CHAPTER 5

3.5K 94 0
                                    


Ang kababata

Pagkatapos kong mag walk out dumiretso nako pauwi ng bahay may klase pa kami pero wala na akong paki alam ang gusto ko lang gawin ngayon ay patayin sa isip ang walanghiyang Hari ng shokoy. Walking distance lang ang school namin mula sa bahay kaya naglakad lang ako papauwi ng nasa tapat nako ng bahay nila Hide ay halos patayin ko na rin iyon ng tingin pumulot pa ako ng maliit na bato saka iyon ibinato sa bahay nila. Buti nalang wala ngayong Tao sa bahay nila nasa ibang bansa kasi ang mga magulang nya at ang mga katulong naman nila ay nasa bakasyon Kaya ang lakas ng loob mag pa party ang hinayupak nayon. Nakatunga nga lang ako sa tapat ng napaka laki nilang mansyon. Akalain mo yon? Pwede rin palang tumira ang mga shokoy sa mga sosyal na bahay.

Napapaismid na lang ako sa tuwing pumapasok sa kukute ko na kasa kasama ko sa paglaki ang Hari ng shokoy at ang apat nyang alagad na kapwa nya shokoy. Si Alexander na Kuya ko, Si Zachary Anderson, si Drake Rockwell pinsan sya ni Hide sya rin ang nagmamaya- ari ng Rockwell Academy , si Mahiro Park, and last but not the least ang Hari ng mga shokoy si Hidelson Montenegro Hide for short. Nako Hide panindigan mo yang pangalan mo, magtago kana at wag kang magpapakita sakin at talagang masusuntok ulit kitang lintek ka.

Bata pa lang ako kasa-kasama ko na ang mga shokoy na yan walang araw na hindi ako umiiyak dahil sa ako ang palagi ni lang napagtritripan. Mga lapastangan talaga ang mga yan mga bata palang kami andami na ni lang nagawang kalokohan na minsan ay nadadamay pa ako. Tulad na lang ng may makaaway ang lintek na basagulero nasi Drake gusto nyang gumanti kaya inaya nya ang apat kasama na ako nakipag rambulan kaming anim sa mga grade 6 pupils nuon grade 5 pa lang kami nuon ang liit namin kaya kami ang natalo iyak ako ng iyak sa office ni principal habang lahat kaming anim ay may bulak sa ilong.

Sunod naman ay nung mag grade 7 kami ang frustrated feeling racer Nasi Mahiro itinakas nya ang sasakyan ng daddy nya, sabi nya marunong syang magmaneho kaya sumama kami sa Plano nyang mag stroll kami. Kaso ang linshak na half breed nayon hindi pala marunong hindi pa kami nakakalabas ng gate nila bumangga na kami sa puno ng mangga na nasa harapan ng bahay nila. Sa lakas ng tunog napalabas ang mommy't daddy nya na halatang naalimpungatan sa tulog. Syempre ano pa nga ba ang nangyari kahit nagkanda bukol bukol kami tawa parin sila ng tawa kasi best memories daw iyon. Mga walanghiya nagkabukol na nga kami nakaluhod pa sa asin pero ang mga baliw tawa pa ng tawa ako lang iyong malakas ang ngawa hindi ako mapatahan ng kapatid ko kaya ang ginawa nilang lahat pinagkaisahan nila ako na kung hindi ako titigil isusumbong nila ako na may crush nako eh bawal pa daw Yun Sabi ni papa, kaya natakot ako at tumigil na sa pag iyak.

Nung nag grade 8 kami duon lang ako napahiwalay sa kanila dahil dinala ako sa America dahil nag ka sakit ako nag stay ako duon ng dalawang taon hindi ako pinayagang makipag usap sa mga shokoy maliban sa Kuya ko syempre kapatid ko yun. Nagkaroon ako ng peace of mind na sa wakas hindi na ako madadamay sa kalokohan nila. Pero syempre hindi ko maiwasan na mamiss sila kasi kahit na palagi nila akong pinagtritripan ay sila rin naman ang nagtatanggol sakin. Nag extend pa kami ng isang taon sa pag stay sa America kaya tatlong taon na hindi ko na nakausap ang ang mga shokoy nayun maliban Kay Kuya na binibisita ako tuwing Holliday season. Umuwi lang kami two years ago grade 12 na kami at graduating nasa senior high. Nag karoon ng gap between me and the shokoys nung una kong dating dito hindi nila ako pinapansin palagi rin nila akong pinariringan, lalong Lalo na ang Hari ng shokoy ramdam kong may galit ang lintek nayon sakin at hindi ko naman alam ang dahilan. Hanggang sa unti unting bumabalik ang pang aasar nya sakin walang araw na hindi ako nabwibwisit sa mga ginagawa nya tulad nung mga Bata pa kami. Napaka weird din ng shokoy nayun inaaway nya ako palagi pero pag ang mga fans nyang sinasamba sya to the deepest part of their heart ang nang aapi sakin ay nagagalit sya. Ipagsigawan pa nga nya last year na walang mag papaiyak sakin kundi sya lamang ang may karapatan. Ang linshak nayon diko magets ang takbo ng napaka purol nyang utak.

Sa pag babalik tanaw ko hindi ko namalayan na kanina pa nakatunganga sa harapan ko ang Hari ng shokoy seryoso syang nakatingin sakin halos mapatalon ako ng maramdaman ko sa mukha ang hangin na nagmumula sa bibig nya. Humahalakhak na pala sya ng hindi ko namamalayan.

Sobrang lapit nya kasi.

Nakangisi itong nakatingin sakin habang Naka squat sya sa harapan ko. Itinulak nya ang noo ko gamit ang hintuturo nya kaya natauhan nako sa pagkakatulala sakanya.

" Ba't ka nag d daydream sa harapan ng bahay ko?"- nang mag register sa utak ko ang ginawang kabalastugan ng shokoy nato ay dali dali kong hinatak ang tenga nya at pininggot ito. Nagsisigaw sya habang tinatanggal ang Mga kamay ko sa tenga nya pero Mas Lalo ko lang itong hinigpitan.

" Akala mo na kalimutan ko na ang ginawa mo? Linshak kang shokoy ka! Anong pumasok dyan sa kukote mo at binigyan mo ko nun ha? Sa harap pa talaga ng mga babaeng baliw sayo ha?! - bulyaw ko sa mukha nya pulang pula ang tenga nya pero hindi ko Yun pinansin dahil naiinis pa ako ng sobra sa ginawa nya.

" Aray naman Alanis! Eh kasalanan mo! Bat mo binuksan sa harap ng mga panget nayon!" - sigaw nya rin pabalik halos uminit ang bunbunan ko ng ako pa ang sinisi nya sa kabalbalan nya.

" Taragis ka talaga kahit Hidelson! Linshak ka!" - pinanlakihan ko sya ng mata ng sinubukan nyang tanggalin ang kamay ko sa tenga nya. Agad nya rin itong Ibinaba.

" Babae ka ba talaga? Ang lutong mong magmura! Di bagay!" - naiinis na sambit nya.

" Isa na lang talaga isasampal ko na sayo ang birthday certificate ko! Sabi ng babae ako, gago ka! I have a vagina kaya kahit tignan mo pa!" - nanlaki pareho ang aming mga mata. Namumula ang mga pisngi ko agad kong tinggal ang mga kamay kong kanina pang nakakapit sa tenga nya. Bigka syang ngumisi ng nakakaloko kaya napaatras ako. Alam ko ang ganyan nyang ngisi.

" Talaga? Pwede kong makita?" - sa sobrang inis ko ay nagpapadyak ako sa harapan nya bago tumakbo papasok ng bahay narinig ko pa ang mga tawa nyang nakakainis kaya tinakpan ko na lang ang mga tenga ko.

Walanghiya ka talaga kahit kailan Hidelson, hindi ka lang bad boy manyakis ka ring linshak ka.

ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATHOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz