-43-

1.1K 25 1
                                    

CHAPTER 43:Fool

Cheska's POV

Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.Tumigil na din ako sa pag-iyak.Pero kahit ganoon ay masakit pa din sa dibdib.

'Di ko na din nagawang magpumiglas sa kamay ni Christan.Bukod sa malakas siya,nawalan na ako ng lakas.Nagpatianod na lang ako.

"Are you okay now?"tanong niya sa akin.

Tumango na lang ako at tumingin sa malayo.

Naisip ko na bakit nga ba humantong sa ganito ang mga pangyayari?

"Bakit ka pumapayag na pagsalitaan ka ng masama ng ibang tao?Huh Cheska?"muli niyang tanong.

Hindi ako sumagot.Hindi ko din alam,Christan.

Niyakap niya ako bigla.Narinig ko ang mabilis na pintig na puso niya.Ikinagulat ko iyon.

"Mauna na 'ko"tumayo ako at hindi siya nilingon.

"Be safe"tanging tugon nito.

Naglakad na ako palayo.Parang napakabigat ng puso ko sa bawat hakbang ko.Hindi ko matandaan na pinalaki ako ng mga magulang ko na magpakababa sa sarili.

Nagpalinga-linga ako sa paligid.Hindi ko maalala kung saan ang dinaanan namin kanina.Napairap ako sa kawalan.

Lumiko na lang ako sa kanan.Wala naman akong mapagtanungan.Sobrang tahimik ng lugar na ito.

"Why are you here?"rinig kong tanong ni Tristan.

Nagtago ako sa kabilang pintuan.Sumilip ako at nakita kong kaharap niya si Krystal.Nagulat ako nang lumuha siya at yakapin ito.

"Leave!"sigaw ni Tristan.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari ngayon sa kanilang dalawa.May relasyon ba sila?Nanlaki ang mata ko.

Unang pumasok sa isipan ko si Christan.

"Tristan,please don't do this"humihikbing sagot ni Krystal.

"I don't need you here"malamig na sagot ni Tristan.

"Mahal kita,Tristan"

Napatakip ako sa aking bibig matapos sabihin iyon ni Krystal.

"Tapos na tayo!Ano pa bang gusto mong mangyari?!"tinulak niya si Krystal palayo.

"Dahil na naman ba kay Cheska?You heard tita earlier right?This is all her fault!Bumalik ka na sa akin Tristan.Kakalimutan ko ang lahat ng nangyari.You chose me over her right?"

Nakita ko kung paano kadesperada si Krystal.Siya pala ang may kasalanan ng pang-iiwan sa akin ni Tristan dati.

"Pinagsisisihan ko 'yon hanggang ngayon.I love her!"matalim ang tingin niya.

"You don't know what you're saying.Let's forget about the past at magsimula ulit tayo.Yung walang Cheska sa buhay natin"pagmamakaawa nito.

Dapat malaman ito ni Christan.Pinagtataksilan siya ng mahal niya.

"Krystal!"

Paalis na sana ako nang marinig ko ang boses ni Christan.Isa itong malaking gulo.

"Let's go."hila niya kay Krystal.

"Christan,tapusin na natin ang larong ito."nakayukong sagot niya.

"Ano bang nangyayari?Umalis na kayong dalawa dito.Nasaan si Cheska?"biglang tanong ni Tristan.

Nagtago ako ng maigi para hindi nila ako makita.

"Tristan,listen.Walang namamagitan sa aming dalawa.Ginawa ko lang iyon para makapaghiganti sa babaeng yun.I know,she loves Christan"pagpapaliwanag nito.

Ano?!Pinipigilan ko ang sarili kong sugudin ang desperadang babaeng iyon.Gusto ko siyang ingudngod sa lupa.

"Are you crazy?!"nanggalaiting tanong ni Tristan.

"Aalis na ako,hahanapin ko siya"

"No!Don't touch her!Magsama kayong dalawa ni Krystal."tumakbo palayo si Tristan.

"Leave me alone"umupo si Krystal habang umiiyak.

"Pinaalalahanan kita Krystal.Gusto mong maghiganti?Tinulungan kita dahil alam ko ang sitwasyon mo.Pero,anong nangyari?Bumalik lahat sa'yo"

Matapos iyon,umalis na din si Christan.

Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha ko.Ang sakit!

Pinagmukha nila akong tanga.

-----
Dawn-a

He's My Lifesaver [COMPLETED]Where stories live. Discover now