Chapter 4

4 0 0
                                    


Maxine's POV


"Axi. Dito ka muna sa guest room. Tumawag ako sa Mommy mo at sinabi nya na susunduin ka ni Mac bukas." Sabi ni tita Pina.


"Yes Tita. Thank you po talaga." She just smiled then closed the door.


After ng incident with them, tinawagan ko si tita Pina kung pwedeng makitulog muna sa kanila ngayon.  Si tita Pina ay isa sa mga naging katrabaho ni mommy. Si Mommy is a pediatritian by the way. 

Sinundo ako nina tita Pina at yung asawa nya at sila na din mismo ang kumuha ng gamit ko sa hotel. I was lucky na gising pa sila ng ganitong oras and I feel really really sorry na naistorbo ko sila pero sabi ni Tita Pina na mas malaki ang naging tulong ni mommy sa kanya kaya I should not worry about that.

Ipinikit ko ng mariin yung mga mata ko habang nakasandal sa headboard ng kama.

It has been a looong day.

Sa katunayan, kanina ko pa iniisip yung sinabi ni Matthew na naset up lang din sya. Part of me is gusto syang paniwalaan. Pero di ko sya kayang harapin. Di ko sya kayang kausapin. I mean not right now.

Tiningnan ko yung phone ko at nakita ko ang mga missed calls ko galing sa kanilang lahat. Mostly, It's from Matthew. 

Binuksan ko ang isang voice message na sinend nya.


"Maxine Lexi Domingo. Hi. First of all sorry Axi. Di ko alam kung anong gagawin ko I'm really sorry. Please.. Patawarin mo ako." I hear a few sobs while he is talking. And dahil don, mas lalong bumubuhos yung mga luha ko.


"I was set up Axi. Di to dapat mangyari. Pero they set me up Axi. I am also a victim. Kanina pa kita hinahanap and sobrang nagaalala na ako para sayo. Kakatawag lang sa akin ni kuya Mad. Ofcourse he is mad at me haha. Sinabihan nya akong gag* pero okay lang Axi. Totoo naman e. Atleast nagkaron naman ako ng assurance na safe ka. Patawarin mo ako Axi. Babe please..." 


I let my tears flow as I hear him talk. Di ko alam kung dapat ba akong makinig sa kanya or what. Pero this is too much. Sobra akong nasasaktan. I treasured our 5 years friendship. Sobra. Lalo na yung friendship ko kay Jane. 


[Axi!! Hi!! My parents will be away for 4 months sa summer. It'll be sad kung magisa lang ako. Please please please! Samahan mo ako!!] nakita kong chat ni Eina.


[Alright.] I chat her back.


I let out a deep sigh. This day is too much for me.


...................................


It's been 3 days since the incident happen and nasa bahay na ako ngayon. Mamayang gabi, pupunta na rin akong Batangas. Si kuya Mad ang maghahatid sa akin. Nakaalis na si kuya Mac kahapon kaya si kuya Mad na ang maghahatid sa akin ngayon.

Nagiimpake ako ngayon ng mga dadalhin ko. Naglagay ako ng cute na outfits and glasses. Dinala ko din yung makeup ko atsaka yung lahat ng gadgets ko. Then a few pairs of cute socks and footwear.

Dahil nagutom ako, bumaba ako sa kusina para kumuha ng chips nang bigla akong may natanggap na message from Matthew. Yes hindi ko pa sya binablock. I really think na baka mamaya sinet up nga lang din sya.


[Hey. Labas ka.] Chat nya.


Kumunot ang noo ko pero pumunta na rin ako sa labas at nakita ko sila kuya Mad at Matthew na naguusap.

Sa katunayan, medyo naramdaman ko na naman yung sakit nang makita ko si Matthew. Pero pinagwalang bahala ko yun. 


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Matthew.


"Sinabi ko na sayo. Wala sa mood si Axi makipagusap sayo Matthew."


Bumuntong hininga ako.


"Pasok ka." Mahinahong sabi ko kay Matthew at dumeretso na sa loob. Narinig ko namang sumunod si Matthew sa akin at bumalik si kuya Mad sa pagkakaupo sa salas. Nanonood kasi sya ng basketball.


Dumeretso ako sa salas sa second floor at umupo doon. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na umupo si Matthew ng mga 2 foots ang layo sakin.


"Kumusta ka?" pagbabasag nya ng katahimikan.


"Ayos lang." Malamig na sabi ko at tumingin sa bintana na malapit sa akin.


"Sabi ni kuya Mad aalis ka na daw mamaya para magbakasyon sa Batangas kasama si Eina." 


Tumango lang ako.


"Nasasayangan ako kasi last na sana natin yun na bonding bago ka pumunta sa China para magaral ng medicine."


"Ewan ko kung napatawad mo na ako o ano-" 


"Sigurado ka ba na sinet up ka lang nila?"


Tumango sya.


"Okay fine sige."


Lumapit sya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. I can hear his sobs habang niyayakap nya ako.


"I'm sorry. Axi you know I love you right? Alam mo naman na hinding hindi kita sasaktan hindi ba?"


I just nod my head. 

I know. He's just too kind to hurt me.


"Always call me and chat me Axi okay? Lagi kitang kukulitin no matter what. I promise!"


"Okay yeah whatever." Sabi ko sa kanya.


After that, binuksan ko lang yung TV at nanood kami ng mga movies. We just cuddled with each other hanggang mag 5pm. Nagsimula na ulit akong magready sa pagpunta ko ngayon sa Batangas. And right after, hinigit ko na yung maleta ko papunta sa may sala and there nakita kong naguusap si kuya Mad at Matthew. Halata ko parin kay kuya Mad na galit sya and pinapagalitan nya si Matthew.


"Kuya Mad! I'm ready na!!" Masigla kong tawag kay kuya Mad.


"Tara na." Sabi ni kuya Mad at sinamaan muna ng tingin si Matthew bago tuluyan akong tinulungan sa pagdadala ng gamit ko sa kotse. 

Pagkalagay namin ng gamit ko sa kotse, sumakay na si kuya Mad sa driver's seat.


"Bye Axi." Mahinang sabi ni Matthew sa akin.


"Magbait ka dito ha. Goodbye Matthew." Sabi ko at nginitian sya tsaka sumakay sa sasakyan. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That One Summer ConflictWhere stories live. Discover now