CHAPTER 3

68 22 1
                                    

(A/N: It's Christine's POV because her part in CHAPTER 1 is kinda short.)

Christine

Nakarating na kami dito sa Numancia pero hindi muna kami dumiretso sa Ilog dahil gusto pa naming bumili ng makakain, baka magutom kami do'n. Glutton pa naman yung mga kasama ko.

Sumakay ako sa motor ni Jayvee at si Precious naman kay Ellaine. Napagdesisyunan namin na wag isama sa isang sasakyan sina Jayvee at Precious at baka mag away na naman sila. Hahahaha.

Tumigil na ang sasakyan namin tsaka unang bumaba si Jayvee. "This is what I am saying." Turo niya sa ilog.

"Hala, ang ganda naman dito! Ba't hindi ko 'to napansin no'n?" Sabi naman ni Precious. Manghang manghang sabi niya.

"Hahaha! Taga dito ka tapos hindi mo manlang nadiscover 'to? Tsk tsk. Iba talaga kapag team bahay lang." Tawang sabi ni Ellaine.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Kumikislap ang tubig ng ilog dahil sinisikatan ito ng araw tapos may ibat ibang klase ng bulaklak. Hindi rin masyadong mainit dahil maraming punong nakapalibot.

Parang ang ganda namang tambayan ito. Walang kahit anong cottage kaya masasabi kong tago nga 'tong lugar.

"Mas magandang matulog at manood ng movies sa bahay kesa lumabas. Ang init kaya!" Duh tone ni Precious habang pinakita yung balat niya.

"Ang puti puti mo nga e! Try mo rin kayang magpaitim? Nakakahiya naman sa balat ko no?" Sabi ko naman habang natatawa.

"Intrimidida ka ah! Hindi ka naman maitim hmp." Sabi naman ni Precious tsaka tinirik yung mata.

"Guys, here!" Rinig naming sigaw ni Jayvee habang nag-aayos ng gamit. Kasama niya si Ellaine na busy sa laptop niya. Nakaupo sila sa napakalaking bato na flat yung surface sa ilalim ng shade ng puno, saktong sakto lang to saming apat.

Sa'ming apat, si Ellaine yung maraming alam tungkol sa Computer. Di na kami mag-aalala kada may mga projects o mga presentations dahil lagi niyang dala yan and besides, she's really good with it.

Niyakap ko ang braso ni Precious habang papunta palapit sa dalawa. Naupo na rin kami at nag-usap usap kung ano ang mga gagawin.

"Jeyb, pocket wifi?" Tanong ni Ellaine habang naglalahad ng kamay. Nginuso naman ni Jayvee ang pocket doon sa kanyang bag.

"We're going to find different kinds of stones, right?" Si Precious

"Yup!" Sagot ni Ellaine

"I think it's easy to find lots of stone in the river." A matter of fact na sabi ni Jayvee.

"Oo, sa tingin ko rin. I've read about it, there are lots of beautiful stones in the river." Sabat ko.

"It contains a variety of igneous and metamorphic pebbles." Dagdag ni Ellaine.

"So mga granite, schist, gneiss and gabbros yan." Tango tangong sabi ni Precious habang nakahawak sa kanyang baba.

"Yup." Sang-ayon ni Ellaine. "They look great and attractive especially after a rain pours."

"Maganda parin naman siguro if we just pour some water to the stones right?" Sabi ko naman habang kinukuha yung mga chichirya at isa isang binuksan yung gitna. Si Precious naman ang kumuha ng mga inumin, water and softdrinks.

"Water enhances its colors that's why we can find it easily in the river. Let's go, Precious." Yaya ni Jayvee papunta sa Ilog.

"Wait up." Pasaglit ni Precious tsaka kinuha yung supot ng plastik na nilagyan kanina ng nga chichirya.

SECRET OF THE ORBS: The Dauntless Four Where stories live. Discover now