Chapter 47

117 25 40
                                    

Wilma's POV

"Kumusta Horace?" nakangiti kong sabi.

"Nasaan si Seonaid?" tanong agad nito.

Lumapit ako ng ilang hakbang mula sa kanya. Narito kami ngayon sa isang abandonadong bodega. Ito ang sinabi kong lokasyon kay Horace kasama nang pinadala kong mga pictures ni Seonaid.

"Bakit kamukhang-kamukha mo ang papa mo Horace?" pag-iiba ko.

"Nasaan si Seonaid?" ulit nito.

"Tuwing nakikita kita, naaalala ko ang ginawa niya," sabi ko.

"Nasaan si Seonaid?!" ulit nito na parang naiinis na.

"May lakad ka ba? Bakit ka ba nagmamadali Horace?"

Huminga muna ito nang malalim. "Nandito ako para kay Seonaid."

"Nakita mo ba ang mga pinadala kong litrato ng asawa mo? 'Di ba ang husay ko?" nakangiti kong sabi.

Nakita ko kung paano nito kinuyom ang sariling kamay. Sige lang Horace. Magalit ka dahil ito na ang huling sandali ng mga buhay niyo ni Seonaid.

"Bakit ka nagagalit? Hindi ba ayaw mo na sa kanya?" pang-aasar ko dito.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" inosenteng tanong nito.

Ngumiti ako sa kanya. "Isa lang naman ang gusto ko Horace."

Tinitigan ko muna ito. "Ang patayin kayo ni Seonaid," mabilis kong dugtong.

Nangunot ang noo nito tanda na hindi niya maintindihan ang sinasabi ko.

"Bakit mo kami papatayin? May ginawa ba ako sa 'yo?"

"Ops, nakalimutan ko, nabagok pala ang ulo mo," saad ko.

"Ok fine!" dagdag ko. Nakita ko kasi ito na pinipilit na alalahanin kung anong rason kung bakit gusto ko silang patayin. Kawawa naman.

"Hindi naman kasi ako kasing sama gaya nang iniisip ng lahat, total papatayin ko na rin kayo ngayon, siguro wala naman masama na sabihin ko kung ano ang dahilan kung bakit ko kayo gustong patayin," patuloy ko.

Seryoso lang nakikinig sa akin si Horace.

"Mga bata! Ipasok niyo na rito si Seonaid!" sigaw ko.

Narinig ko naman ang mga mabibilis nilang kilos at mga yapak tanda na papasok sila sa loob ng bodega pati ang maarteng sigaw ni Seonaid ay naririnig ko na rin. Nakakarindi.

"Ano ba! Bitawan niyo ako!" sigaw nito.

"Seonaid!" sigaw ni Horace nang makita nito ang asawa.

"Horace?" gulat na sabi ni Seonaid. Tsk. Pabebe.

Tumigil muna ang mga bata ko habang bitbit nila si Seonaid at tumingin sa akin. Agad ko naman silang sinensyahan na alam na nila ang gagawin.

Agad naman nasalo ni Horace si Seonaid pakatapos itulak nang marahas ng mga bata ko. Kitang-kita ko kung paano nabubuo ang galit sa mga mata ni Horace sa dalawang lalaking tumulak kay Seonaid.

"Sayang, sana natikman man lang natin ang babae," sabi ni sino ba 'to? Gosh, hindi ko alam ang pangalan niya, basta isa sa mga nagdala kay Seonaid.

Pumalakpak ako ng tatlong beses. "So, hindi mo na hahanapin si Seonaid sa akin Horace?" sarkastik kong tanong.

Niyakap naman ni Horace si Seonaid.

"Pakawalan mo na lang kami!" sabi ni Horace.

Napatawa ako sa sinabi nito. "Ano ako tanga? Ito na ang hinihintay kong pagkakataon tapos pakakawalan ko pa?" patuloy ko.

Wait For Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now