Epilogue

120 22 35
                                    

Horace's POV

Bumaba na kami ng sasakyan ni Seonaid habang magkahawak-kamay papunta sa main entrance ng mental institution kung saan dito dinala si auntie Wilma pakatapos ma-confine sa hospital dahil sa paglaslas nito sa sariling pulso.

Ilang taon namin hindi ito nakita o nabisita dahil inaamin ko na hindi pa ganoon kalalim ang paghilom ng mga sugat na ginawa ni auntie Wilma, hindi literal na sugat na nakikita ng mga mata o nalulunasan ng mga gamot ngunit isang malalim na sugat na nagkapilat na sa aking puso, kay Seonaid at sa ibang taong nasaktan ni auntie.

Bagamat hindi man siya nakulong sa likod ng rehas, alam kong pinagbabayaran niya na ang lahat ng ginawa niyang kasalanan.

Naglalakad kami ngayon ni Seonaid kasama si nars Jerome papunta sa hardin. May dala kaming mga prutas at pagkain na puwedeng makain ni auntie Wilma.

Nakita na namin si auntie na nakaupo sa wheelchair habang nakatingin sa malayo.

Umupo kami ni Seonaid sa isang sementadong upuan katabi ni auntie Wilma. Nasa harap ko ito na nakatagilid mula sa akin at kay Seonaid. Ilang minuto kaming hindi nagsasalita, nakikiramdam lang sa bawat isa.

Pinagmasdan ko muna si auntie. Ibang-iba na ito sa dating itsura, hindi na raw ito nakikipag-usap at nakatingin lang sa malayo. Malayong-malayo ito sa dating itsura, manipis na ang buhok, at pumayat din ito.

Huminga muna ako nang malalim. "Auntie," tawag ko sa kanya. Hindi ito tumingin sa akin, kung anong posisyon nito kanina ay ganoon pa rin ngayon.

"Auntie, kumusta ka na?" tanong ko. Ang totoo hindi ko alam ang sasabihin ko. Awang-awa ako sa nakikita ko ngayon sa kanya bagamat kalahati ng utak at puso ko ang nagsasabing nararapat lang sa kanya ito.

"Auntie, may dala kaming pagkain ni Seonaid para sa 'yo. Kapag gutom ka, puwede mong kainin 'yon ah," sabi ko.

Hindi pa rin ito kumikibo, nakatingin lang sa malayo.

"Auntie, huwag kang mag-alala dadalasan na namin ang pagdalaw namin sa 'yo," tumigil muna ako ng ilang sandali. "Pasensya na kung ngayon lang kami nakabisita sa 'yo auntie, hindi lang talaga naging madali para sa amin na harapin ka ulit."

"Inaamin kong galit na galit ako sa 'yo auntie dahil hindi naman kasi biro ang ginawa mo. Pumatay ka ng mga taong akala mo hindi ka tanggap, na akala mo hindi ka nila minahal," dagdag ko.

"Isang pagkakamaling nag-udyok sa 'yo na magsinungaling at mangloko ng ibang tao. Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin auntie, inalisan mo ako ng pagkakataon na maipakilala ko man lang sa mga anak ko sina mama at papa," patuloy ko.

Hinawakan naman ni Seonaid ang kamay ko at ngumiti ito sa akin na para bang sinasabi niya sa akin na magiging maayos ang lahat.

"Auntie," tawag ko ulit sa kanya. Hindi ito lumilingon sa akin. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ako o nakikinig lang siya.

Ayoko man gawin ito pero para sa katahimikan ng sarili ko, at ng pamilya ko ay gagawin ko.

Huminga muli ako nang malalim. "Maniwala ka man auntie o hindi, hindi ito madali para sa akin. Gusto ko lang sabihin na pinapatawad na kita. Alam kong mahirap paniwalain pero totoo ang sinabi ko," saad ko.

Napansin ko ang pagtulo ng luha ni auntie sa sinabi ko.

"Sana matutunan mo rin patawarin ang sarili mo auntie," dagdag ko.

"Sir Horace, ma'am Seonaid, kailangan na pong bumalik ni Ms. Dela vega," sabi ni nars Gina, ito ang tumatayong nars ni auntie Wilma rito sa mental.

Pinunasan ko muna ang pisngi ko bago tumayo at tumango kay nars Gina. Tiningnan ko muna si auntie Wilma.

"Auntie, aalis na po kami ni Seonaid," paalam ko.

Wait For Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now