Chapter 3

4 0 0
                                    


Maxine's POV

Nasa hotel na kami ngayon na nirent ni Guin para sa aming lahat. Magkakasama kaming tatlo nina Jane at Hannah sa isang room at magkakasama naman sina Matthew, Fred at Peter sa isang room. Si Guin naman, magisa sa room nya.


"Hey Axi. Bakit parang kanina ka pa down na down?" tanong sakin ni Jane na ngayon ay naglalagay ng makeup.


I let out a deep breath.


"Wala hahaha. Gutom lang ata to." Sabi ko and gives her an assuring smile tsaka din ako kumuha ng pangmakeup.


Sinabi samin ni Guin na magkikita kami mamaya sa lobby ng hotel ng 7pm para magdinner somewhere dito rin sa hotel. That's the reason din kung bakit kami nagdala ng mga nice dress para sa amin.

Suot ko ngayon yung bodycon black dress ko na deep v sa harapan at likod. Sleeveless din ito at medyo maigsi na pinartneran ko ng 3 inch black heels ko. Sinuot ko din yung crop top denim jacket ko na black para mas maging casual yung look ko.

I also did my makeup. Eyeliner wings, eyebrows, gold eye shadow, highlighter and deep red lipstick.


"Wow babe your looks can kill!" Jane exclaimed nang makita akong tapos na magayos.


I just smiled and grab my purse, gift ko kay Guin and my phone.


"Tara na!!" Masiglang sabi ni Hannah na ngayon ay sinusundo ni Fred. Nasa likod nya din si Matthew na nahihiyang nakatingin sa akin.


Lumabas na kami ng hotel room. Kasabay ko maglakad si Matthew ngayon. Walang nagsasalita sa aming dalawa. 

Maya maya, nakarating na din kami sa lobby at naghihintay doon si Guin. Almost parehas kami ng suot ni Guin pero yung kanya walang crop top denim jacket and color gray sya na sobrang glittery. Nakasuot din sya ng 6 inch heels at nakacurl yung hair nya.


"Damn Birthday girl! So freakin' hot!" pagcocompliment ni Hannah kay Guin. She just smiled and look at both Matthew and I. Iniwas ko lang yung tingin ko at tumingin sa sahig.


"This way Ma'am." sabi nung parang waitress at dinala kami sa isang parang restaurant. We all take our seats parang sa school lang. Kinantahan namin si Guinette ng happy birthday then she blow the candles on her cake that says 19.


The time goes on and kumain lang kami habang nagkwekwentuhan at nagbigayan ng gifts kay Guinette. Maya maya, nilabas na nung waitress yung mga alcoholic drinks and nilagay sa table. I decided na magpunta sa CR para umihi. Nasa labas sya nung parang resto at malapit sya sa swimming pool ng hotel.

After ko mag CR lumabas ako and I saw Matthew. He looks like he is waiting for me.

Lalampasan ko sana sya nang bigla nya akong hilahin at yakapin.


"Let go." I said.


"I'm so sorry."


"Let go of me. Matt." 


"I'm so sorry please Axi patawarin mo ako. 4 months pa tayong magsasama diba? Magtitrip tayo sa north part ng bansa."

That One Summer ConflictWhere stories live. Discover now