niya yun, nang may maramdaman ako na para bang nasa likod ko, unti unti akong lumingon at halos magwala ako nung makita ko ang isang demonyo~~~

"oiii, gagi!" hampas ni jirah teka?
"oiii, natakot ka ba?ahahahahaha, chill, ako to si aries!!" muntik ko na siyang gustong patayin

"hoy aries umayos ka nga,tinotopak ka nanaman!!" pagpapatigil ni aries, nginitian niya naman ako bago siya umalis sa likuran ko "oiii, ynah, tinake serious mo naman ata yung biro ni aries!!" sabi ni reyven, napairap nalang ako bago ko sabayan si ryza sa harapan..

RHIAN POV

hindi ko maiwasan na matakot at mangamba dahil sa kuwento ni hurt, kasi isipin mon ahhh, batdadalaw si moira sa panaginip niya?nakakainis, tapos dagdag mo pa yung location na to ni wala man lang kasignal signal, di ko tuloy maiwasang magisip ng kung ano ano..

"andito na tayo!!" mas lalo rin ako natakot nung makita ko yung titirhan namin, parang sa itinayo pa to noong mga eighty's hundred

"dito talaga as in?baka naman mamaya naliligaw tayo ryza ahhh!!" at wooow, nagsalita narin si rainee "may nakikita pa ba kayong bahay dito?isa pa ede kung mali ede mali, ang nenegative niyo naman, jusqo, gusto ko ng humiga sa kama!!" inis na sabi no ryza "eh kasi naman ang creepy dai para~~~"

"ayan, sa mga pagnonood nood niyo ng horror, ayan ang dulot sainyo, mga kabaklaan at kaduwagan!!" agad kaming napatahimik ng sabihin yun ni lordwin "pero tama sila ryza eh, parang kasi may sasalub~~~"

"alam mo, matutuwa na sana ako nung una kasi pinagsabihan mo sila eh, pero sasama ka pa sa kaduwagan tch, teka nga, tabi diyan, kakatok ako!!" agad pumunta si ryza sa pintuan, pero kakatok pa lang sana siya ng bumukas na yung pintuan at makita ang isang matanda, di tuloy namin napigilan na mapasigaw "kayo ba ang section C hija?!" tanong neto  tumango naman si ryza

"kanina ko pa kayo hinihintay, tuloy kayo!!" agad silang pumasok pero nagpahuli ako, masyadong nakakatakot  gusto ko ng umuwi

"iniisip mo din ba ang iniisip ko?hindi ko mapigilan na magisip isip ng kung ano ano, dahil isipin mo, ganito nagsisimula ang isang horror story!!" bulong ni jirah, binatukan ko nga at tinawanan siya  ayokong mas lalong nadadagdagan ang takot sa katawan ko "ayan, magbasa ka pa!!" sabi ko at pumasok na sa bahay, at katulad nga talaga ng mga dating bahay na itinayo pa nung mga panahon ng kastila, eto, kahoy din ang loob at madaming mga lumang gamit

"ahhh,sir~~~"

"lolo jose nalang ang itawag niyo saakin!!" putol neto

"ahhh, lolo jose san po ba ang kwarto namin?gusto napo kasi namin sana magpahinga!!" magalang na sabi ni ryza

"ahhh, merong sampung kwarto sa itaas, kayo na ang magdesisyun kung sino ang kasama niyo sa kwarto ninyo!!" sabi neto  yumuko lang naman kami bago kami umakyat sa taas

agad akong sumama sa kwarto nila jirah, magiging komportable ako kung andun ako

"ahhhh, guys, puwedeng makishare ng room?!" tanong ni rainee, kasama niya pa si hurt na may malalim ang iniisip siguro baka yun yung panaginip niya

"makishare nalang kayo sa iba!!" agad kong binato yung unan kay reyven ng sabihin niya yun, aba umaatitude ito

"ahhh puwede naman!" at dahil mabait ako pumayag na ako, mas safe kung madaming tao sa room, agad na kaming pumwesto sa hihigaan namin, nagkasya kaming apat nila jirah, reyven at ynah, at dahil sila ang salta saamin, wala silang nagawa kundi matulog sa papag, oh alangan namang aarte pa diba?

A/N: thank u sa pagbabasa, vote naman kayo oh please?

SAVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon