CHAPTER 37

548 31 21
                                    


FIFTH VICTIM

Pailing - iling ako habang pinag mamasdan ko ang pwesto kanina ni Aron Lincolnshire. Grabe, marami pala talaga ang kalahi ng haring shokoy nasi Hide. Kung si Hades kumag na shokoy tapos itong si Aron ay baliw na shokoy at ang mga walanghiya kong kababata ay shokoy na apo sa talampakan ni Hide. Ninuno nilang lahat si Hide.

Saktong tutungo na sana ako sa basement ng may biglang humarang sa akin na babae. Nagulat pa ako sa biglang pagsulpot niya dahil ako ko multo. Mala kutis ni snow white ang taglay niyang kulay tapos kasing ganda niya si Cinderella. Naggaling ba sa fairy tale ang babaeng ito? Tsaka bakit nakangiti siya sa akin ng malawak? Close tayo ghorl?

" Ikaw si Alanis Dela Vera diba? I heard that you are kind. I think you can help me." - Hala? Binobola ba ako ng diyosang ito? And anong klaseng help? Mukha naman siyang maayos walang sugat at higit sa lahat mukhang yayamanin ang babaeng ito. Anong kailan niya sa kagaya kong dukha?

" Ah, eh sure. Ano ba iyon? "- awkward akong ngumiti sa kanya habang siya naman ay tila nanalo sa loto with matching pag kislap pa ng mga mata niya.

" Do you have a water? Can I have some? I'm kinda thirsty na kasi and malayo pa ang canteen dito eh" - anak ng! Yayamanin at mukhang diyosa ang isang ito tapos manghihinga lang ng tubig sa kagaya kong dukha? At dahil kind nga ako at buti na lang palagi kong dala dala ang tumbler kong transparent glass. Oo transparent glass talaga ang tumbler ko with my name that has been engrave to the lid of this tumbler.

Ibinigay ko sa kanya ang pinaka mamahal kong tumbler na agad niyang kinuha. Halos halikan pa niya ang paa ko sa sobrang papasalamat niya. Na weweirduhan ko siyang inihatid ng tingin hanggang sa maglaho na ito sa paningin ko.

" By the way, I'm Stella Marie Love Dwight! Thank you!" -

Saan naman niya gagamitin ang tumbler ko? Aba malamang iinoman. Stupid me. Stella Marie Love Dwight? From the Socila Circle? Hmm. Nice name.

Gaya nga ng sinabi ni Aron Lincolnshire ay nagtungo ako sa basement at bumungad sa akin ang may kadilimang kwarto. Hindi na ako nag aksaya ng oras at itinapon ko na lang sa kung saan ang card. Maya maya pa ay may biglang umilaw na red dots sa mismong katapat kong pader.

Baka ito na ang daan patungo sa Arena. Nakakapag taka lang talaga at tila naglaho na lang ng parang bula ang pintuan na pinasukan namin noon ni Alexander nang maganap ang monthly evaluation. Lumitaw muli ang red dots at biglang yumanig ang sahig kaya't agad akong napaupo. Saka ko napansin na bumaba ang sahig na tinatapakan ko.

Elevator ba'to?

Ilang saglit pa at tumigil na ang pagbaba ng sahig at bumungad muli sa akin ang sandamakmak na pinto. Fuck! What am I supposed to choose with this freaking doors?! Baka saan ba ako dalhin ng mga pintong ito kaya't nag dadalawang isip ako kung tutuloy pa ako pero pag bumalik naman ako saan ako dadaan?

Am I stuck here?! Did he planned this?! That sick scumbag Aron!

" Tsk kamag anak mo ba talaga si Dora?" - agad akong napalingon sa aking likuran ng marinig ko ang pamilyar na boses ng haring shokoy. Anong ginagawa ng shokoy rito?

" Sabi nang kuhanan mo na lang ako ng litrato kesa titigan mo ako. Naco-concious din kaming mga pogi. "- sa inis ko ay sinamaan ko siya ng tingin habang ang kumag ay nakangisi sa akin ng malaki. Lasing pa ba ang shokoy na ito? Tsaka bakit parang good mood ang isang to? Nagtatagalog ang talinpadas at nakuha pang ngumisi. May babae ata ang shokoy na ito eh!

" Anong ginagawa mo dito? Diba ang mga shokoy nasa dagat? Bat nasa ilalim ka ng lupa?" - nakairap kong sabat sa kanya. Ngumisi pa ito sa akin ng pagkalaki laki na mas nagpabwesit sa akin. Ninam ka!

ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATHWhere stories live. Discover now