-46-

1.1K 29 0
                                    

[A/N:Hi guys!3 Chapters to go,then Epilogue.Sorry for Late Update,busy lang talaga.Advance Merry Christmas and here's the UD :)) ]

CHAPTER 46:The One For Me

Cheska's POV

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.Hindi ko inakalang hahantong sa ganito.Mabuti na lang at naisugod agad sa ospital si Krystal.Base sa obserbasyon ko ay hindi na maganda ang kalagayan niya.

Masyado akong nagiguilty.Isa lang ang pumapasok sa isip ko,iyon ay kasalanan ko ang lahat.Kung hindi sana ako nakipagkita sa kanya,baka wala siya sa lugar na ito.

Kanina pa ako naghihintay sa labas ng room niya.Kanina pa din walang tigil ang pag-iyak ko.Wala akong ibang masisi dito kundi ang sarili ko.

Hindi pa dumarating ang mga parents niya maging sina Tristan and Christan.Kailangan sila ni Krystal.Gusto ko ng umalis dito pagdating nila.Ayoko ng magpakita sa kanya simula ngayon.

"Doc,kamusta ang anak namin?"umiiyak na tanong ng Mommy niya.Sakto ding lumabas ang family doctor nila.

Napatayo ako kaagad.Hindi maipinta ang mukha ng doktor.Parang hindi mainam ang sasabihin nito.Tumingin sila sa akin at nag-iwas ako ng tingin.

Hindi ko na kaya.Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nakikinita kong hindi maganda ang susunod na mangyayari.Umalis na ako.

"Miss,saan ang chapel dito?"tanong ko sa nakasalubong ko.

"Doon po sa 3rd floor,malapit sa stairs"sagot niya.

"Thank you"nginitian ko siya ng tipid.

Napabuntong-hininga ako pagkarating ko sa Chapel.Gusto ko sa ganitong lugar.Mapayapa at maiibsan ang mga problema.Tumingin ako sa imahe ng Panginoon.Isa lang naman ang ipinunta ko dito.

'Lord,alam kong malaki itong hinihiling ko sa inyo.Ikaw lang po ang makakaligtas kay Krystal.Sana maging maayos na po ang kalagayan niya.Maraming salamat po'

Pumikit ako at kasabay nito ang pagpatak ng luha ko.Naniniwala ako sa kanya.God made everything for a reason.

"Are you okay?"nagulat ako sa katabi ko matapos kong imulat ang mga mata ko.

"T-Tristan?Why are you here?"I asked.

"Just like you.I prayed for Krystal.Kasalanan ko 'to."mahinang sagot niya.

"What are you saying?It's my fault.Don't blame yourself.Samahan mo siya doon.Alam ko na ang lahat Tristan."utas ko.

Kinakain na ng guilty ang puso ko.Ayoko ng dagdagan pa ito.

"Cheska,ako ang may kasalanan nito umpisa pa lang.Magpahinga ka na and thank you for helping her.I'll take care of her."he smiled.

Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.Alam kong kailangan na kailangan niya si Tristan.At kahit 'di niya sabihin,alam kong mahal niya pa din ito.I'm willing to do everything para magkatuluyan sila hanggang sa huli.

"Wala 'yon.Thank you din.Just promise me one thing"

Iyon ang makakapanatag ng loob ko.

"Ano 'yon?"

"Stay with her no matter what happens.And promise me that you'll learn to love her again."nakangiting sagot ko.

"But--"

"No buts Tristan!I know that you're thinking that you still love me,you're wrong.Matututunan mo siyang mahalin ulit,because she's an amazing girl for me.All she need is you.'Wag mo siyang iiwan."tumalikod ako at ngumiti ng tipid.

Makalipas ang ilang araw ay nabalitaan kong lumipad patungong Korea si Krystal.Tristan called me and he said na sumama siya.I'm happy with that.

"What are you thinking Bess?"tanong ni Rhian.

"I'm just happy"I smiled.

Natanaw ko sa malayo si Christan and he's looking at me.Nginitian ko siya.Hangga't maaari ay ayokong magtanim ng galit.Nakamove-on na ako sa issue na 'yon at maayos na.

"Ayieee.Starting over again,eh?Give him a chance.Alam kong may gusto 'yan sa'yo.Don't need to play pretend,Bess.I gotta go"

Umalis na siya.Aba,iniwan ako?

"Cheska"

Nagulat ako nang nasa harap ko na siya.Woooh!Dumodoble ang tibok ng puso ko.Ano ba 'to?

"I'm sorry.Kalimutan na natin ang mga nangyari.I like you Cheska.That's the truth and I know you're the one for me"

Hinawakan niya ang kamay ko.Parang nanlamig ako bigla sa mga narinig ko.

"O-Okay"tanging sagot ko.

-----

Dawn-a ♥

He's My Lifesaver [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora