To Calista, welcome to the big time!

1.2K 42 2
                                    


NAKAKAIN na sina Calista at Junpei ng almusal at napainom na rin niya ng gamot ang lalaki. Umepekto agad ang gamot kay Junpei at ilang oras lang ay parang nagdahilan na lang ito. Niyaya na nga siya nito na manood sila ng sine. Magaganda raw ang mga pelikula na ipalalabas ngayon.

"Baka mabinat ka," sabi niya.

"Lalo ako'ng magkakasakit kung dito lang ako tatambay."

Tingin niya ay may punto ito. Kaya nagpasya na siya na samahan ito. May isang sikat na action movie na ipinalalabas noong araw na iyon kaya inakala niyang iyon ang panonoorin nila. Mali siya. Ang pinilahan nila ay isang romantic-comedy na namang pelikula.

"Bakit parang nawiwili ka na sa romantic comedy?" panunudyo niya rito. "Dati, allergic ka talaga diyan eh."

"Napanood ko na kasi 'yong action na pelikula. Hindi ko pa 'to napapanood."

Sila na ang nasa unahan ng pila. Nang makita ito ng babae sa ticket booth ay natulala iyon sa kaibigan niya.

"Hello." Junpei offered his sweetest smile. "Two tickets please."

Wala sa sariling tumango ang babae. Iba siguro talaga ang charm ng kaibigan niya. Maraming babae talaga ang nahahalina dito. Nakaramdam tuloy siya ng kakaibang tuwa na siya ang kasama nito ngayon. Ang lalaking tinatanaw ng lahat, katabi niya, kinakausap niya. She liked the feeling.

"Ikaw na ang bumili ng popcorn ha? Inilibre na kita ng ticket," sabi nito sa kanya. Sa pagkabigla niya, inakbayan siya nito. Bihira din siyang akbayan nito. Kaya ngayon ay hindi niya alam kung matutuwa siya o matataranta.

"H-himala inakbayan mo ko ngayon."

"Malamig," simpleng sabi nito.

Totoo naman iyon. Baka nga iyon lang ang dahilan niyon. Bumili na siya ng popcorn at pumasok na sila sa sinehan. Marami pang bakanteng upuan kaya nakapili sila ng magandang puwesto. Hindi rin sila naghintay ng matagal at nagsimula na rin ang pelikula.

Nag-pokus siya sa panonood pero hindi niya magawa. Kapag kasi nagkakasabay sila ni Junpei na kumuha ng popcorn, naglalapat ang mga kamay nila at parang siyang nanlalamig na 'di mawari.

Hindi rin niya mapigilan ang sariling sulyapan ito. Madilim ang sinehan, ang ilaw lang galing sa malaking screen ang tumatanglaw sa guwapong mukha nito. Parang sumisikip ang dibdib niya makita pa lang ang paggalaw ng mga labi nito habang ngumunguya.

Aware naman talaga siya na guwapo ang kaibigan niya. Pero ngayon ay parang sobra siyang natataranta makita pa lang ang mukha nito. Dahil ba nanonood sila ng romantikong pelikula?

At kung hindi pa siya binibiro ng tadhana, mag-best friend ang bidang lalaki at ang bidang babae sa pelikula. Katulad na katulad nang mga bida sa pelikula ang relasyon nila. Nagkukulitan, nagkakatampuhan at ayaw din ng lalaki na dikit nang dikit ang babae rito.

Nang magkaroon ng kissing scene ang mga bida ay natukso siyang sulyapan si Junpei. Parang pinisil ang puso niya nang makitang nakatingin na pala ito sa kanya. Nagtama ang mga mata nila at hindi naghiwalay, habang nagtitilian ang mga kinikilig na babae sa sinehan. Napadiin ang hawak niya sa armrest ng inuupuan, bago agad na iniwas ang tingin dito.

Nahugot niya ang hininga niya nang maramdaman niyang dumukwang si Junpei palapit sa kanya. Mas naamoy kasi niya ang pabango nito at mas naramdaman ang init galing sa katawan nito. Halos dumikit na ang mga labi nitong nakatapat sa tenga niya.

"Alam mo, nangyayari talaga 'yon no?"

She didn't dare to speak. She would stammer and stumble to meaningless words.

"A lot of times, a man is scared to tell his feelings to the woman he likes," he whispered again. "It happens a lot."

Dumampi sa tainga niya ang tila nilalagnat na hininga nito. His breath smelled like Coca-Cola and buttered popcorn. She could almost taste the salty and sweet flavor in his mouth.

Hindi niya alam kung bakit kailangan nitong sabihin iyon sa kanya. Kaya ngayon ay natutuliro ang sistema niya.

"Y-y-you're right," napapikit na sabi niya. "Happens a lot."

Bumalik na ito sa posisyon nito, but the smell of him lingered on her skin. Mabilis ang kabog ng dibdib niya at kailangan niyang umalis muna para hamigin ang sarili. Nagpaalam siya rito na kailangan lang niyang magpunta ng CR. Pumayag naman ito. Sa comfort room ay hinarap niya ang sarili niya. Her face was as red as a freshly picked rose. Her eyes were bloodshot, but they were gleaming. Naghahabol pa rin siya ng hininga.

Tumunog ang cell phone niya. It was her editor in the publishing company.

"Hello."

"Hello. Calista, right?"

"Opo." Bumalik na sa dati ang kabog ng dibdib niya. "Bakit po kayo napatawag? May problema po ba?"

"Wala naman. In fact I have some good news. Mamadaliin namin ang release ng libro mo."

"Po?" Lumabas siya ng CR dahil mahina ang signal doon. "Bakit naman po?"

"Our editor-in-chief saw its potential. Isa daw 'yon sa pinaka-promising na horror story na ginawa ng isang baguhan in our history of publishing. It didn't solely deal with supernatural forces but also with the human psyche. And it impressed her big time that she decided that it would be our priority. Next week na ang date ng release niya."

Hindi niya inaasahan iyon. Inakala niyang ilang buwan pa bago ma-releasa sa market ang libro. "Really?" In a way, that brought back her energy. "Wow, thanks."

"It's okay. Ibinalita ko lang sa 'yo para hindi ka mabigla. And keep writing. We need more horror stories."

Pagkatapos niyon ay tinapos na nito ang tawag. Naiwan siyang tulala pa rin. Kahit paano ay nabawasan na ang pagkataranta ng puso. Kahit paano ay na-divert na ang atensiyon niya sa naging epekto ni Junpei sa kanya sa sinehan. Her novel would be released next week. Her very first novel. The novel that she dedicated to Clint.

Iyon na ang araw na pinakahihintay niya. Binibigay na iyon agad ng Diyos sa kanya. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi naman siya gaanong masaya. 

Dedicated To You (Complete)Where stories live. Discover now