To Junpei, sino si Facunda?

1.3K 52 5
                                    


PATO BEACH ang pangalan ng itinatayo pa lang pala na resort. Kaibigan raw ni Junpei ang may-ari niyon at napakiusapan raw nito iyon na magbakasyon sila doon. Solo nila ang lugar dahil wala pang hinahayaang makapasok doon. Patapos na ang paggawa roon, wala nang mga makinang pang-construction kaya hindi na delikado iyon. Sabi nga ni Junpei habang nasa biyahe sila, naghahanap na lang ang kaibigan nito nang mainam at suwerteng petsa na pasinayaan ang resort. Intsik raw kasi iyon.

Nakarating sila doon na palubog na ang araw, kulay kahel na mamula-mula na ang langit. Calista stared at the sea's horizon, dazzling as the final rays of the sun shower it with light.

Pinatay na ni Junpei ang makina ng sasakyan. "Gusto mong manood ng sunset?"

Tumingin siya rito. Nasisinagan ang guwapong mukha nito ng papalubog na araw at nakadagdag iyon sa appeal nito. He took her breath away.

"Sunset?" parang gagang pag-ulit niya.

"'Di ba mahilig kayong mga babae na manood ng sunset?" Tumanaw ito sa labas ng bintana. "Puwede nating gawin 'yon. Lakarin natin 'tong beach habang pinapanood na lumubog ang araw."

Hindi siya sumagot, tumingin lang din siya sa labas ng bintana.

"Ayaw mo?" parang may bahid ng pagdadamdam na sabi nito.

Hindi pa rin siya komportableng pumayag. Na-imagine niya si Junpei, mahigpit na hawak ang kamay niya habang naglalakad sila sa baybayin.

Na-imagine din niya na nakahiga silang dalawa sa buhanginan sa gabi, nagbibilang ng bituin.

At naisip niya na bakit ba siya nag-iimagine ng mga ganoong eksena sa kaibigan niya?

"Bakit ayaw mo?" singit ni Junpei, punung-puno ng pagtatampo. "Writer ka pa. 'Di ba ang mga artist, mahilig ding manood ng sunset?"

When she looked at him again, the glow of the departing sun made his face seemed gloomy. Parang ang lungkot lungkot nito dahil lang ayaw niyang panoorin ang sunset.

"Bakit parang affected ka naman masyado?"

He stared intently at her. "Because I want to watch it with you."

Her heart almost knocked her to her feet. Parang hindi si Junpei ang nagsasalita. Dati, nakikinig lang ito sa kanya kapag may sinasabi siya. Nakikipagkulitan. Itinutulak siya kapag niyayakap niya ito. Pero bakit nagbago ang lahat? Bakit parang lagi na itong dumidikit sa kanya? Ano'ng ibig sabihin ng lahat ng pagbabago nito?

"Ang weird mo naman," komento niya. "Gusto mong manood ng sunset kasama ang kaibigan mo."

Akmang bubuka ang bibig nito ngunit agad rin nitong itinikom iyon. Pagkatapos ay inilayo nito ang tingin nito sa kanya, sumandal sa upuan at bumuntong-hininga. "Sige, pumasok na lang tayo sa beach house."

Nagpauna na itong lumabas ng kotse. Alam niyang nawala ito sa mood kaya nakonsensiya siya. Nagmamadali siyang lumabas ng kotse at umagapay dito. Pabirong ikinawit niya ang mga braso niya rito. Kapag ganoon ay agad nitong babawiin ang braso nito sa kanya. Pero this time, hindi nito ginawa iyon.

"'Wag ka nang magtampo," sabi niya habang naglalakad sila.

"Hindi ako nagtatampo," walang emosyong sabi nito.

"Nagtatampo ka. Ang asim-asim ng mukha mo o." Dinutdot niya ang pisngi nito.

"Hindi nga sabi ako nagtatampo."

Pinisil niya ang pisngi nito. Umangal ito na masakit. "Hindi ko bibitiwan ito hanggang hindi mo inaamin na nagtatampo ka."

"Fine," sabi nito na bahagyang nakalabi "Nagtatampo nga ako. Because I really want to watch the sunset with you. Pagkatapos binabara mo lang ako," Hindi nabawasan ang kaguwapuhan nito sa ginawa nitong iyon. In fact, he looked more irresistible by doing that.

Dedicated To You (Complete)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant