Epilogue

157 4 3
                                    

So eto na. Eto na ang nakakabwisit na epilogue. Joke hahaha. I am warning you all na mature ang scenes sa latter part nito. You may skip or not. The choice is yours. I wrote this anyway because it is needed to be written.

This is the last chapter of this story. Kaya naman sana ay mag-comment kayo after niyo itong mabasa. Tell me your reactions at wag niyo na akong pagdamutan ng comments at votes haha :)) And thank you sa mga comments nung iba sa mga nakaraang chapter.

I attached a photo I got from Google. The one you see sa itaas, sa media section. Yan ang Lisbon, Portugal. If you want to see more of its exotic beauty, maghanap lang din kayo sa Google.

***

Epilogue

Lisbon, Portugal

"Napagod ka ba?"

Lumingon ako kay Phytos. Umiling ako at saka tinanggal ang tali ng buhok ko.

Hinubad niya naman ang suot niyang sunglass at tumabi sa akin. "Ganda sa Torre Beach, no?"

"Sakto lang."

We just had been to Torre Beach. I liked it there dahil hindi naman masyadong crowded. I mean, may mga tourist pero hindi gano'n kadami. Malinis, tahimik at saktong-sakto 'yong sikat ng araw. Sumakit lang bigla 'yong ulo ko kaya nagyaya akong bumalik ng hotel.

Phytos cupped my face. "Okay ka lang ba? Masakit pa ba ang ulo mo?"

I nodded.

"Uminom ka naman na ng gamot mo kanina, 'di ba? Do you want something?"

"I want to rest," I answered then sighed.

"Sige, magpahinga ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag kakain na tayo." Hinalikan niya ang noo ko pagkatapos ay humiga na ako.

***

"Bom dia, mi amor!" (Good morning, my love!)

Napangiti ako nang makita ko ang mukha ng asawa ko. Isa na yata sa pinakamasarap na feeling sa mundo ay ang makita ang mukha ng taong mahal mo pagkamulat na pagkamulat ng mga mata mo.

"Good morning," bati ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

Napatingin ako sa bitbit niyang tray. "I feel better now."

"Breakfast in bed. Bangon na."

Bumangon naman ako at tinanggal ang kumot na bumabalot sa katawan ko.

"I ordered Portuguese Stew. Masarap 'to. I'm sure na mae-enjoy mo."

I smiled at my main squeeze. "Wow, thank you. Is that the greatest thing since sliced bread?" I grinned and he chuckled. "Wait lang. I'll just use the comfort room."

Pumunta naman ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush.

"Saan mo gustong pumunta ngayong araw?" Narinig ko ang boses ni Phytos mula sa labas.

Binuksan ko ang gripo at hindi agad sumagot.

"Sabi ko, saan mo gustong pumunta ngayong araw?"

Hindi ako makasagot dahil nagtu-toothbrush ako.

"Deity? Deity!" Narinig ko ang paghampas niya sa pinto ng CR. "Are you okay? What's happening?"

Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. "Ano ba, I'm okay. I'm perfectly okay," sabi ko at ngumiti. "Alam mo, ikaw, ang paranoid mo."

Lumabas na ako ng CR at bumalik kami sa kama.

"Akala ko kung ano nang nangyari sa 'yo," sabi niya at hinalikan ako sa noo.

FHDDGG 2: How Do Fairytales End? (COMPLETED)Where stories live. Discover now