Prologue

64 0 0
                                    

Kanina pa ako nakatingin sa salamin. I had to make sure that my makeup is not cakey at all, na maayos ko ring nasuklay ang buhok ko. I ran my hands over my dress para mawala ang ano mang lukot nung umupo ako.

Huminga ako ng malalim, "Come on, Ali. Mga kaklase mo lang yun."

Kung bakit kasi napaaga naman ang reunion ng batch namin. It has been only four years since we graduated pero kung makapag organized ang batch namin ay akala mo ay sampung taon na kaming hindi nagkikita.

"Oh well," kinuha ko na ang bag ko at lumabas sa aking kwarto. Sumilip ako sa kusina to find my mom cooking lunch, "Alis na ako, Mommy!" Pag papaalam ko.

Lumingon saakin si mommy at napataas ang kaniyang kilay. Kumunot naman ang noo ko sa reaksyon niya.

"Pangit ba ang suot ko?" Nagaalinlangan kong tanong.

She immediately shook her head, "You look fabulous sweetheart..."

Napairap ako sa tono ng boses niya.

"Mommy please," bigla itong tumawa saakin, "wala siya don."

"Wala naman akong sinasabi?"

"Whatever. Baka matraffic pa ako. Bye!"

Hinalikan ko si Mommy sa pisngi at umalis na. Wala namang traffic gaya ng inaasahan ko kaya I'm thirty minutes early. But that's okay.

Nagbrowse na lang ako sa IG ko, napakagat labi ako ng mapunta ako sa discoveries at makita ang pangalan niya.

I've beem stalking him, okay? Gusto ko lang naman malaman kung okay siya. Pero ang huling post niya pa ay yung graduation picture namin four years ago. Agad kong pinatay ang cellphone ko ng makarinig ako ng mga boses.

Nakita ko ang mga kaklase ko, maaga na din sila ha?

Ngumiti ako at tumayo para batiin sila.

"Uy! Kamusta kayo?" Nagbeso kami sa isa't isa at nagkwentuhan saglit.

Maya maya ay dumadami na ang mga tao, nakikita ko ang mga pamilyar na mukha. Napalaki ang ngiti ko ng makita ko ang bestfriend ko.

"Paige!" Ani ko at agad siyang niyakap. "Gaga ka buntis ka kaagad!"

Tumawa siya sa sinabi ko, "Agad din kami nagpakasal ni Jojo pagkagraduate natin!"

Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya, agad niyang napansin iyon, "Sorry..."

"Wala yun, ano ka ba!" Ngumiti ito saamin at saka kami nagkwentuhan.

We were laughing so hard nang mabalikan namin yung mga katangahan namin noong college, agad akong napatahimik ng may sumigaw ng pangalan niya.

"Archer!"

Agad na lumingon saakin si Paige na may pagaalala, "I didn't know... Sabi ni Jojo hindi siya makakapunta."

Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Paige ng dumako ang mata ko sakanya.

There he is.

The man I've ever loved.

The man I though I'd spent the rest of my life with.

The man I let go.

"Hi, Al."

"Archer..."

Not AlwaysWhere stories live. Discover now